Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, June 3, 2008

After PBB
Jun 4, '08 1:07 AM


Pagkatapos ng PBB, balak ni Nicole na mag-aral sa Ateneo de Manila kung na-enroll siya. Pinayuhan rin niya si Alex na mag-aral ng English at Tagalog para sure na pasok siya sa mga schools dito. Si Robi naman balak mag-double major ng Management at Medicine. Kamusta naman ang utak ni Robi?

Kutob ni Beauty...
Jun 4, '08 1:01 AM




Mamaya na ang kahuli-hulihang eviction night kaya naman kabado lahat ng teens. Pero itong si Beauty, malakas ang kutob niya na siya na ang top 5. Nang sabihin naman ni Alex na mukhang siya ang aalis, sabi ni Beauty na top 2 si Mommy Minda kaya maraming supporters sila Alex. Sino-sino nga kaya ang makakasama sa Big Four?

Usapang grand council
Jun 4, '08 12:45 AM



Pinag-usapan ng teens ang grand council at pansin ni Robi na hindi siya tinanong ni Linda. Mukha ring kabado ang lahat lalo na ang translator. Noong una akala ni Ejay, PDA peeps ang grand council. Si Beauty naman akala ,fans. Dagdag ni Alex, na baka sobrang galit na fans. Ano nga kaya kung fans ang naging grand council? Type niyo ba ang gimik na ito?

PDA vs. PBB
Jun 3, '08 11:03 PM



Pinag-usapan ng teens ang pagkakaiba ng dalawang programa. Type nila ang PDA dahil wala itong wake-up call at weekly task! Bukod pa dito, pinag-usapan rin ang finalists ng PDA season 1 na sina Panky at JR. At guess what Kuyanatics? Kapwa Cebuano pala ni Nikki ang 2 PDA cast. Kamusta naman yun? Matapos ito, bumirit ng husto ang True Blue Atenean. Robi mukhang gusto mo rin mag-audition sa PDA ha?

Breakfast by the girls!
Jun 3, '08 10:57 PM



For a change, si Beauty at Nikki naman ang naghanda ng breakfast ngayon. Todo alalay si Beauty sa girl bud dahil hindi pa ito ganoong marunong magtantsa. Ang niluto nila: french toast, at scrambled eggs. Not bad Nikki! Eh yung boys kaya happy sa niluto ng girls?

Bonding ni Ejay at Robi
Jun 3, '08 3:42 AM




Seryosong nag-uusap ang dalawang boys tungkol sa pagpapakatotoo. Para kay Ejay, "kung pinapakita mo naman kung sino ka, bakit ka matatakot?". Agree naman si Robi dito at pinag-isipan ang wise words.

Bukod pa dito, chikahan ang dalawa sa mga kinakatukutan nila. At trivia lang mga Kuyanatics, claustrophobic pala ang True Blue Atenista! Kamusta naman iyan Robi


What to do outside...
Jun 3, '08 3:35 AM



Ang unang gagawin ni Nikki paglabas ay pupuntahan ang family, mga pinsan, at matapos ay sa Dumaguete. Balak pa nito na mag-aral ng kolehiyo dito sa Manila. Si Alex naman siguradong uunahin ang relatives pero 'di siya sigurado kung sa Manila siya mag-aaral. Hindi pa bihasa ang Italian Valentino sa Ingles at lalo naman sa Tagalog. Don't worry Alex, marami pang panahon para diyan!

Heart to heart talk ni Nikki at Alex
Jun 3, '08 3:28 AM



Kwentuhan si Nikki at Alex tungkol sa common friend na si Beauty. Ayon kay Nikki, nag-usap sila ng best girl bud kagabi at sinabi ni Beauty na mas gugustuhin niyang lumabas si Alex kaysa kay Nikki. No reaction dito ang Italian Valentino kaya naman todo paliwanag itong si Nikki. Para kay Beauty, mas pipiliin niya daw na maging kaibigan kaysa maging lover. Ayun naman, sana lang maintindihan ni Alex, kundi tampuhan galore nanaman kayo!

Beauty, may sakit nga ba?
Jun 3, '08 3:23 AM



Lumabas saglit ang Rebellious Girl at mukhang matamlay ito. Nang lumabas si Robi, sinabi niya dito na tingnan kung may sakit siya. Feeling ni Beauty na mainit siya at umiikot ang paningin niya. Hindi kaya naduduling ka lang Beauty sa paglagay ng beads?


blog comments powered by Disqus