Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, June 2, 2008

Good Morning Teens!
Jun 2, '08 11:49 PM



Mukhang puyat ang teens today at bumangon na sila tanghali na! Mula nang magsimula ang season, ngayon lang walang wake-up call. Dali-daling naghilamos ang boys ngunit ang girls, himbing pa rin sa pagtulog. Ano kaya ang mga kaganapan kagabi at puyat na puyat ang teens?

When will it end?
Jun 1, '08 3:20 AM



Patuloy pa rin ang teens sa paggawa ng beaded accessories. Simula kaninang umaga, 13 na ang nagagawa ni Beauty. Si Nicole naman 15. Mukhang marami-rami pa ang kinakailangan nilang gawin. Ilan kayang necklace at bracelets ang kailangan nilang magawa para mapanalo ang task na ito?

When i was 14...
Jun 1, '08 1:06 AM



Noong 14 si Alex, may nakilala siya at ang Kuya niyang si David na isang girl. Type nila parehas ito at sabay nila siyang dinate. May panahon pa noong tinext ni Alex ang chick, ang bro pa niya ang nakabasa nito dahil magkasama sila ng girl. Mukha namang gusto rin siya ng girl dahil inamin nito na mas gusto niyang kasama si Alex kaysa boyfriend niya. Grabehan naman ito? Hindi naman masyadong messy ang pinasukan mo Alex? 3 boys na hinahabol ang isang girl? Why not!

Style ni Alex
Jun 1, '08 12:58 AM



Nang pinuntahan ng 3 housemates si Alex at Nicole, update agad si Alex kung ano ang pinag-usapan nila. Sabi ng Italian Valentino na kinukuwento niya kay Nicole ang storya ng buhay niya.

Noong 14 years old siya, may nakilala siyang babae. Dagdag pa niya, kapag gusto niya ang girl, nakikipag-joke siya dito, at nagkakatuwaan na sila. Hindi ba't ganito ang ginagawa mo kay Beauty? Ibig sabihin kaya like niya talaga ang Rebellious Chick? o baka naman love na yan ah? Alex aminin!

Kwentuhang Pinoy Dream Academy
Jun 1, '08 12:44 AM



Habang nag-uusap sa labas ang nagkatampuhang Nicole at Alex, chikahan to the max naman sina Beauty, Ejay at Robi! Mukhang enjoy na ni Beauty ang pagluto kaya naman nagvolunteer itong gumawa ng pananghalian.

Type ata ni Robi ang kantang, "Mukha kang Sofa" kaya naman pagkalabas niya, hahanapin niya kung sinong kumanta nito. Si Beauty naman ay nagtanong ng boys kung sino ang kumanta ng "Minsan". Sagot naman ni Ejay na si Ronnie Liang. Kamusta naman Ejay, updated ka pala sa PDA!

blog comments powered by Disqus