Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, June 6, 2008

Beauty, asar-talo sa boys!
Jun 6, '08 4:17 AM






Talaga nga namang masarap kulitin ang Rebellious Girl kaya naman panay asar sa kaniya ni Robi at Ejay. Nagluto si Beauty ng pananghalian para sa kanila at binibiro siya tungkol dito. Kesyo na imbento niya ang pagkain at kesyo inakala nilang darak ito. Nagtampo tuloy si Beauty at sinabing hindi na siya magluluto para sa kanila kahit kailan. Pero matapos naman nito balik kulitan nanaman sila! Ayan naman pala joke lang kasi.

Surprise!
Jun 6, '08 4:11 AM





Sorry teens pero hindi masarap na pagkain ang surprise sa inyo kundi maraming maraming maraming C2 bottles! Nang inakala nila tapos na, naku meron pa pala. Kailangan nilang gumawa ulit ng isa pang C2 Tower. Go teens kaya niyo na iyan!

Ejay's dream
Jun 6, '08 4:06 AM




Binanggit ng True Blue Atenista na sana ay imbitahan siya ni Kuya sa PBB Teen Edition 3. Matapos nito ay si Ejay naman ang nagkuwento. Napanaginipan ng Promdie Hottie na kasama niya ang mga magulang niya sa dagat at nangingisda silang tatlo. Pakiramdam tuloy niya na sa probinsya siya maninirahan. Kayo gusto niyo bang bumalik na ang Promdie Hottie sa Mindoro o gusto niyo pa siyang makitang madalas sa telebisyon?

Flying water balloons!
Jun 6, '08 1:51 AM




Malapit na matapos ang teens ngunit heto't sinubukan nanaman sila! Bigla ba naman silang inulanan ng pagkarami-raming water balloons at ang target: ang C2 Tower nila! Sigawan tuloy ang teens ng "Kuya ano ba?" sabay tapon ng mga balloons pabalik sa guardians area. Walang katapusan ever ata ang mga pagsubok sa inyo Big Four, kaya niyo pa ba?

Go Teens!
Jun 6, '08 1:33 AM





In fairness, matapos ang isang buong araw nakaisip na nga ng malupit na strategy ang teens. Inilagay nila sa mga trays ang mga C2 bottles at tinalian ito ng string para sure na hindi ito matumba. Aba naman magandang strategy yan teens! Kulang na lang ang tore ng tower para mabuo na ito. Go go go!!

blog comments powered by Disqus