Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, March 31, 2008

Alex and Kevin appease Kuya
Mar 31, '08 2:19 AM



Dahil sa violation ng housemates ng pag-aaksaya ng pagkain, desidido sila na gawin na ang tama. Matapos ang pagkain ng mala-fiestang handa, ang may lapel violation na si Kevin ay tumulong sa pagligpit ng leftovers. Kasama ang buddy na si Alex, tulong-tulong nilang ibinalot sa clingwrap ang handa. Aba naman boys, trying to please Kuya! Natututo na ang mga housemates matapos ang isang linggo sa bahay ni Kuya. At mukhang patungo sila sa magandang pagbabago ng mga nakagawian at nakasanayan nila. Ano-ano pa kayang mga pagbabago ang magaganap sa bahay ni Kuya? Patuloy na tutukan ang mga pangyayari sa teen housemates!




Graduation Party for the housemates!
Mar 31, '08 1:53 AM



Talaga namang napakabait ni Kuya dahil kahit hindi man natapos ang notebooks, binigyan parin niya ng graduation ang tatlo, complete with school officials plus parents pa ng 3 housemates! At dalawa pang PLUS sa event na ito ay ang PBB host na si Bianca, at ang dating border ni Kuya na si Mikee Lee na batchmate ni Robi. The quality of mercy isn't strained ika nga ni Shakespeare. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal.

Bonggang bongga ang party para sa mga housemates! Pagbalik sa loob ng bahay, mala-fiesta ang handa para sa teens! Kaya naman ang three grads feel na feel na nilang graduate sila at handa nang sumabak sa college life. Very grateful ang tatlo kay Kuya dahil mas naging special ang graduation nila. Papabayaan ba naman sila ni Kuya na kaligtaan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nila?

Panoorin ang kauna-unahang graduation na ginanap sa bahay ni Kuya mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Tingnan ang official PBB Website para sa iba pang detalye.




Graduation Rites about to start!
Mar 31, '08 12:53 AM





Dahil hindi makakapunta ang tatlo sa graduation, dinala ito ni Kuya sa kanila! Handang-handa na ang teen housemates para ipagdiriwang ang graduation ng tatlo!.Ang dating eviction hall, ngayon ay activity area na sa mga teens at dito gaganapin ang programa. Kaso wala pa rin ang 3 newly grads. Grand Entrance talaga ang tatlo at dadaan pa sila sa puting carpet. Hope you enjoyed Kuya's surprise for you! At hindi pa ito ang huli! Marami pang dadating maya-maya lamang




Happy Graduation guys!
Mar 31, '08 12:06 AM





Tinawag ni Kuya ang tatlong graduates sa confession room at lumabas ang tatlo na may dala-dalang... TOGA! Happy Graduation Rona, Jieriel at Robi!! Kung kahapon ay di mapakali ang true blue Atenista, all smiles na ngayon si Robi na suot-suot ang navy blue na Ateneo toga niya. Mukhang ang sabi pa sa kaniya ay kahapon ang graduation pero napostpone daw. Maya-maya lang ay magsisimula na ang graduation ng tatlo! Sino-sino kaya sa tingin ninyo ang mga surprise guests ni Kuya para sa kanila?



Teen Housemates all dressed up!
Mar 30, '08 11:01 PM





Pinagbihis ni Kuya ang mga housemates ng pormal! Naghanda na ang mga boys at naglaro muna sa sala para antayin ang mga susunod na ipagagawa ni Kuya. Ang mga boys talaga namang polished at gwapong gwapo sa polo nila habang ang girls naman naka kuntodo bihis na with all the formal accessories. Bakit kaya sila pinagbihis ni Kuya? Anong malaking pangyayari ang magaganap? Subaybayan ang mga susunod na pangyayari.



Ejay at Nan: "Ang galing-galing talaga ni Kuya!"
Mar 30, '08 3:36 PM





Kapwang nakapaglabas ng emosyon sina Ejay at Nan kay Kuya. Amazed na amzed si Ejay dahil kay Kuya lang niya nagawang umiyak ng ganoon katindi, at nalabas niya talaga 'yung mga bagay na importante at nakakapagpabigat sa loob niya. Hindi daw kasi tipong nangangaral si Kuya. Instead, nakakapag-explain siya in a calm way na talagang maiintindihan mo at alam mong iniintindi ka. Panay pa nga daw ang assurance sa kaniya ni Kuya na maaayos ang lahat. True enough, step by step ay naaayos ang mga bagay. Agree naman si Nan sa ka-housemate. Nagka-moment na rin sila ni Kuya at todo iyak din ito. Shinare naman ni Nan na iniisip niyang tumigil muna sa pag-aaral dahil gusto na niyang makatulong at makabawas sa pabigat sa kanila. Naku, Nan, mas makakatulong ka kapag nakapagtapos ka na. Patawa pang pinaalalahanan ni Nan si Ejay na laging magbaon ng towel (in case maiyak ka sa takot, lungkot, o saya) at C2 na kini-clain niyang pantanggal ng kaba. Si Nan talaga, sakto ang title na Junior Kengkoy!




Eviction Worries
Mar 30, '08 3:28 PM





Ang unang tawanan tungkol kina Luis at Toni na hihilinging umarte na Armando't Armanda ay napunta sa mas seryosong usapan. Si Jolas ay nagsh-share kay Beauty ng hinanakit kay Linda. Mabilis kasi itong mambara, pero pikon kapag siya ang nababara. Feeling ni Jolas, dapat ma-realize niya na wala siya sa bahay niya para umasta ng magaspang. Si Jieriel pa ang isang housemate na nakaka-off sa kanya paminsan. Naiintindihan naman daw ng binata ang pagiging prangka nito, pero sana matuto din itong lumugar.

Nag-bonding sa garden sina Beauty, Kevin, Valerie, Rona at Nan. Nag-iisip ang mga ito kung sino ang unang mae-evict. Feel ni Beauty na siya ang unang out, dahil hindi daw siya maka-mingle ng maayos sa mga ibang housemates. Si Kevin naman ay ganon din ang feeling. Pareho pa sila ni Valerie na worried sa inability nilang magsalita ng diretsong Filipino. Mas malala si Kevin dahil mabibilang lang ang mga alam niyang words. Nagpustahan pa sina Beauty at Kevin. Noong una, matalo tatalon sa pool in their undies, pero binawi ni Beauty dahil if ever, ayaw niyang gawin yun. So, pending pa ang consequence. Ang boto ng tatlo na hindi matatanggal ay sina Robi, Rona, Jolas, Josef at Alex. Hmm... excited naman kayo! Let's see, okay?





Isang teorya tungkol sa tuli
Mar 30, '08 3:20 PM





Samu't saring small things naman ang naganap after the dramatic moment ng housemates. Pinapunta sila ni Kuya sa storage room kung saan may ankita silang tig-iisang paper bag na may bagong outfits from Jag. Kahit na may ilang damit na hindi kasya (though papalitan daw, ayon kay Kuya), very thankful ang mga housemates sa surprise gift nila.

Nag-usap naman ang mga boys na sina Ejay, Jolas, Josef at Robi tungkol ulit sa pagtutuli. Nagkukumpara sila ng experiences at mga paniniwala about it. Lahat sila ay circumcised na, though sabi nga ni Robi ay hindi naman talaga kailangan na magpatuli, pwera nalang sa traditiona nd culture dito sa Pinas. Tuloy ay usapan ng pros and cons ng tuli. Isa sa iniisip nila ay ang paniniwalang lalaki daw si manoy kapag natulian. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Sa tingin niyo? Totoo ba yun?




Let's bow our heads and pray
Mar 30, '08 3:13 PM





Dahil na rin siguro very emotional na ang lahat, inaya ni Rona ang housemates to gather in the living room. Dito siya nag-lead ng prayer session kung saan okay i-voice out ang mga prayers at concerns ng bawat isa. Sina Rona, Jieriel, Robi at Josef ang kumuha ng opportunity to pray out loud for everyone. The rest chose to pray silently. Nagsalita man o hindi, kitang-kita sa bawat isa ang sincerity and seriousness sa ginagawa. Matapos ang lahat, isang matinding group hug ang shinare ng mga teen housemates. Hay, ang intense ng faith sa bahay!

blog comments powered by Disqus