Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, March 30, 2008

Josef tells all!
Mar 30, '08 4:15 AM



Ibinunyag na ni Josef ang secret sacrifice ng housemates para sa fresh grads! Accomplice pala ang gentle giant na si Jolas para idistract ang graduates na sina Robi, Jieriel at Rona! Double reward ang makukuha nila kung magawa nila ang 1,500 notebooks. Mabibigyan ang mga batang nangangailan ng notebooks, at mabibigyan ng graduation party ang tatlong housemate. Nang hindi maabot ang target number, naging emosyonal ang mga housemates. Napaiyak na lang si Beauty dahil walang magaganap na celebration. Ipinakita naman nila Robi ang appreciation sa ginawa ng fellow housemates.

Graduation ni Robi ngayong araw na ito kaya todo congratulate at sorry ang bati ng mga housemates. Magswimming na lang daw sila sabi ni Linda. Kaya nang maghanda ang mga housemates, si Robi naman nagmumuni-muni sa living room. Ano kaya ang iniisip niya? Papuntahin pa rin kaya siya ni Kuya para icelebrate ang pinakaimportanteng araw sa buhay niya? Keep posted on Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!



Boys gone wild!
Mar 30, '08 3:40 AM


Nacarried away ata si Jolas at Robi sa kasuotan nilang pambabae at lagay na lagay pa si Jolas ng earrings! Ipinaalala na lang ni Rona na nakikita sila 24/7 sabay tanong na ano kaya ang sasabihin ng Mommy ni Robi kung makita niyang naka damit-pambabae ang uniko hijo? Diyan naconscious ang dalawa at sinusubukang takasan ang camera! Andiyan yung pagtago sa likod ng pinto at pagtago sa ilalim ng kumot. Nang maisip na wala talaga silang takas, itong si Robi nakipaglaro ba naman sa camera! Pumasok na ang mga girls sa kuwarto kaya nagtanggal na rin ng damit ang dalawa. So boys nahiya pa kayo sa girls, libo-libo lang naman ang nakakapanuod sa inyo!



Kevin's opinion on flings
Mar 30, '08 2:33 AM



Para maaliw ang mga housemates pinag-usapan na lang ang mga zodiac signs. Napunta rin ang usapan sa mga love life ng housemates. Ngayong araw na ito ipinagdiriwang ang 6th monthsary ni Alex at ang kaniyang girlfriend kaya naman sinabi ni Kevin na batiin raw ng housemates ang kaibigan. Na-hot seat si Kevin nang tinanong siya ni Beauty kung ilang months sila ng nakafling niya. Sabi ng Spanish Stallion na matagal rin, hindi daw seryoso ang girl sa kaniya pero siya daw seryoso sa fling na yun. Fling na seryoso? Hmm.. pwede.

Kinuwento pa ni Kevin na tinawagan daw siya ng girl na pumunta sa kanila at hindi naman siya makapunta dahil birthday party niya. Kaya naman ang tactic nung girl, tinawagan siya ulit para pagselosin. Pagkatapos nung pangyayaring yun, nawala nang parang bula ang girl. Naghanap ng kadamay itong si Kevin kaya naman tinanong si Josef kung nakailang fling na siya na siya namang sagot ng binata na marami.

Marami pa lang sikreto ang nabubunyag dahil sa paggawa ng notebooks nang walang tigil. Ano-ano pa kayang mga sikreto ang mabubunyag nila habang ginagawa ang task na ito?



The exempted four, practice galore!
Mar 30, '08 1:52 AM



Practice galore sina Robi, Jolas, Jieriel at Rona sa choreo ng Gentle Giant. Dahil hindi sila kasama sa task very productive ang apat at hindi inaksaya ang panahon sa pagdilly-dally. Career ang pagpractice sa choreo ni Jolas sa "Kabataang Pinoy" (theme song ng PBB Teen Edition) at performance level ang galaw nila. Nang tumagal, hindi makasunod ang Bubbly Girl ng Davao dahil mukhang may mga nabagong steps. Sagot naman ni Robi na kahapon habang nagbubuhat ng itlog si Jieriel, may mga pinalitan na steps si Jolas. Pero no worries dahil madali lang naman daw. Watch and learn from the boys!



Housemates exempted sa task!
Mar 30, '08 1:30 AM



Habang abala ang mga housemates sa boys' room na gumagawa ng task, Si Robi, Jolas, Jieriel at Rona nasa girls room naman. Kaya ang girls kung anu-ano na lang ang pinaguusapan sa kuwarto. Kinausap ni Josef si Jolas sa labas at sinabing kulang na raw sa papel at baka hindi umabot sa quota. Paano naman kaya nila aayusin ito? At bakit nga kaya hindi kasali ang apat na housemates sa task? May kinalaman ba ang graduation march sa task na ito? Tumutok lang for more updates!



10 Notebooks Down and Counting!
Mar 30, '08 12:42 AM




Abalang-abala ang teen housemates sa paggawa ng mga notebooks! Si Ejay relax na relax na nakahiga habang nagbibilang ng papel para gawin itong spiral notebook. Si Nikki naman, kayang kaya na gawin kahit hindi nakatingin. Ganun rin si Linda na pinagmamasdan ang mga ibang housemates habang nagbibilang sila ng papel. Kamusta naman ang multi-tasking? Pampagana ni Kuya: Ang graduation march na kanta. Maganahan nga kaya ang mga housemates dito? Abangan kung sino nga ba ang makakatanggap ng mga handmade notebooks na ito!



What if... mangati ang ilong ng humahawak ng itlog?
Mar 29, '08 5:37 AM




Ito na siguro ang pinakamalaking challenge since nafigure out ng girls ang tamang technique sa paghandle ng itlog. Nalaman na nila na puwedeng umupo habang hawak ito. Ideal pa ito dahil supported ang braso nila at nakapatong ito sa hita. Nung pagkakataon na ni Linda at Jieriel para hawakan ang itlog, solve sila! Nahawakan na nila ng ilang minuto nang biglang mangati ang ilong ni Jieriel. Patay. Kaya naman to the rescue si Valerie na kinamot ang nangagating ilong ni Jieriel. Di rin naiwasan na magcrack ang itlog kaya ang mga housemates dali-daling pinuntahan ang dalawa at tinulungan sila. In fairness, team effort talaga ito, walang iwanan hanggang mangati ang ilong!



Boys successful in the egg task!
Mar 29, '08 3:17 AM






Tapos na ang boys sa paghawak kay humpty dumpy! Nauna si Josef at Alex at nung nangangawit na ang Lethal Lasallite, tinanong kung ilang oras daw ba kailangang hawakan ang itlog. Sagot ni Linda, 2 oras. Napa-HA? na lang tuloy ang Lasallite. Pero biro lang daw yun. Sumunod si Ejay at Jolas na tumagal lang sandali dahil tinawag si Ejay sa confession room. Si Kevin na lang ang pumalit sa kaniya. Medyo nahirapan ang dalawa dahil hindi sila magkasintangkad. Sumunod naman si Nan at si Robi na mukhang pinakamatagal na nakahawak sa itlog. Tuwing bumabagsak ang itlog, to the rescue ang mga girls! Very useful ang mga galamay ni Priscilla dahil naaabot ang tuktok ng itlog at nahahawakan para di bumagsak. Pero nung turn na ng girls, kapwa girls lang rin ang tumutulong. Boys help naman diyan! Nauna sa girls si Beauty at Nicole. Maging kasing successful kaya nila ang boys?



Humpty Dumpty keep the housemates company!
Mar 29, '08 1:36 AM



Lumabas ng confession room si Ejay at Jolas buhat-buhat ang higanteng, pulang itlog. Inatasan ni Kuya ang housemates na buhatin ang itlog gamit lang ang malaking kutsara. Kung lumagpas ng 5 beses ang bagsak nila sa itlog, mas malaking parusa ang makukuha nila ayon kay Beauty. Magpapalitan ang mga housemates sa pagbuhat ng higanteng itlog na ito. Pinalibutan ng housemates ang 2 boys at halatang halata na nahihirapan ang dalawa. Mukhang basag-basag na ang itlog kaya naman inayos ni Rona at Robi ang nakasimangot na humpty dumpty. Maayos kaya nila nito at makayanan ba nila ang task na ito? Good Luck Housemates!



Girls bond over hair care!
Mar 29, '08 1:14 AM




Nagtipon ang mga girls sa kitchen area para magkulot at magplantsa ng kanilang buhok. Habang abala si Priscilla sa pagplantsa ng mga buhok nila Valerie at Nicole, nagbigay ng mga tips si Jieriel sa kanila. Ang conscious na si Jieriel, hindi lang secrets on keeping a fit figure ang alam, kundi on keeping luscious manes pa! Sabi ng bubbly girl ay ok raw ang pagpapacellophane at rebond. Aba naman. panalo sa hair care ang girl na ito. Dagdag naman ni Valerie na swerte ang may mga makakapal na buhok dahil pagtanda, hindi magiging problem ang pagnipis ng buhok. Cinompliment pa ang shy-type na si Nicole dahil kitang kita naman na long and thick ang hair niya. Sige lang girls, keep the tips and trivias coming!



Kevin, may sariling videoke session?
Mar 28, '08 7:30 AM





Aba, parang nasa videoke bar lang ang mga housemates dahil sa pagkanta ni Kevin ng Heaven sa harapan. Parang naiimagine ko na kung anong sasabihin ng Videoke masters kung sakaling nasa show nila si Kevin...wala bang hihirit sa ibang housemates? Mukhang immune na sila sa pagkanta nitong si Spanish stallion!

blog comments powered by Disqus