Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, March 27, 2008

Blue Team vs. Yellow Team = who will win?
Mar 27, '08 5:16 AM




]Nakabihis na ang mga housemates sa kanilang costume! yung ibang boys naka suit, habang yung mga girls naka skimpy outfits. Pinapahanda na sila ni kuya sa game na lalaruin mamaya. Sinusulat na ni Josef ang pangalan ng teams sa blackboard. At mukhang related ang game sa sport ni Jolas. Kung natatandaan ninyo pa, alam ninyo ito. Sino kaya ang mananalo sa game? At bakit naka suit ang mga boys? Abangan mamaya sa Uber!


Priscilla spills the beans on her love interest!
Mar 27, '08 3:57 AM



Sa bonding ni Valerie at Priscilla, inamin ng differently-abled teen na type niya ang promdie hottie ng Mindoro na si Ejay! Akala ng marami na si Jolas pero ang gusto pala talaga ni Priscilla ay si Ejay. Siya ang gusto niyang makapareha at maka loveteam kung sakaling mag-artista. Nagagree pa si Valerie at minemention kung paano yung personality. Sinagot ni Priscilla na mabait si Ejay pero importante na may itsura. Nung tinanong ng dazzling doll kung may girlfriend daw ba si Ejay tuwang-tuwa na sinabi ni Priscilla na wala! Ang mayroon lang girlfriend sa pagkakaalam niya ay si Kevin, Jolas at Josef! Kaya girls take your pick!


Nan's Queen!
Mar 27, '08 12:53 AM





May Reyna na ang haring si Nan! at ang masuwerteng binata, tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng biyaya! Si Nicole ang idineklarang Queen ni Nan! Ipinagtabi sila sa living room habang pinapanuod ang activities ng housemate. Feeling hari na talaga si Nan pero mukhang kulang sa chemistry ang dalawa. Kaya naman si Priscilla lumapit sa kanila at nirecite ang famous line ni Juliet na "Romeo, romeo, wherefore art thou Romeo?" Aba naman Priscilla, hindi ka lang Rizal quoter, pati Shakespeare alam mo rin? Impressive. Tumango at nagsmile naman ang "couple". Ang dynamic duo namang si Kevin at Alex kinantahan pa ng love song na "Falling in Love with You" ang royal couple. Habang kumakain si Nan, sinusubuan pa siya ng food ni Valerie. Hindi kaya magselos ang Queen Nicole niyan, Val?


Nikki gives Kevin lessons!
Mar 27, '08 12:29 AM



Tinuturuan kumanta ng pretty at charming na In-Chick na si Nikki ang dashing Spanish Stallion na si Kevin! Makayanan kaya ng powers niya? Noong una hindi makuha ni Kevin ang lyrics ng Heaven ni Bryan Adams. Sinusubukang alalahanin by trying to strum an imaginary guitar while singing pero hindi pa rin. Kaya ang hunk na ito makulit na sumasayaw na lang habang nakahiga hanggang sinita na lang siya ni Nikki, baka raw ma-punish ulit siya ni Kuya. Mukhang ito na nga ang punishment ni Kevin sa earlier violation niya. Good luck Kevin sana mamemorize mo na ang kanta!


Nan receives special attention from the girls!
Mar 26, '08 10:51 PM



Dahil crowned King for a day o depende sa pagpapatigil ni Kuya, pinagsilbihan rin ng girls si Nan! Napakasuwerte ng palabirong kengkoy dahil pinaligiran siya ng girl teen housemates. Pinapakain siya ng noodles ni Priscilla habang may kumukuha ng gusto niyang C2. Dagdag pa ni Valerie na huwag daw istress ang hari. Ang sagot naman dito ni Rona ay ang pagmamasahe sa kamay ni Nan. Lucky guy! Lahat ng teen housemates ay handang sundin ang gusto niya. Ano-ano pa kaya ang ipagagawa niya sa teen housemates? Hanggang saan naman kaya ang magagawa nila? Abangan...



Nan is King for a Day!
Mar 26, '08 10:09 PM



Nan, it's your time to shine! Mula sa pagpapaligo, pagttoothbrush at pagbibihis, haring-hari ang dating ni Nan dahil sineserbisyohan siya ng gentle giant na si Jolas. Curious na curious si Kevin na tinitingnan ang ginagawa ni Jolas kay Nan. At si Nan naman todo flash ang pearly whites sa VIP treatment ng housemate. Hindi pa nagtatapos doon! Sinuotan pa siya ng gold na outfit na panghari, at may matching crown pa! Si Rona ang nag-ayos ng final look ni Nan at satisfied ang junior kengkoy ng Davao. Pagkalabas sa kwarto, pabiro at may kasamang bungisngis na nag low bow pa sa kaniya si Kevin, Alex at Josef! Hmm.. Subaybayan natin ang mga detalye ng pagiging hari ni Nan!



Kevin's Violation!
Mar 26, '08 9:41 PM



Umagang-umaga at may violation na si Kevin! Mukhang naiwan pa niya ang sarili sa dreamland kaya naman patuloy ang pagkakausap sa ibang housemates na walang lapel! Agad na tinawag ni Kuya ang kaniyang attention sa pagring ng ding dong at pagflash sa screen. Dali-daling tinawag ni Alex si Kevin para ibalita ang pagpapaalala ni Kuya. Boys nangongolekta ba kayo ng violation? Kevin strike two na kaya ingat next time!



Baton twirling lessons for the boys!
Mar 26, '08 5:29 AM



Kani-kanina, nagpakitang gilas si Rona sa kaniyang skills in twirling the baton! Amazed ang boys sa tinatagong talent ni Rona. Kaya ginusto rin namang maturuan kung paano gawin ito. Sinabayan rin ni Beauty at Jieriel si Rona at naging audience nila si Kevin at Alex. Sinubukang turuan ni Beauty si Kevin at Alex na pinaglaruan ito. Para saan kaya ang baton tricks na tinuturo ni Rona sa boys? Alamin mamaya sa Uber!



IQ tests baffle the housemates!
Mar 26, '08 3:28 AM



Sinimulan ni Rona ang pagbibigay ng mga hypothetical situation at pagtatanong ng trivia questions at pinapahula sa housemates kung ano ang tamang sagot. "What is a thing that has no mass, and has no weight but sinks?" ang tanong niya sa housemates. At agad naman itong nakuha ni Nicole na sinabing "Hole". Hmm.. Smart girl ang bilis nun wala pang 5 seconds. Hindi nagpahuli si Priscilla na mayroon rin alam na ganitong kuwento. "Spell spelling without L, and if you spell it you are a good speller". Si Nan ang nagvolunteer na magspell ng "spelling" pero hindi nakayanan ng powers niya. Dahil hindi nila nakuha, sinabi ni Priscilla na ang sagot ay "I-T". So nagets ninyo ba?

Si Ejay nagspeak up at napunta sa usapang palengke. "May nagtitinda sa palengke, ang kamatis - sisenta, ang sibuyas - sitenta, ang bawang - otsenta, ang mansanas - nobenta. Magkano lahat-lahat?" Sagot ng marami, 300! At sige i-add ninyo, 300 nga naman. Pero mali daw sabi ni Ejay. Ang sagot ay...........................

210! Bakit? kasi daw ang mansanas, No Benta! Haha. Nice one.



Kevin + Josef = chaos!
Mar 26, '08 12:52 AM



Noong nagsama ang dalawang teen housemates sa pool puro kakatawanan at kulitan ang nabuo sa kanila. Tawang-tawa ang audience ng dalawa na sina Jolas at Ejay. Si Kevin hirap na hirap umahon sa pool kaya naman sinalubong siya ng alaskador na tawa ni Josef. Lumapit tuloy si Kevin sa kaniya at pinagwiwisikan ng tubig hanggang sa mahulog ang La Sallian sa salbabida. Siya tuloy ang napagbuntungan ni Kevin at nagkulitan na ang dalawa. Mukhang naencourage pa na gumawa ng diving stunts at slapstick pool humor ang dalawa nang tumawa nang walang humpay ang audience nila. Go boys at baka umabot pa kayo sa olympics sa august!


Lost Pictures!
Mar 26, '08 12:26 AM




Nang pumunta ang housemates sa living room, nakita nila na may mga pictures na nakadisplay sa couch. Nung una alangan pa silang lumapit dito kasi baka nga naman No Touch dapat sila sa items na ito. Pero after ng Compatibility game, hindi rin nila natiis at pinalibutan ang mga pictures! Nadiskubre nila na either kaibigan or relatives nila ang mga naligaw na pictures na ito. Ano nanaman kaya ang bagong gimmick ni Kuya sa teen housemates at nilagay ang mga pictures sa living room? Para saan kaya ang pictures na ito? Let's wait and see.


How Big is your friendship? Rate 1-10
Mar 25, '08 11:54 PM



Kamusta naman ang tanong na yun ni Alex sa mag BBF?

Unang tanong ay kung ilang taon na silang hindi nagkita at buti naman naalala pa nila ang made-up story at parehas nilang nasagot na 4 years. Nakuha rin nila kung kailan ang huling pagkikita at paano sila nagkakilala. Pero nung tinanong kung ano ang favorite food ni Robi, sumablay si Josef dahil ang sagot niya ay bangus at ang sagot naman ni Robi ay SINIGANG na BANGUS! In fairness sa bagong magkakilala eh somewhat nakuha nila. At nung tinanong naman kung ano ang shoe size ni Robi, aba'y hindi naman sana masyadong halata na sumilip si Josef sa paa ni Robi. Sige nga Josef anong hula mo sa paang iyon? Hehe. Size 8 1/2 ang sagot ni Josef pero ano nga ba ang size ng paa ni Robi? Kamusta naman kaya ang rating nila sa friendship nila? Napatunayan ba nila na compatible sila? Abangan mamaya ang tally ng score! Para sa buong storya, tingnan ang PBB Official Website.



First Test of Friendship ni Robi at Josef
Mar 25, '08 10:52 PM




Pinamadali ni Beauty ang housemates kumain ng breakfast at tinipon sila sa living room! Bakit daw tanong ng housemates. Isang walang pasubaling BASTA ang sagot ni Beauty. May inassign na task si kuya sa kaniya.

Matapos ay may binasa si Priscilla na task ni Kuya. Maglalaro sila ng compatibility test! Dahil daw matagal nang nagkahiwalay si Robi at Josef, kailangang matest kung kilala pa kaya nila ang isa't-isa! Naku boys, alalahanin ninyo sana ang mga pinagusapan ninyo at minemorize ninyong kuwento.

Bibigyan ng pagkakataon ang housemates na tanungin sila ng 24 questions at isusulat nila ang mga sagot sa white board na binigay ni Kuya. Ikukumpara nila ang sagot sa huli at masusubukan na kung maigi ba nilang namemorize ang kwentong inimbento nila.

Makayanan kaya ng dalawa? Hmmm... ano sa tingin ninyo? Good luck Boys!


Boys will be... GIRLS??
Mar 25, '08 5:18 AM


Busyng-busy ang girl housemates sa pagmmake-up sa boys! Good natured naman ang mga boys sa hirap ng pageeyelash curler sa kanila at paglalagay ng bright red lipstick! Behave na behave si Jolas nang lagyan siya ni Priscilla ng make-up. Pero si Nan, talaga namang hindi mapigilan ang pagtawa sa paglagay ng make-up sa kaniya. Ganun din si Rona nang makita si Nan na fully made-up!

Bakit kaya sila nilalagyan ng make-up? Panuorin mamaya sa Uber na magsisimula maya-maya lamang!


In Valerie's Shoes
Mar 25, '08 3:22 AM




Naiyak si Valerie nang di inaasahan nang kinwento niya ang makabagbag damdaming storya ng buhay niya. Maraming half siblings si Valerie both mother and father's side. Sa katunayan nga daw yung kuya niya sa father's side eh ka-edad lang ng mom niya. 4 years na nang pumanaw ang father niya dahil sa kidney problems. At nang namatay ang father niya, nahihirapan ang mother niya na itaguyod ang kanilang pamilya. Dagdag pa ang problema ng nawawala niyang kuya na anak ng mother niya. Matagal na nilang hinahanap ngunit hindi pa rin nakikita. Nasaan nga kaya ang kuya niya?

Gusto nang tumira dito ng mother niya sa Pilipinas dahil wala naman nang dahilan na tumira pa sa Germany dahil wala na ang father niya. Pero sa hirap ng buhay, kinakailangang nandoon ang nanay niya kaya hindi tuloy siya maihatid sa loob ng bahay ni Kuya. Isa na rin itong rason kung bakit sumali si Valerie sa PBB - matulungan ang pamilya niya at manatili na sila dito sa Pilipinas.

Cnomfort naman siya ni Rona at sinabing maaayos rin ang lahat at nagbigay ng word of advice ang ibang girl housemates na ipagdasal na lang ang kalagayan ng kuya niya. Napakabait naman talaga ng mga housemates at very supportive kay Valerie kaya ang tears ni Valerie naging smiles rin sa huli!



Happy Birthday Tito Eddie...
Mar 25, '08 2:30 AM



Sino nga ba si Tito Eddie?

Pinahanap ni Kuya sa mga housemates kung sino ang nagcecelebrate ng birthday today! Kailangan nilang batiin kung sino ang may birthday ngayon para malaman kung sino nga ba ang misteryosong taong ito. Nagbatian ang mga housemates at nagkagulo sila sa paghahanap. Isa-isa nila binati si Toni, Luis, Mariel at Bianca pero nice try housemates dahil hindi pa rin approve si Kuya! Desperate times call for desperate measure kaya pati ba naman yung mga gamit sa bahay at yung bahay mismo binati nila ng happy birthday! Sorry guys pero nakakalimutan ninyo ata na hindi sinisilang ang bagay. Vinolunteer ni Kevin at ni Jolas ang mga kaibigan nila pero hindi parin! Mapagbiro na sinabi ni Priscilla na baka father niya yun pero hindi siya sigurado dahil ilang years ago na nung namatay ang dad niya. Pero nung binati nila nang sabay-sabay si Tito Eddie, nireveal na nga ni Kuya na birthday ni Tito Eddie ngayon! Ano kaya ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Kuya? Para nga lang kaya maalala ni Priscilla or could there be something more?



Heartthrob si Robi sa bahay ni Kuya!
Mar 25, '08 1:27 AM



With that chinito looks and drop-dead smile, sino nga ba naman ang hindi makakapansin kay Robi? Sa usapan ng teen housemates na girls, ang type nila sa housemates ay ang true blue atenista. Cute at gwapo si Robi pero mukhang mas wagi sa girls ang personality niya! Si Beauty at Valerie ang nangunguna na nagsabi na crush nila si Robi at panalo sa kanila ang pagiging gentleman niya. Sino kaya sa kanila ang mapapansin ni Robi? Sa tingin niyo sino kaya ang mas babagay kay Robi?



Impressing Kevin!
Mar 25, '08 12:40 AM

Jaw-drop at appear ang salubong ni Kevin sa Mi Ultimo Adios speech ni Priscilla! Hindi lang English, Tagalog at Bisaya ang alam ng talented differently-abled housemate kundi SPANISH pa! Complete with intonation and thoroughly enunciated ang renowned craft ng ating bayaning si Jose Rizal. Impressive diba? Kevin thinks so too at hindi siya nahiyang ipakita pa ito!


Playing in the Pool!
Mar 25, '08 12:26 AM



Enjoy na enjoy ang teens sa newly renovated pool at nagdecide sila na magkaroon ng game na nakakatuwa nga naman laruin kapag marami. Nakahilera sila at isa-isang sisisid at dadaan sa pagitan ng legs ng nakahilerang teens. Unang sinubukan ni Jieriel! Hindi niya nakayanan at pagkatapos dumaan sa unang tao, hingal na hingal na! Pero malakas ang willpower ni Jieriel kaya kahit tapos na yung game, aba, ayaw magpaawat! paulit-ulit niyang sinusubukan ang pagsisisid! Practice makes perfect kaya konting practice nalang Jieriel!



Sneaking up on Robi and Josef's BBF play!
Mar 24, '08 11:51 PM




Mukhang nagdududa na ang ating teen housemates sa BBF task ni Robi at Josef!

Habang naglalaro sa pool ang housemates hinuhuli ng morenang beauty na si Jieriel kung totoo nga na BBF si Robi at Josef. Tinest ni Jieriel si Josef sa pagtanong na kung tunay silang mag BBF, ilan daw ang kapatid ni Robi? Buti na lang ang La Sallian cutie at street-smart na si Josef ay mabilis na nakasagot na walang kapatid si Robi. At hindi pa sila tinantanan ni Jieriel! Talaga nga namang nangunguna ang mapagbiro na housemate sa pagtawag sa kanila na magBF.

third day pa lang ng kanilang BBF task, tingin niyo ba mapatunayan nila na BBF sila sa harap ng kanilang sneaky housemates? Hmmm...


~source:pbgib~



blog comments powered by Disqus