Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, March 31, 2008

Valerie and Alex join in the moment
Mar 30, '08 3:09 PM





Sunod naman ay nag-share si Valerie kay Priscilla na she feels out of place siya in Germany. Daddy's girl si Valerie, kaya naman malaking loss talaga ang pagkawala ng dad niya. Pero ngayon, close na siya sa mommy niya. Mas feel ni Valerie na dito sa Pilipinas mag-stay. In fact, everytime magbabakasyon sila dito, hirap siyang umalis pa. Hopefully nga, matupad ang wish niya na dito na sa Philippines permanently.

Si Alex naman ay hesitant na umiyak. Though ramdam na niya na naiiyak siya, hindi niya ito matuloy dahil marami daw nanonood. Sinikap siyang kausapin ni Jieriel, kaso ni-nose bleed yata sa English, kaya naman to the rescue si Robi na siyang nag-explain kay Alex ng point ni Jieriel. 6th monthsary kasi ni Alex at ng kaniyang gf, at miss na rin niya ang kaniyang family, kaya maluha-luha ito. O, Alex, okay lang yan. Hindi kabawasan sa pagkalalaki mo ang magpakita ng emotions.



Beauty and Linda, bumaha ang luha
Mar 30, '08 3:03 PM





Matapos ang sharing ng mga kwento, nagkaron ng open forum ang housemates. Nang dumating sa turn ni Beauty, tinanong ito ni Rona kung ano ang gusto nitong sabihin sa mommy niya na matagal na niyang hindi nasasabi. Nagkwento naman si Beauty ng ilan sa mga bad things na ginawa niya: nagrebelde, naglayas, kumuha ng valuables at binenta... lumong-lumo si Beauty sa nagawa at hindi matigil sa pagsisi sa sarili. Mahal na mahal daw niya ang ina at hindi alam kung bakit nagagawa niyang saktan ito. Inalala niya rin yung time na nakita niyang umiyak ang daddy niya at na-ospital pa dahil naglayas siya. After all those, her mom isn't ashamed of her at lagi siyang tinatanggap, at wala daw siya ngayon dito kung hindi dahil sa love ng mommy niya. Tumakbo si Beauty and kept on crying face-down on the bed. The housemates clapped for her and offered hugs and support nang sinundan siya sa kwarto.

Kahit nga naman sino ay mababahala at maantig sa eksenang ito, at hindi exception ang housemates. Isa-isa nang naluha ang mga ito. Si Linda din ay biglang nag-iiiyak kina Jieriel at Alex dahil naaalala daw niya 'yung mga stupid things na ginawa niya dati. Hindi pa sila ganoon ka-close ng mom niya before, kaya nag-rebelde din siya. First time nga daw umiyak ng ganito ni Linda tungkol sa mga problems na iyon, at lungkot na lungkot siya.



Mommy kwento
Mar 30, '08 2:50 PM





Medyo nagbigay na si Kuya ng hint sa housemates tungkol sa mga guardians nila. Nagbigay siya ng mga pictures ng kani-kanilang guardians at pina-introduce niya sa kanila ang mga ito, with matching impersonation.

Kwento ni Nan na lagi silang nag-aaway ni Mommy My Love, at milagrong matindi kapag hindi sila nag-away sa isang araw. Aminado naman siyang dahil ito sa pagiging batugan niya kaya naman nahahagisan siya ng ina ng kung anumang madampot nito. Kahit ganito, wala daw silang sikreto sa isa't isa at very open ang mag-ina. Si Linda din ay may barkada relationship sa mommy niya. "Dang" ang tawagan nila at madalas silang magtawanan. Pero kahit daw ubod ng bait ang ina, kapag nagalit ito, parang tigre. Rawr! Si Rona man ay agree sa open set-up sa magulang, kasi kapag hindi daw,, lalo lang magkakalayo ang loob ng magulang at anak. Chika naman ni Rona na mas conservative ito sa ina na mahilig magsuot ng fitted outfits. Siya nga raw ang pumipili ng damit nito kasi mas gusto ni Rona ng motherly image, pero ayaw ng nanay niya. Si Alex man ay nag-share na close sila ng ina at spoiled sila sa alaga dito. Power mommies pala ang mga ilaw ng tahanan ng mga housemates!

blog comments powered by Disqus