Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, March 31, 2008

Teens' labor of love
Apr 1, '08 2:30 AM




Dahil nagpuyat ang housemates para gawin ang secret sacrifice para sa three grads, sina Jieriel, Robi at Rona naman ang nagpuyat at patuloy na ginagawa ang pagpirma ng 1,500 notebooks. Enjoy na enjoy ang housemates sa paglalaro ng favorite card game habang ang tatlo naman ay nasa isang sulok ng bahay at nagpipirma. Walang kainan, tulugan, at nabawasan pa ang oras para maglaro para lang matapos ito. Tunay na labor of love ang notebook at joined effort ng teens at parents pa! Napakasuwerte talaga ng mga batang makakakuha nito!



There's no place like home...
Apr 1, '08 12:59 AM



Miss na ni Nan at ni Ejay ang hometown nila! Mahirap sa bahay ni Kuya dahil kailangan pa nila isipin ng maiigi ang mga sasabihin para hindi makasakit at para makasabay ang lahat. Dito nagkasundo ang buddies.

Napag-usapan pa nila ang mga barkadang naiwan sa kani-kanilang probinsya. Mr. Congeniality ang dating ni Nan sa kanila at marami sila sa kaniyang barkada. Open sila sa lahat at kahit na magsabi ng "ang pangit mo naman", wala itong bahid ng malisya. Hindi tulad sa bahay ni Kuya na baka nga naman masamain ng ibang housemates. Si Ejay naman sinabi na mabilis ang buhay sa kanila. Mabilis ang ligawan, kasalan tapos boom, imbitado na siyang ninong! Nakakamiss nga naman ang simpleng trip ng mga barkada. Pero buti na lang at nagkahanapan ang dalawa para mabawasan naman ang lungkot nila!





No more algorithm!
Mar 31, '08 11:51 PM






Nahihirapan ang teen housemates sa pagsunod sa algorithm steps! Hirap silang pagsabayin ang hand at feet movement. Nakakasunod naman ang differently-abled teen na si Priscilla pero kapag nakatalikod na si Jolas para magbigay ng instructions, hindi na niya nasusunod ito. Minsan pa ay umaasa ang housemates sa beat ng One Team Kapamilya at walang counting. Paano ito maririnig ito ni Priscilla? Makayanan ba ng powers ng talented differently-abled teen?



Jolas at it again!
Mar 31, '08 10:54 PM




Mukhang ang Gentle Giant na si Jolas na "kuya" ang tingin ng mga housemates ang magcchoreograph ng algorithm dance na weekly task. Habang sarap na sarap sa tulog ang mga housemates, nagpractice na ng dance steps si Jolas. Advice ng Promdie Hottie na huwag na kumuha ng steps sa naunang choreography. Mahilig atang sumayaw ang basketball player na ito at may nalalaman pa siyang kakaibang "swimming" step. In fairness bagay naman sa kaniya kahit na mayroon siyang kalakihan. Si Beauty naman ang namuno sa pagsusulat ng mga kinakailangang materyales ng housemates para ipresenta kay Kuya mamaya. Maging sapat na kaya ang preparasyon nila para sa weekly task na ito?



Two of the future greats

Mar 31, '08 3:12 PM





Pinapatulog na ang housemates dahil late na, pero sina Robi at Rona ay busy pa sa pagpirma ng mga notebook na ipamimigay. Kung sa bagay, 1,500 notebooks din yun no, matagal nga namang tapusin yun. Kung ano-ano na rin ang napagusapan ng dalawa. When comparing their attitude towards tests, sabi ni Robi hindi siya natutulog until naintindihan niya lahat. Si Rona naman, sanay sa cramming. Sayang nga daw dahil konting effort nalang e mas ok pa sigurado ang results. Language naman ang next topic. Para kay Robi, kailangang bihasa ang Pinoy sa sariling wika. May misconception kasi na basta English ang gamit na language, matalino na. Nakakahiya naman daw kung tayo mismong Pinoy ay hindi magaling sa Filipino. Kung gusto mo naman yumaman, hindi rin talaga English ang dapat kabisahin, kundi Chinese, the language of business ang tycoons. Kung saang field naman sila magshi-shine, sagot ni Robi ay sa pagtulong sa kapwa, pero not through politics kundi sa medicine like his parents. Si Rona naman ay ganon din, pero as a lawyer. Sigurado, lalo na kung titignan ang debate sa Uber, we can expect great things from these two!




Magastos ba ang may girlfriend?
Mar 31, '08 3:04 PM





Kwentong girlfriend naman itong sina Alex at Josef. Sabi ni Josef, ang hilig daw ng shopping ng girls. Sila nga daw ng girlfriend niya, twice a week, minsan after mag-movie. Aba, galante yata itong si Josef ah! Mukhang alagang-alaga ang girlfriend. Tawa naman ang sinagot ni Alex dito. Hindi na raw issue sa kanya ang gastos, kasi alam ng girlfriend niya na wala talaga siyang pera. Don't worry, Alex, it's the presence that counts naman e.




Go Ejay!
Mar 31, '08 3:00 PM





Dahil napansin nilang hirap si Ejay pumorma sa girls, naging sobrang obvious naman ang pagse-set up sa kaniya ng housemates. Kinorner ni Nan si Nikki sa couch at inaya si Ejay lumapit, pero nagdahilan itong masakit ang tiyan. Lumapit man ito after, sandali lang at umalis na siya ulit. Si Nan tuloy at Nikki ang nagtuloy ng bonding session. Maya-maya, hinawakan naman ni Linda si Valerie at inaya din si Ejay na makipagkwentuhan kay Valerie. Sa tagal nito, naunahan ito ni Kevin na inaya naman sa garden si Valerie. Magulong nagtanong si Kevin kay Valerie kung ano ang pinag-usapan earlier, dahil may narinig daw siyang "something, something". Kasali ito sa mga bagay na pinagkakapraningan ni Kevin. Hindi raw siya bingi at alam niyang may pinagusapan sa loob. Hindi naman ito masagot ni Valerie at sinabi nalang na magtanong na lang si Kevin sa iba. Sa loob, inaasar si Ejay dahil sa katorpehan. Advice sa kaniya, take the opportunity! Mahirap na, baka mawala pa.




Mar 31, '08 2:53 PM





Madrama rin ang buhay ni Beauty. Siya ay produkto ng second marriage ng mga magulang. Marami siyang mga half-siblings at isang buong brother. Muntik na nga silang iwan ng daddy, pero dahil sa kanya, hindi natuloy ang hiwalayan. Feeling din ni Beauty na bobo siya. Hindi daw kasi matataas ang grades niya, lalo na sa Math. Favorite subjects naman niya ang History, Chemistry at PE. Disagree naman ang boys, dahil wala naman daw taong bobo. Lahat ay nadadaan sa tiyaga. Si Nan naman ay nag-open up sa girls at hindi napigilan na maiyak ulit. In-explain nito kay Nikki na ngayon lang siya talaga nag-open up. Usually kasi ang pinapakita niya ay yung happy at funny side niya. Naisip na nga niyang um-exit, kasi feeling niya na-disappoint niya si Kuya. Pilit na pinipigil ni Nan ang iyak, pero sabi naman sa kanya ng housemates, "Ilabas mo 'yan!" Siya ang unang sinabihan ni Ejay ng problema, at feeling niya kaya sila close ay dahil pareho ang status nila sa buhay. Sa dami ng issues na lumabas today, observation ni Ejay na ang pagpili ng housemates sa PBB ay hindi based on looks, pero ang pinipili ay kung ano ang buhay nila. Tancha ko, Ejay, may tama ka!



Ejay's story
Mar 31, '08 2:42 PM





Maya-maya, si Ejay naman ang naluha. Twice, he shares his story to the housemates. Ang kwento ng buhay niya na hindi niya agad masabi dahil ayaw niya na mauna pang makita sa TV ng daddy niya ang mga bagay na gusto niyang personal na sabihin dito. Half-French si Ejay, anak sa pagkadalaga ng mommy niya. Nang makilala at pakasalan ito ng kinikilalang tatay ni Ejay ngayon, itinira sila nito sa probinsya at doon nagkaanak pa ng tatlo dito ang nanay niya. Dahil may mga pangarap pa, iniwan sila ng ina ni Ejay at lumuwas ng Maynila at nagkaanak ulit sa ibang lalaki. The whole time, inako ng tatay niya ang lahat ng responsibilidad sa pagpapalaki sa mga anak, kahit pa si Ejay. First year high school pa lang ay alam na ni Ejay na iba ang tatay niya, pero never niya itong nasabi sa kinikilalang tatay. Ayaw niyang masaktan ito at isiping iba ang pagtingin ng kinikilalang panganay. With Kuya's help, nasabi na rin ni Ejay sa tatay niya nang harapan ang mga damdaming ilang taon nang itinago. Worried lang si Ejay kung paano uuwi ang tatay niya, kasi baka kung anong mangyari dito kung uuwing masama ang loob. Sobra nga ang iyak ni Ejay at laking pasasalamat kay Kuya for making everything possible. Sarap ng feeling na wala nang emotional baggage. Nang malaman ang story, mas naintindihan na ngayon ni Beauty ang personality ng kasama. Sabi nga nila ni Nan, ang galing ni Kuya!



Remembering Abu
Mar 31, '08 2:31 PM





Nadatnan na lang ng mga housemates na umiiyak sina Alex at Josef. Si Alex umiiyak dahil nami-miss niya ang girlfriend. Si Josef naman ay dahil sa isang panaginip. Nakahiga ito sa sofa at natutulog nang marinig niya ang boses ng lola niya. Kwento ni Josef, kakamatay pa lang ng lola niya last November, at marami siyang regrets tungkol doon. Close sila ni Abu (tawag nila sa lola ni Josef), at lumaki si Josef sa piling nito. In fact, ito pa nga ang laging gumigising sa kanya sa umaga. One morning, mommy niya ang gumising sa kanya at sinabing may sakit si Abu. Dahil bata pa at Friday noon, pinili ni Josef na pumunta muna sa party, kahit na 50/50 na ang lola sa ospital. Life really is so short, at within hours, wala na ang lola niya. Hindi man lang nakapagpaalam si Josef dito, and this is one of his biggest regrets. If only hindi na lang siya pumunta sa party. Sinisisi ni Josef ang sarili dahil sa selfishness niya. Kaya nga raw laging may baong rosary ito, in memory of Abu. Bothered na bothered si Josef sa narinig. Ang view naman ng mga girls, malamang ay pinapaalam lang ni Abu sa kanya na proud siya sa apo at naroon siya, watching him. Sabi nga ni Valerie, as long as she is in your heart, she will live on. Cheer up, Josef, siguradong proud sayo si Abu ngayon.




Kevin in tears
Mar 31, '08 2:11 PM






Naiyak si Kevin at agad namang nilapitan ito nina Beauty, NIkki at Jieriel. Nagkaroon sila ng misunderstanding ni Jolas because of a joke gone bad, kung saan pinili ni Jolas na mag-walk out na lang kesa makapagsalita ng masama. Ramdam naman ni Kevin ang panlalamig na ito kaya naiyak siya sa worry na hindi na siya nagfi-fit in sa bahay. Pansin ng ibang boys na mabilis mapraning si Kevin kapag nag-uusap sila sa Filipino at mapapatingin sa kanila, na may dudang siya ang pinag-uusapan. Hindi nga naman maaalis sa binata na hindi mag-worry, dahil mahirap talaga kapag hindi mo naiiintindihan ang mga conversations ng mga aksama mo. Sinubukan namang pangitiin ng tatlo si Kevin by hugging and singing "We Are Family". Umandar nanaman ang pagka-ate ni Rona nang pinaglapit niya sina Jolas at Kevin, na nag-shake hands na.



Nicole announces Kuya's weekly task!
Mar 31, '08 4:56 AM



Si Nicole ang inatasang magbasa ng weekly task ni Kuya. Para masubukan ang creativity, cooperation at teamwork ng housemates, pinagawa ni Kuya ang mga housemates ng isang algorithm dance. Algo-what? Algorithm dance yes tama ang nabasa ninyo. Kailangan sumayaw sila sa tune ng One Team Kapamilya. Nagpalabas si Kuya sa screen ng isang sayaw para magkaroon ng ideya ang teens sa choreography. Paguusapan pa nila kung magkano ang ibibigay na budget dito sa task. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung ano ito. Ano nga ba ang algorithm dance? Paano kaya ito gagawin ng teen housemates? Ito na kaya ang first task na mapanalo nila? Abangan...




Nan gives Ejay courting tips!
Mar 31, '08 4:21 AM



Balak nang mag da-moves si Ejay kay Valerie! Pagkatapos ng celebration, nagkulong ang 2 boys na si Nan at Ejay sa boys room. Gusto nang kausapin ni Ejay si Valerie pero naiilang daw siya sa dazzling doll. Paano ba namang hindi siya maiilang kung panay alaska ang housemates sa kaniya? Sabi ni Nan ganoon rin naman ang housemates sa kaniya pagdating kay Nicole pero deadma lang siya kaya hindi halata. Aminado ang promdie hottie na torpeng torpe talaga siya kay Valerie. Dyaheng-dyahe pa siya dahil English speaking pa ang dalaga at parating may kasama. Kaya naman nagbigay ng tip si Nan: kapag mag-isa si Valerie, lapitan daw ni Ejay. At ang mga gusto pang topic of conversation ni Valerie ay "define love". Sabi ni Ejay, lalapitan na daw niya mamaya at didiskartehan niya.

Hmm.. magawa kaya ni Ejay ito? At paano naman ang may gusto sa kaniya na si Priscilla? Paano maaapektuhan nito ang friendship nila ng German chick?

blog comments powered by Disqus