Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, May 1, 2008

Boys, nagbonding sa kusina!
May 2, '08 1:53 AM




Kung bonding ang girls sa kuwarto, bonding naman ang boys sa kusina! Kuwentuhan sila Robi, Alex at Nan habang nagluluto ng pananghalian nila. Chika ni Robi sa dalawa na mother niya at younger brother niya ang nagturo sa kaniya magluto. Sa katunayan ay mas magaling pa ang brother niya kaysa kaniya. Nang pag-usapan naman nila ang mga pronounciation ng mga words, nagkalokohan na sila. Paano daw sabihin ang word na "sachet"? Ang akala ni Ejay sa-chet ito at si Alex naman daw sa-ket! Talaga naman pag gutom kung ano-ano na rin ang napag-uusapan.


Bigas task continues
May 2, '08 12:21 AM





Kaninang umaga ang magBBF na si Josef at Robi ang gumagawa ng bigas task. Ngayon naman ang magpares ay si Nan at Jolas. Concentrate to the max ang dalawa na ilagay ang isang sakong bigas sa brown paper bags. Hindi nila napapansin na ang dami nang bigas na nakakalat sa sahig. Nako boys kapag naabutan kayo ni Kuya na nag-aaksaya ng bigas, another punishment nanaman ang matatanggap ninyo


Priscilla's woes
May 1, '08 11:44 PM



Bnding ang girls sa kuwarto nang magkuwento si Priscilla tungkol sa disability niya. Gusto niya ipakita sa mundo na kahit may kapansanan siya ay kaya pa rin niya. Dagdag ng Differently-Abled Teen na ayaw ng mom niya na pasalihin siya sa mga contests at lalo na dito sa PBB dahil sa kapansanan. Noong nasa Davao rin siya binubully siya kapag mag-isa siya. Ngunit kahit pa man naranasan niya ang mga ito, determinado siya na maging singer, magworking student at ang work: call center agent pa! In fairness ang ganda ng outlook niya sa buhay at di siya nagpapaapekto sa mga nangyari sa kaniya.


Ejay cleans the pool
May 1, '08 10:59 PM



Hindi naman masyadong masipag si Ejay! Habang ang ibang housemates ay nasa loob ng bahay at nagkukuwentuhan, naglilinis naman siya ng pool. Todo salok siya ng tubig at nilalagay niya ito sa butas sa isang sulok. Pabalik-balik niyang ginagawa ito sa buong umaga. Naku Ejay ibang klase rin ang style mo sa paglinis ng pool!



Robi and Nicole's special task
May 1, '08 10:00 PM



Kailangan ni Robi at Nicole mag-isip ng dance steps with a twist - habang sumasayaw sila kailangan nalilinis rin nila ang bahay. Napakagandang ideya ito dahil pinagsama ang chore at isang bagay na gusto nilang gawin. First team up ito ni Robi at Nicole, ok kaya ang teamwork ng dalawa? 'Di kaya magselos ang BBF ni Robi na si Josef sa partnership nila?


Sleep na, please
May 1, '08 2:18 PM





Nanggaling si Robi sa Confession Room at walang ni-relay na message. Maya-maya, pinatutulog na niya ang mga ibang housemates. Tinawanan siya nina Rona, Pris, at Nikki dahil sobrang obvious daw niya na may task. Pinauuna nila syang amtulog at um-oo naman ito, pero mas okay na sabay-sabay na silang matulog. Hmmmm... ano na naman kaya yang special mission mo from Kuya, aber?


Alex is baaaaaaaack!'
May 1, '08 2:12 PM





Ninenerbiyos na ang mga teens dahil wala pa din si Alex at late na. Pinapunta ito ni Kuya kasama si Robi sa ospital para ipa-check up. Kaso, naka-uwi na Robi at si Alex as MIA pa rin. HIndi lang worried ang teens sa health nito kundi pati na rin sa 24-hour rule na applicable sa kanya. Ayon dito, kailangang makabalika ng housemate sa loob ng bahay within 24 hours ng paglabas nito, or else automatic eviction sya. Si Alex, evicted? Nooooooo! True enough, pagdating ng gabi ay nakabalik na si Alex sa bahay. Ikinuwento sa kanya ni Rona ang mga safety measures na gagawin nila para maiwasan ang repeat performance ng sakit, example ay yung pagkakaroon ng permanent na utensils at paghuhugas ng kamay lagi. Whew! Nakahinga ang lahat to have Alex home, safe and sound.


A meeting of... stomachs?
May 1, '08 2:06 PM





Dahil nga sa sunod-sunod na food issues sa loob ng bahay, nagkaroon ng impromptu meeting ang teen housemates. Brainstorming sila ng iba't ibang ways para maiwasan ang food spoilage at pagkakasakit. Sabi ni Rona, kapag dubious na ang porma, amoy o lasa ng isang pagkain, wag na piliting ubusin at itapon na. Worry naman ni Pris na malagay ulit sa alanganin dahil sa wastage, kaya sabi nya dapat ipinapaalam kay Kuya na kaya nila itatapon ang particular food na iyon e dahil bulok o nabubulok na ito. Input naman ni Josef, hindi na dapat umabot sa puntong mabubulok yung pagkain in the first place. Dapat daw ay i-plano nila ng ambuti ang menu for the week at doon i-papattern ang grocery list nila. Sa umpisa ng linggo, dapat naluluto na yung mga madaling mabulok na food. Very good naman kayo dyan! O, housemates, sana naman natuto na kayo matapos ang santambak na punishments ni Kuya no!

One Team, kahit pa sa kusina!
May 1, '08 1:58 PM





Kung dati ay isa o dalawa lang ang in-charge sa kitchen duty of cooking, ngayon, team effort talaga ito. Kahit pa si Josef ang nag-take over sa chief chef status, lahat ng mga teens ay very much involved sa preparations. Nagiging bonding activity na rin ito ng mga teens at saluhan sila sa mga gawain. Bawat isa ay may responsibility at kontribusyon sa meal. Mas masarap nga naman ang kainan kapag salu-salu ang barkada.


Josef's turn ma-injure
May 1, '08 1:55 PM





Ano bang meron sa linggong ito at isa-isang naaaksidente ang mga teens? Kelan lang si alex at Robi, na-ospital na sa sakit ng tiyan. Sumunod naman si Beauty. Ngayon naman, si Josef?! At sino pa ang susunod, aber? Wala naman sana.

Itong si Josef ang punong abala sa kusin at taga-direct ng mga gagawin ng ibang teens. Buti naman at very cooperative ang mga ito, pero sa final cooking stage e si Josef ang nakaharap sa kalan. Ayan tuloy, nalublob nya 'yung daliri niya sa kumukulong mantika! Big boys don't cry at very calm pa itong si Josef na nag-eexplain kung bakit hindi advisable na gumamit ng toothpaste for burns. Nawawala nga naman daw yung sakit, pero lumulobo ito after, akaya dapat talaga burn ointment. Aba, medic ka na rin, Josef? Pero good advice yan.


Remembering Daddy John
May 1, '08 4:44 AM



Ang nakaalala kay Daddy John ngayong araw na ito ay walang iba kundi si Tita Anna! Sa mga nakaraang araw, very light na ang mood ni Tita Anna at sa katunayan ngayon, napakanta pa siya. Todo kanta si Tita Anna ng "Let the Love Begin" habang palakad-lakad sa hardin ng guardians. Natigil siya sandali at sinabing kung nandoon si Daddy John siguradong lalakasan ng Spanish dad ang boses niya at ikukumpetensya siya. Hmm.. 'di kaya namimiss ni Tita Anna si Daddy John? Ano sa tingin ninyo?

Coke Cheer take two!
May 1, '08 2:51 AM



Daily task ng teens ang mag-choreograph ng Coke cheer na suot-suot ang mga red Coke bandannas. One team na ang teens this time at sabay-sabay silang nagensayo para sa cheerdance na ito. Dahil magaan si Rona, siya ang binubuhat ng mga boys. Si Nikki at Beauty naman busyng-busy sa pagcartwheel. In fairness, nagstep-up na ang In Chick from Cebu at siya ang nagturo sa Team Rona ng choreo ng team nila. Para makita ang buong sayaw, manood mamaya ng Uber!

Teen
s, naempacho kaya?

May 1, '08 1:56 AM



Nilabas ng bahay si Alex kagabi dahil sa matinding LBM. Ngayong umaga naman si Rona at Jolas ang sinaktan ng tiyan. Maya-maya lang kinabag rin si Nan at pumunta siya sa guardians area para magpaalaga kay Mommy My Love. Ayon kay Nan, nilagyan siya ng mainit na tubig sa tiyan para bumilis ang digestion nito. Hindi kaya dahil puro toyo rice ang kinakain niyo o di kaya sanhi ito ng empacho?


Beauty's agenda
May 1, '08 1:32 AM



Habang nagluluto ng nilagang baka si Rona at Beauty, kinuwento ng Rebellious chick ang mga plano paglabas ng bahay ni Kuya. Sa first week ng June, babalik na siya ng Dumaguete, pupuntahan ang friends at makikipag-inuman sa kanila. Bukod pa rito ay bibisitahin rin niya ang farm nila. Sosyal talaga ang haciendera na teen!


Robi's planned attack
Apr 30, '08 11:29 PM



Hindi makakasama si Robi at Alex sa cheer dance, at sila pa naman sana ang drummers ng team. Tututuran dapat ni Robi si Alex kung paano magdrums tulad sa movie na "Drumline". Kuwento pa ni Robi kay Jolas (na hindi rin makakasama sa pagsasayaw ng Team Priscilla) na gumawa sila ni Alex ng exhibition sa drumsticks at naghanda ng moonwalk steps. Maganda ang steps ngunit kulang sa tao. Manalo pa rin kaya ang team nila kahit wala si Robi at Alex? Alamin ang buong kuwento sa Official PBB Website.


Team Rona/Robi practice their Coke cheer
'Apr 30, '08 10:55 PM



Naghahanda na ang Team Rona/Robi para sa Coke cheer mamaya! Ngunit hindi pa sila 100% confident dahil sa dalawang problema: Kulang sila ng members dahil wala si Alex, at hindi makasabay si Ejay sa pagsasayaw ng girls. Paano kaya nila aayusin ang mga problemang ito? Manalo kaya ang team nila laban sa team ni Priscilla?


Akala ko ba didistansya na?
Apr 30, '08 2:47 PM





Nakakailang failed attempts na ang dalawang ito in staying apart. Magsisimula sa cold treatment tapos mamaya, mainit pa sa pinakuluang mantika ang lambingan. O kaya naman give up cold turkey, tapos mamaya, hindi naman pala matagalan. Ano ba talaga ang balak nyo? Para kayong adik nyan ah!

Naku... ang bait pa naman ni Mommy Sandy, ewan ko nalang kung hanggang saana ng pasensya nyan pag nalaman ang tigas ng ulo nyo. You better watch out ha...


Are you afraid of the dark?
Apr 30, '08 2:46 PM





Naglolokohan ang boys at napagtripang pagsarhan ng ilaw ang girls. Ayun, sigawan galore ang mga babae sa loob ng bahay. Naalala nyo ba kung gaano katakot si Rona noong "Halloween" surprise sa loob ng guradians' area? Well, ayun. Parang ganon na nga. Naku boys, kung dati nyo ba naman naisip yang gulatan in the dark na yan, e di effective sana yung task sa inyo ni Kuya.

blog comments powered by Disqus