Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, May 11, 2008

Friends kayo?
May 11, '08 12:31 PM





Pagpasok pa lang ni Andy, parang antulala itong si Robi. Magka-batch kasi sila at galing lang sa sister school nito ang bagong salta. Miriamite si Andy, at nagkita na sila ni Robi sa isang event kung saan nag-host si Andy. Si Robi naman ay contestant noon. Nakwento ito ni Andy kasi niloloko sya ng ilang girls sa reaction ng True Blue Atenista, akala nila may past sila ni Robi. Hmm.. wala nga ba?


House Players, unite!
May 11, '08 12:28 PM





Matapos ang excitement ng gabi, lumabas si Shy at nagpaka-emo sa poolside. Sumunod naman dito si Andy, at nag-compare notes ang dalawa. Dahil sanay sa multi-tasking at fast-paced lifestyle, mabilis ma-bore itong si Shy. Kinwento nya kay Andy na miss na niya ang buhay sa labas, pero masaya naman daw sa loob ng bahay, lalo na ang mga tasks. Sunday lang siguro kaya medyo slow. Fresh from the outside world pa itong si Andy kaya naman sinulit nila ang time alone para lalo pang magkakilala at mag-strategize. Buti na lang at swak ang mga imbentong kwento ni Shy kaya hindi masyadong nagtaka ang mga housemates! Keep it up, girls!


Bati na si Beauty at Alex!
May 11, '08 4:58 AM



Hindi natiis ni Alex na todo tampo sa kaniya si Beauty. Pinuntahan niya ito sa girls' room at niyakap niya ito ng mahigpit! At napa-slow dance pa itong dalawa. Inakusahan ng Rebellious Girl si Alex na si Kuya daw ang nagkumbinsi sa kaniya na gawin iyon at itinanggi naman ito ni Alex. Nainggit ang ibang girls at sabi pa ni Shy na may namimiss tuloy siya. Sino naman kaya iyan Shy?

Shy, Beauty's new rival?
May 11, '08 3:40 AM



Mula pa nung isang araw nagseselos ang Rebellious Beauty sa closeness ni Shy at Alex. Hindi siya nagdalawang-isip na sabihan si Priscilla na nakakapansin rin sa kanila. Nagtapat si Beauty kay Alex at sinabing nagseselos siya ngunit wala namang ginawa ang Italian Valentino dito. Mukhang malapit nga naman talaga ang house player kay Alex at komportable siya dito kumpara sa ibang boys. Naki-join siya sa mga kalalakihan sa pagswimming at kay Alex pa siya nagpatali ng top. Iba na yan Shy ah. Sino sa tingin ninyo ang mas bagay kay Alex, si Beauty ba o si Shy?

Hataw na!
May 11, '08 3:31 AM



Hataw kung hataw ang girls sa mga kanta na ipinapatugtog ni Kuya! Nagsimula ito sa Kabataang Pinoy at maya-maya lang sumunod ang kantang Hips Don't Lie. In fairness kay Shy and Valerie a la Shakira ang belly dance nila. Matapos ito, nagkantahan ang teens ng "I'm Yours" na favorite song ni Rona, at ang boys, aba'y hawak pa ang mga kodigo nila! Kamusta naman iyan boys!

Rona's on a guilt trip
May 11, '08 1:19 AM



Guilty si Rona na siya ang nabigyan ng pagkakataon na makausap ang mom niya at ang iba hindi! Naiyak si Robi kanina dahil natalo siya sa game at ganoon rin si Priscilla na hindi pinili ng housemates para manalo. Mukhang gustong magsacrifice ni Rona at sabihin kay Kuya na bawasan ang 100 seconds with her mom para mabigyan ng chance ang iba. Kakaiba ka talaga Rona!

Nikki, affected ka?
May 11, '08 12:26 AM



Kulitan ang housemates pagkatapos ng game at niloloko nila si Beauty na piggy. Bukod pa dito, niloloko rin nila si Ejay dahil ang binuo niyang puzzle ang mukha ng nanay ni Josef. Todo tawanan ang teens sa mga pangyayari ngunit ang hindi lang nila mapatawa ay si Nicole. Tulala at tunganga ang In-Chick from Cebu at walang kaimik-imik. Heartbroken ka ba or heartbroken ka?

Mother's day game
May 11, '08 12:13 AM





Naglaro ang teens ng game ngayon in honor of mother's day. Kailangan nilang buoin ang isang puzzle na mukha pala ng mga moms nila. Taranta ang mga teens at takbuhan sila sa paghahanap ng puzzle pieces. Nung huli nauna si Rona sa pagbuo ng kaniya ngunit nagkapalit sila ni Priscilla ng isang puzzle piece. Runner up naman si Priscilla at kailangan magdesisyon ng housemates kung sino sa kanila ang wagi. At ang napili nila ay si.. Rona! Bongga ka Rona saved from eviction at ngayon may special prize ka pa from Kuya.


Idaan na lang sa sipol
May 10, '08 5:15 AM



Dahil hindi makausap ni Ejay si Val, nag-isip ang Dazzling Doll ng ibang paraan para makipagcommunicate kay Ejay. At ang ginawa niya? Sumipol siya! Too bad at wala pa ring response ang Promdie Hottie. Bagaman panay kulit ni Val dito na magsalita at kahit gaanong sabukot ng mukha niya para ipakita ang pagtatampo, no reaction pa rin si Ejay dito. Kamusta naman ang pagkatorpe mo Ejay?

Shy's dilemma
May 10, '08 2:12 AM



Nagdadalawang isip ang house player na si Shy kung aalis na ba siya o mananatili pa siya sa bahay ni Kuya. Payo ni Rona sa kaniya, "follow your heart". Bukod pa dito, sinabi niya kay Shy na huwag niyang i-confuse ang sarili niya. Dahil hindi makadesisyon si Shy, si Rona na ang gumawa nito para sa kaniya at sinabi niyang mananatili at magtatagal pa si Shy. Gusto niyo bang manatili pa si Shy sa bahay ni Kuya.


For more Updates... Log on to pinoybigbrother.multiply.com

blog comments powered by Disqus