Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, May 19, 2008

Super last na!, Beauty Oh!, Missing Priscilla...


Ang kulit kulit na ng dalawang girls kaya itong si Robi nagtago sa boys bedroom. "Super last!" promise ni Rona kay Robi na ayaw pa rin pumayag. Umalis kunwari si Rona sa may pinto pero nakaabang sa may malapit lang. Sumilip si Robi to see if nandun pa si Rona at sumakay naman si Nicole na nasa malayo na si Rona humahabol kay Alex. Pero buking din si Rona at retreat ulit si Robi sa boys' room.

Hala kelan matatapos ang habulan make-up na ito?


Naging make up monsters na itong si Rona and Nicole kaya after ni Mikan ay talagang pinuntirya na nila si Robi and Alex. Si Nicole nahuli si Alex sa may kitchen at ayaw itong pakawalan. Sabi tuloy ni Alex "I don't want! I'm gonna kiss you!" at sabay lapit ng mukha ke Nicole. Ayun tuluyan nga nakawala si Alex. Napa "Beauty oh!" tuloy si Nikki...


Bigla-biglang naisip ng girls ang ex-housemate na si Priscilla. Miss na siya ni Beauty at ganon rin naman si Rona. Ang kawalan naman kay Nikki, wala nang magpaplantsa sa kanila ng maganda at wala na silang curler. Talaga nga namang missable ang presence ng Deaf Dreamer from Davao. Kayo, mamimiss niyo rin ba si Priscilla?


For more updates please logon to pinoybigbrother.multiply.com



blog comments powered by Disqus