Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, May 4, 2008

Shy's first task
4, '08 1:08 PM



Unang task ng ating House Player ay kumbinsihin ang mga teens na may crush sya kay Josef. HIndi pa nakakalkipas ang gabi at nagsimula na itong si Shy sa task niya. Eto ang mga ways na ginawa niya:

1. Tinabihan si Josef sa dining table. Tumayo lang si Nikki para kumuha ng tubig at pagbalik niya, goodbye chair na. Si Shy na ang nakaupo sa spot beside Josef.

2. Nagtatapon ng malalagkit na tingin kay Josef.

3. Nagtanong kay Rona about team-ups at isiningit na crush nya si Josef. "Hotness!"

4. Patuloy ang pag-fish ng info at maya-maya ay pahapyaw na mababanggit na may gusto siya kay Josef. In-announce na single and available siya at ang soon-to-be boyfriend niya ay si -- tantananan -- Josef!

Ang bilis ng da moves nitong si Shy ha! Tancha ko isang masigabong palakpakan para sa first task na ito!


Madam Pris
May 4, '08 1:02 PM



Habang nasa Confession Room si Shy, nagkumpol-kumpol ang ilang housemates. Kwento ni Priscilla, may masama siyang kutob na hindi maalis-alis. Madalas daw itong magkaroon ng mga kutob na matindi at pangitain. Nanaginip daw siya ng isang cake na may 10 kandila. 8 dito ay white at dalawa ay red in flames. Ibig sabihin daw nito, may conflict na darating. Pagkakita kay Shy, kinutuban na ito ng masama na magkaka-conflict sa loob ng bahay. Isa sa kanila ang kakampi at magkakagulo ang mga housemates. Natakot ang ibang teens, pero lalo na si Pris. Si Robi ay ina-assure silang wala iyon at makakayanan nila kung anuman ang darating pa. Feeling ni Pris, hindi lang naiintindihan ni Robi ang tindi ng kutob nya.

Kayo ba, naniniwala ba kayo sa mga kutob?



Ang hindi magmahal sa sariling wika...
May 4, '08 12:57 PM



Habang naglalaro ng Uno ang housemates, pinatawag ni Kuya si Rona. Paglabas nito, winarningan niya ang mga housemates na dapat pilitin nilang magsalita sa Tagalog. Napansin kasi ni Kuya na napapadalas ang pagganmit ng English ng housemates, kahit yung mga hindi naman foreigner. Si Rona, isa sa mga mas gumagamit ng English, ang tagabantay na masunod itong rulev na ito. O, housemates, PINOY Big Brother ito, remember?


Shy trivia
May 4, '08 12:51 PM



1. breadwinner

2. independent

3. hindi na pumapasok ng school, kasi hindi tamad mag-aral

4. poker dealer

5. naniniwalang kailangang dapat marunong dumiskarte sa buhay kundi walang mararating

6. single and available

7. if ever mag-aaral, ang gustong course ay tourism

8. reason for joining: kailangan ng money

Claim # 1: crush si Josef

Claim # 2: may sakit sa mata kaya kailangang naka-mask; may gamot na nilalagay

Anong masasabi nyo dito kay Shy?



Kakuntsaba ng bayan, House Player Shy is in!
May 4, '08 10:35 AM



Dapat ay nomination night ngayon, pero imbes na mabawasan, nagdagdag pa si Kuya ng housemate. Sinundo siya ni Luis mula sa mga taong nagkukumpulan sa tapat ng bahay ni Kuya. Naka-maskara siya at isa sa tasks niya ay siguraduhing hindi mabuking ang identity niya ng mga teens. Bawal din na makita ng housemates ang buong face ng new housemate, or else goodbye agad. Sina nga ba talaga itong mystery housemate na ito? Ni walang intro at background description sa pagpasok itong si Shy, kaya talaga namang palaisipan sa lahat ang katuhan niya.


Sino ang gusto mong
May 4, '08 8:35 AM





Nasa loob na ang ating house player na si Shy, sino ang gusto mong maging kunwaring crush ni Shy? Text BBPoll (letter of answer) at ipadala sa 2366 for Globe, Sun and TM or 231 para sa Smart, Talk n Text. At ngayong gabi iaannounce ang unang task ni Shy at ikaw kapamilya ang magdedecide!


Special guests ni Kuya
May 4, '08 3:46 AM



Pinapunta ni Kuya ang mga Safety experts sa bahay niya para magbigay ng training sa mga housemates. Very responsive naman at bibong-bibo si Mommy Carina sa pagsagot sa mga tanong ng safety head na si Mr. Martin Aguda. Kung anong kinabibo ni Mommy, yun naman ang kina-lanta ni Beauty. Not enough vitamins ka ba Beauty?


Guardians, naghanda para sa masquerade party!
May 4, '08 2:29 AM



Pinagbihis ni Kuya ang guardians para daw sa isang masquerade party na magaganap mamaya. Dali-dali itong inannounce ni Mommy Carina kaya naman mabilis na nagbihis ang guardians at nagmake-up na sila. Mommies baka nakakalimutan ninyo matatakpan ng maskara ang mga eyeshadow ninyo!


Na-emergency si Beauty!
May 4, '08 2:25 AM



Nagulantang ang guardians especially si Mommy Carina nang biglang katukin siya ni Beauty! Tumawid si Beauty sa guardians' area at kumatok ng malakas na pinapalabas ang mom niya sa comfort room. Akala tuloy ng mom niya kung anong nangyari eh yun pala mag happy pupu lang. Sosyal naman itong si Beauty talagang doon pa siya nag number two!


Teens, may mask task rin!
May 4, '08 12:45 AM



Habang busyng-busy ang guardians sa kabila, abala rin ang teens sa mask task nila! Si Beauty ang inatasan na magfacilitate ng activity na ito kaya siya ang nagdistribute ng cardboards sa housemates. Mabilis na nakagawa ng pattern ang girls at ang boys naman partikular sa drawing nila. Para saan nga kaya ang mga maskarang ito? Parte kaya ito ng pagsalubong sa new teen housemate mamaya?


Guardians' maskara task
May 4, '08 12:14 AM



Gumagawa ang guardians ng mga maskara at mukhang pabonggahan pa sila dito! Isa nanaman kaya itong kompetisyon sa kanila? Todo kareer si Mommy Carina, Mommy My Love at Mommy Sandy at gusto pa daw nilang lagyan ng sequins ito. Para saan kaya itong mga maskara? Ano nanaman kaya ang bagong pakulong ito ni Kuya?


Teens, naglaro ng Lactacyd Game!
May 3, '08 5:25 AM



Sa larong ito ang mga magpartners ay si Nicosef, Roro at Vjay! Ang objective ng game: makapagbuo ng mystery word. Si Priscilla ang tinaguriang human door ng game na ito at kailangan siyang lusutan ng mga magpartners. Pagkalusot kay Pris, kailangan buhatin ng boys ang girls para makuha ang mga letra ng mystery word na nakabitin. Pagkaraan ng ilang minuto ang pinakamabilis na pair ay sina Robi at Rona! Congrats guys, year's supply kaya ng Lactacyd ang premyo ninyo?


Have a break, have a late lunch
May 3, '08 3:57 AM



Matapos ang halos buong araw na paggawa ni Robi, Rona, Alex, Nikki, Josef at Jolas ng bigas punishment, pinakain na rin sila! Takbong takbo sila papalabas ng confession room at nagkaniya-kaniyang upo na sa dining table. Ilang minuto lang ang ibinigay sa kanila para kumain ng pananghalian at kinakailangan nilang bumalik sa confession room para ipagpatuloy ang punishment. Naku! Siguro naman sa punishments sa kanila matututo na ang teens na sumunod sa rules ni Kuya!


Punishment of God
May 3, '08 2:51 AM



Bonding si Ejay at si Val pagkatapos kumain ng pananghalian! Chika ni Val kay Ejay na like daw niya ang Uber host na si Mariel dahil maganda siya at ok rin ang kakaibang tawa. Para kay Ejay naman, mas type niya si Bianca. Nang wala na silang mapag-usapan, sabi ng German chick kay Ejay na ang daming punishment ni Kuya. Napatanong tuloy siya kung pati ba ang insect fly part na rin ng punishment? Sagot naman ng Promdie Hottie: "Oo, Punishment of God." Winner ka Ejay!


Teens complain
May 3, '08 12:43 AM



Ang init daw sa bahay ni Kuya! Kumulubot na tuloy ang mukha ng Dazzling Doll sa inis at pinaypayan na lang niya ang sarili. Todo paypay rin itong si Priscilla at si Beauty. Yes Kuyanatics nakabalik na nga ang Rebellious Beauty. Sa katunayan ay di mo aakalaing may masakit sa katawan niya dahil kung sumigaw siya parang wala nang bukas! Sumigaw si Beauty at sinabi kay Kuya na hindi daw siya makahinga (sa init?). Eh pano pa kaya si Ejay na ang task ay kinakailangan siyang nakabilad sa araw?


blog comments powered by Disqus