Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, May 20, 2008

Death becomes the chicken, No more water!, The beadwork continues, Eel Supply!, Hinala ni Rona...

Death becomes the chicken


Tinuruan ni Kuya Primo ang girls kung paano kakatayin ang manok. Alangan si Nikki dito at todo kabado siya pero buti na lang at keri ng powers niya! Matapos ay tinanggalan na nila ito ng balahibo. Very useful nga naman ang military training at matitibay na ang loob ng teens pagdating sa mga ganitong gawain. In fairness, bonggang bonggang girl scout na si Nikki!

No more water!


Sabi ni Kuya sa teens na ang water supply lang nila ngayong araw ay manggagaling sa isang dram ng tubig! Kamusta naman iyan? Buti na nga lang at may training ang teens na walang liguan o 10 mins liguan noong nakaraang linggo. Napa-iling na lang si Mikan dahil maglalaba sana siya. Si Robi naman nag-aalala kung paano siya mag number 1 at 2. Parang nasa jungle na rin kayo ano housemates?

The beadwork continues


Matapos magsibak ng kahoy at maghanda ng pananghalian si Robi at Alex, diretso sila sa living room para gumawa ng beads. Karir ang teens at todo concentrate sa ginagawa nila. Kanino kaya mapupunta ang mga beads na ito? O 'di kaya'y bagong merchandise ito sa TeenDahan ni Kuya?

Eel Supply!


Kinuha ng teens ang daily supply sa storage room at nagulantang ang lahat na may kasamang eels dito! Tumalon ang eel kaya naman todo habol dito si Alex at Robi. Sobrang dulas at mukhang dumidikit pa ang kulay sa kanila. Lunch kaya ito o bagong alaga ng teens?

Hinala ni Rona


Dalawang araw nang wala ang ibang housemates kaya naman naghinala si Rona. Kuwento niya kay Nikki na tingin niya nasa jungle ang apat. Nung nakaraang linggo, surviving in the jungle ang theme kaya naman malakas kutob niya na somewhere in a deserted island sila Beauty, Ejay, Nan at Valerie. Slightly correct ka diyan Rona, pero saang island nandoon ang apat?

For new updates: ;ogon to pinoybigbrother.multiply.com

blog comments powered by Disqus