Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, May 5, 2008

Rona vs. the girls
May 5, '08 11:38 PM



Si Rona lang ang tanging friend ni Shy sa bahay at ang problema dun, hindi type ng girls ang new housemate. Tinanong tuloy ni Rona ang girls kung galit daw ba sila sa kaniya. Sinagot siya ni Beauty at sinabing alam na ni Rona yung sagot niya at "it takes time" (para magkaayos na ulit sila). Si Priscilla naman, hindi pinansin si Rona. Nag-sorry na lang si Rona at umalis na ng girls' room. Nang umalis na siya, sabi ni Beauty na magmumukha silang kontrabida at magmumukhang kawawa si Rona. Sa tingin ninyo sinong tama sa away na ito? Kanino kayo papanig?



Teens get O.C.
May 5, '08 11:00 PM



Pursigido ang teens na linisin ang bahay ni Kuya! Siguro nanawa na rin sila sa mga sakit ng tiyan, diarrhea at kung ano-ano pa kaya naman todo kareer sila sa paglilinis. Si Ejay at Nan ang naghugas ng mga pinggan, si Robi ay naglinis ng bintana, at ang house chef na si Josef ay nagwalis naman. Nako Josef siguraduhin mo lang na maghugas ka ng kamay bago ka humawak ng pagkain! Mamaya kung ano nanamang sakit ang dumapo sa inyo!


Major housecleaning for the teens
May 5, '08 10:05 PM



Para na rin sa kaligtasan ng teens, kinakailangan nilang linisin ang buong bahay at pati na rin ang mga bintana. Pagkatapos itong i-announce ni Kuya, agad-agad dinelegate ni Beauty ang mga gagawing house chores ng teens. Sinabi niya kay Val na partner sila ni Priscilla sa paglinis ng banyo. Ok rin naman ang strategy na mag-atas ng gawaing bahay ngunit 'di kaya masamain ito ng teens at isiping pala-utos ang Rebellious Beauty?


Why oh why?
May 5, '08 10:45 AM


Kakatapos lang ng tension ng nomination at back in the kitchen si Josef, with Alex’s assistance. Kausap nito si Alex at nagtataka kung bakit hindi na natanggala ng perception sa kanya na he’s taking it easy. Nagluluto naman daw siya at naglilinis. Ang hula ni Alex, dahil ito sa hilig mah-joke ni Josef. Feeling ni Alex, mas dapat siyang na-nominate kesa kay Josef. Hmm… try mo kaya maging serious gaya ni Robi, eepekto kaya?


Concerned sa housemate o sa task?
May 5, '08 10:40 AM




After ma-announce na nominated si Josef, todo himas naman itong si Shy na katabi niya. Masyado yatang bothered itong si Josef at hindi gaanong napansin ang ginagawang pag-comfort ng House Player. Part kaya ito ng task ni Shy o genuine concern para kay Josef?


O.P. si House Player
May 5, '08 10:30 AM


Habang naghihintay na mag-live for nominations, obvious ang pagiging bagong salta nitong si Shy sa bahay. Kwentuhan ang mga housemates habang no involvement naman itong House Player ng Bayan at mukhang hindi makasabay sa bonding at inside understanding ng mga ibang teens. May mga songs sila at kwento na hindi na kailangang i-explain dahil gets na nila yun agad. Natural ang tawanan at reaksyon ng bawat isa habang si Shy ay observer. Sa seating arrangement, talagang right smack in between Josef at Nikki ang posisyon niya. Although at first sight e divided into boys and girls lang ang pagkakaupo nila, alam nating may ibang meaning ‘yang posisyon ni Shy. Paano nga ba mai-infiltrate ni Shy ang nabuong barkadahan ng teens?


Ikaw ang aking superhero!
May 5, '08 3:05 AM



Sa hapon na ito ay magdo-drawing ang mga housemates ng kanilang sariling superhero. Dapat ay original ang character at bahala sila sa pagpapaganda ng design. Syempre hindi naman lahat magaling magdrawing, kaya itong sina Rona at Ejay ay natatawa na lang sa sarili nilang mga gawa. Ito namang si Valerie ay nagkwento na noong bata pa siya ay magaling siyang magdrawing ng mga manga characters.

Kanino kayang superhero ang lilipad? Abangan!


Gee! Your hair smells...
May 5, '08 2:18 AM



Dumating na nga ang pinakahihintay na shower call ng mga housemates. Pero syempre, salitan pa sila sa paggamit ng shower room. Ang ilang girls ay naghanda na para sila ay makaligo, pero hinihintay pa lang nilang matapos ang mga nauna ay bigla nang pinutol ni Big Brother ang shower time. Halos mapaiyak sina Beauty at Rona nang ma-realize na hindi na sila makakaligo. No choice tuloy sina Priscilla at Valerie kundi sa lababo na lang hugasan ang kanilang mga buhok.


Pati sa PBB house, may rice shortage!
May 5, '08 2:14 AM



Umabot na nga sa loob ng bahay ni Kuya ang krisis sa bigas! Pero hindi dahil sa walang available na bigas, kundi dahil nakalimutan ng mga housemates na kumuha ng bigas nang payagan sila ni Big Brother na kumuha ng supplies sa storage room. Nakakapanghinayang tuloy dahil masarap na chicken inasal pa naman ang ulam ng mga teens for lunch. Ironic din dahil parang last week lang ay nagre-pack sila ng mga sako ng bigas gamit ang chopsticks, pero ngayon ay wala silang makain kahit isang butil ng kanin.


Whatever happens, strong ang bond natin!
May 5, '08 12:04 AM



Isang secret girl talk ang nagaganap sa girls' bedroom. Sinabi ni Rona ang kanyang praning theory tungkol kay Shy. Nag-ugat ang suspecha ni Rona sa panaginip ni Priscilla na sa pagpasok ng new girl ay mahahati ang mga housemates sa isang major conflict. Iniisip ni Rona na task ni Shy na subukin ang friendship ng lahat ng housemates, at una na ngang susubukin ni Shy ang samahan ni Josef at Nicole. Pina swear ni Rona ang lahat ng girls na "Whatever happens, strong ang bond natin!" Binalaan din niya si Nicole na huwag magpa-provoke sa mga actions ni Shy.


Ang unang umaga ni Shy
May 4, '08 11:53 PM



Mas lalong pinapaisip ni Shy ang mga housemates nang hanggang sa first morning niya inside Kuya's house ay nakasuot pa rin siya ng maskara. Pero hindi ito nakapigil sa house player na maki-bonding sa mga fellow teens. Nagkwento si Shy tungkol sa kanyang buhay, sa mga work na kanyang nasubukan kung saan natutunan niya ang value ng pera. Dahil din sa pagtatrabaho ang nagbago na ang body clock ni Shy. Sanay na ang houseplayer na gising sa madaling-araw at tulog sa umaga at tanghali. E paano naman kaya siya makaka-adjust sa wake up call ni Big Brother?

blog comments powered by Disqus