Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, May 13, 2008

Buko and Alimango lunch
May 13, '08 2:02 AM







Dinala ang teens sa activity area at tinuruan sila kung paano magbalat ng buko at manghuli ng alimango. Game naman ang teens dahil gutom na gutom na sila especially itong si Beauty. Naku Beauty nag-exercise ka nga kanina sabay banat mo naman sa pagkain ng pananghalian! Hirap ang teens sa paghuli ng alimango dahil isang stick lang ang kailangan nilang gamitin. Idagdag mo pa dito ang pagbalat ng buko. Pero after naman nilang gawin ito, voila! mas appreciate na nila ang pinaghirapang lunch nila


Sink or Swim?
May 13, '08 2:56 AM



Gumawa ang teens ng isang raft gawa sa mga bamboo. Ang tanong: lulutang kaya ito o lulubog? In fairness lumutang ang raft ng teens! Ngunit hindi pa nagtatapos doon ang pagsubok. Kailangan ng teens makatungtong dito. Isa-isa silang dumiskarte kung paano sumakay dito at ang first na nagvolunteer ay si Ejay. Yes daring na nga ang Promdie Hottie ngayon. Mabilis siyang nakasakay at mabilis niyang naipagalaw ang gawa-gawa nilang raft. Good job Ejay mukhang mag-survive ka sa Island!

Bonding with the new borders!
May 13, '08 4:59 AM






Bonding ang teens sa new borders na si Andi at Mikan! Dahil nga batchmates si Robi at Andi todo chikahan sila sa common ground nila. Mukhang kilala ng True Blue Atenista ang ball date ng house player kaya naman inaasar niya ito. Inamin naman ni Mikan na type niya ang Rebellious Beauty. Naku pano ka na Alex? Agree ba kayo sa Robi-Andi and Mikan-Beauty?

For more updates join pinoybigbrother.multiply.com.

blog comments powered by Disqus