Google
 

Pinoy Big Brother

Wednesday, May 7, 2008

Ejay, najejelly nga ba?
May 7, '08 2:32 AM



Tinanong ni Ejay kay Valerie kung ano ang naramdaman niya nung binigyan siya ni Joaqui ng flowers. Binalik naman ni Valerie ang tanong at sinabing: what do you think? Sagot naman ng Promdie Hottie na tingin niya na-surprise ang Dazzling Doll. Napatawa na lang si Valerie na parang kinikilig at natahimik naman itong si Ejay. 'Di kaya nagseselos si Ejay kay Joaqui Mendoza?

Josef's hidden talent
May 7, '08 2:27 AM





Hindi lang pala pagluluto ang talent ng LaSallite kundi mag-ayos ng buhok ng babae! Kung yung ibang boys nag-aayos ng mga superhero costumes nila, etong si Josef, pinaplantsa ang buhok ni Rona. At in fairness sa pagplansta niya, pinong-pino ito kaya ang haba na ng hair ng Teen Debater! Araw-araw daw kasi nung mahaba pa ang buhok ni Josef, pinaplantsa niya ito. Hmm.. Sige nga Josef, ilabas mo pa ang ibang super talents mo

Teens turn Superheroes!
May 6, '08 11:55 PM





Pagkalabas ng teens ng confession room, dali-dali silang pumasok sa kani-kanilang kuwarto para magbihis ng superhero costumes! Malas nga lang ni Josef dahil kinakailangan niyang magsuot ng high heels. Kamusta naman iyon Josef! Bukod pa dito, may kaniya-kaniya silang super powers. Ano-ano kaya ang super powers nila? Tingin ninyo ano ang nababagay na powers sa kanila?

Looks or Personality?
May 6, '08 10:23 PM



Hindi nagtagal at napunta ang usapan kung ano ba ang mas type ng girls: looks or personality? Para kay Rona mas prefer niya ang personality pero reality wise, ang una mo talagang nakikita ang mukha.

Para kay Beauty naman gusto niya ng matangkad at popular na lalaki. Sa katunayan ay nagustuhan niya ang ex-boyfriend dahil sa nasabing characteristics. Kapag naglalakad ito, tinatawag siya ng mga tao ng "Lamok! Lamok!" dahil mukha daw itong lamok (pero joke lang daw iyon). Nag-iwan pa ng quotable quote ang Rebellious Beauty na, "Treat me like a princess and I'll love you forever"! Aba sosyal talaga itong teen haciendera!

All are friends again!
May 6, '08 10:07 PM



Umagang-umaga at pinagbihis ni Kuya agad ang housemates! Hinala tuloy ni Alex na may new housemate na papasok. Meron nga kaya? Abangan. Samantala, friends na ulit ang mga teen girls at chikahan to the max sila sa mga crushes nila habang nagpaplantsa ng buhok. Hmm.. Parang walang naganap na awayan kahapon ha!

Nicole's Big Question
May 6, '08 4:56 AM



Dahil friends na nga ang lahat, pabirong inusisa ng In-Chick from Cebu kung totoo nga bang type ni Shy si Josef o task lang ba ito? 2 gabi na nilang naririnig na nagsleep talk si Shy at puro pangalan ni Josef ang nasasambit nito. Sagot naman ni Shy na type niya talaga si Josef at bago siya matulog, iniisip pa rin niya ang Lethal LaSallite. Napatawa na lang dito si Nicole at ganon rin ang girls. Hmm.. totoong tawa kaya yun o tawang nagtatago ng selos?

The Reconciliation
May 6, '08 4:47 AM



Pagkalabas ni Priscilla, Beauty, Nicole at Valerie sa confession room, hinanap nila si Shy at Rona! Matapos ang ilang araw na alitan, niyakap ng 3 girls ang 2 kaaway. Sabi pa ni Priscilla na may new sister na daw sila at si Ate Shy na nga ito. Everybody happy na nga sa bahay ni Kuya at nagdamayan pa sila nang ikinuwento ni Shy ang mga pinagdaanan sa buhay niya. Kamusta naman iyon? Hindi naman masyadong mabilis ang pangyayari. Totoo kaya itong "new sister" thing na ito o face value nanaman ito?

Pati si Alex alam na rin!
May 6, '08 4:08 AM



Pagkatapos kausapin ni Rona si Nan at Robi, pumasok naman ang dalawang boys sa kanilang kuwarto para ichika ito kay Alex. Kinuwento ni Nan ang sitwasyon ng mga girls at sa wakas ay nabigyang linaw ang mga haka-haka niya. Nakita niya kagabi na umiiyak si Nikki kaya napaisip siya kung mayroon nga bang lumalaking gulo sa bahay ni Kuya. Dagdag naman ni Robi na ang gusto lang naman nila ni Nan ay makatulong sa away ng girls. Sapat kaya ang mga ginagawa nila para maresolba ang hidwaan?

Robi and Nan are in on the secret
May 6, '08 3:03 AM



Bagaman ayaw niyang sabihin sa iba, sinunod ni Rona ang advice ni Kuya na ikuwento sa ibang housemates ang alitan sa kanila ng girls. Una niyang kinuwentuhan si Nan na nakakapansin na mukhang may away nga. Sinunod naman niya si Robi at todo share siya sa nangyari sa pagitan nila ng girls.

Strong ang personality ni Shy at hindi siya magcocompromise sa mga girls. Nung kinuwento ni Priscilla ang dream niya, na-alarma silang lahat. Sinubukang kausapin ni Rona si Shy tungkol sa buhay niya at nalaman niya na iba ito sa akala nila. Maaga naging breadwinner ito, at mature na ang mga friends niya kaya iba ang approach sa housemates. Nang naging close si Rona at Shy, pinansin ito agad ni Priscilla at kinausap ang girls na totoo ang dream niya. Advice naman ni Robi na iwasan na lang muna ni Rona sila Nicole, Beauty at Priscilla at siya na ang kakausap sa iba. Maayos kaya ni Robi ang alitang ito? At 'di kaya strategy lang ito ni Priscilla para matupad ang pinanaganipan niya?

Valerie is Rona's new confidante
May 6, '08 2:07 AM



Habang enjoy ang girls sa pagpaplantsa ng mga buhok nila, pinasok ni Valerie ang nag-iisang Rona sa girls' room. Neutral daw si Valerie sa awayang ito at binigyan ng advice si Rona na mag-ingat siya sa pakikipag-usap sa girls.

Kuwento ni Rona na sinabi niya kay Kuya na wala siyang napagsasabihan ng sama ng loob dahil 3 sa female friends niya ay galit sa kaniya. Payo naman ni Kuya na oras na para malaman ng natitirang pitong housemates ang nangyayari sa loob ng bahay. Paano kaya ito sasabihin ni Rona? Magagawa niya kayang aminin sa ibang housemates ang nagaganap na alitan sa kaniya at ng 3 girls?

Secret ng girls
May 6, '08 1:46 AM



Ang inatasang magluto ng pananghalian ngayon ay si Nicole, Priscilla at Beauty. Nagluto ang tatlo ng kare-kare at mukhang enjoy na enjoy sila sa task na ito. Maya-maya lang pagkatapos nilang magluto, kumuha sila ng pagkain at nagkulong sila sa kuwarto. Hagikhikan sila sa loob at umupo sila sa sulok na kinakain ang luto nila. Tuloy pa rin ang pagpapatibay ng friendship nila at kuwentuhan tungkol kay Rona at Shy. Tama ba naman yun?


blog comments powered by Disqus