Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, May 8, 2008

One more chance ba ang Nicosef?
May 9, '08 12:12 AM




Mukhang together again nga ang Nicosef! Magkatabi sila pagkatapos ng game at sila ang nanguna sa pang-aalaska kay Rona. Touchy na ulit ang dalawa at kinukulit nanaman ni Nicole si Josef. Akala ko ba Josef huwag pansinin si Nikki ang gimik mo? Hindi kaya bigyan ka ng punishment ni Kuya dahil sumuway ka?

Rona at Alex, panalo sa alaska ng housemates!
May 9, '08 12:07 AM



May pagkakataon sa larong ito na kailangang saluhin ni Rona ang footlong na nakalawit sa bibig ng partner na si Alex. Kapag nahulog ang hotdog, malamang lamang mawawala ang chance nila na manalo. Sinubukang saluhin ni Rona kaya naman halos nagkadikit sila. Pagkatapos tuloy ng laro, inasar ng mga housemates na first kiss daw yun ni Rona! Nahiya tuloy ang Teen Debater at walang nasabi. Kayo talaga housemates baka magselos si Robi niyan!

Streeetch and Eat game
May 8, '08 11:54 PM



Naglaro ang teens stretch and eat the footlong game! Pabilisan ang magpares sa pagkain ng footlong na nakalagay gitna. Bawal gamitin ang mga kamay nila at dapat bibig lang ang gagamitin ng partners. Unang sumabak sa daily task na ito ay si Nan at Priscilla. Sumunod naman si Beauty at Robi. Ang iba pang magpares ay si Nikki at Ejay, Josef at Valerie at Alex at Rona. Sino kaya ang wagi sa teams na ito?

Beauty-Shy bonding moments
May 8, '08 10:47 PM



Bagaman nagsimula ng masama ang dalawa, mukhang very close na si Beauty at Shy ngayon. Napagchikahan ng dalawa ang Crabadabadoo task kahapon at sabi ni Beauty natakot talaga siya doon at medyo masakit daw ang pagka-sipit ni Luis Manzano sa kaniya. Kay Shy naman, type niya ang ngipin at abs ng hunk na host. Open na sila sa isa't-isa at kung chumika, parang matagal na magkakilala! Ibig sabihin kaya nito tagumpay si Shy sa task na gawing best friend si Beauty?

Val and Rona go Low
May 8, '08 10:01 PM



Hindi naman masyadong ganado si Val at Rona sa pag-exercise nila! Todo sayaw sila ala G-Force sa kantang Low. Sa paghataw tuloy ng dalawa, hindi rin napigilan ni Robi at Nan na mapasayaw. Itong si Valerie kareer talaga na mabawasan ang timbang kaya kahit na paulit-ulit na pinapatugtog ni Kuya ang Low, mataas pa rin ang kaniyang energy level! Naku Val sana makita ka ni Beauty para ganahan rin siya!

The makeover continues
May 8, '08 4:47 AM



Matapos ang mga tasks, balik agad ang girls sa room para magfreshen up! Dahil naputol ang make-up session kanina, hindi tuloy nalagayan ni Shy ng make-up si Rona. Kaya ngayon, todo bonding ang dalawa over make-up. At ito pa, ang make-up ni Rona, bongga! Pero wala nang tatalo sa pagka-bongga ng teen house player dahil kahit naka mask siya, kaya pa rin niyang maglagay ng mascara!

blog comments powered by Disqus