Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, May 23, 2008

Guardian Love Team, Agenda: Paiyakin si Mommy Minda, Kailan kaya sila babalik?,.....

Guardian Love TeamMay 23, '08 2:47 AM


Kamusta naman ang tandem na Mommy NingNing at Daddy Erning? Binibiro ni Mommy Jinky na i-date ni Daddy Erning si Mommy Ningning, papanoorin ng sineng "Caregiver" at ipagshopping pa! Tamang tama naman talaga, single si Daddy Erning at ganun rin ang mom ni Linda. 'Di kaya magulat ang teens, pagbalik nila eh love team na ang parents nila?



Agenda: Paiyakin si Mommy MindaMay 22, '08 10:30 PM


Share ni Mommy Minda sa mga guardians na gusto niyang maiyak. As in yung todo todong iyak para gumaan ang kalooban niya. Parati na lang siya nagpipigil at nagtatago at nahihirapan siya sa ganitong lagay. Suggestion ni Mommy NingNing, maghiwa ng sibuyas o kaya'y mag-isip ng malungkot. Ano naman kaya ang puwede pang ikalungkot ni Mommy Minda kung may anak siyang tulad ni Alex plus 2nd Big Placer siya? Hmm...

Kailan kaya sila babalik?May 22, '08 9:44 PM


Nadagdagan na ang barkadahan ng mommies at nasa loob na rin si Daddy Erning at Mommy NingNing. Kamusta naman iyan! Bagaman nageenjoy sila, gusto na rin nilang makita ang outside world. Kaya naman nagtanungan kung kailan babalik ang teens. Mukhang mamaya na daw ang uwi nila dahil Sabado na bukas. Mamaya na nga kaya ang balik ng teens? Kamusta kaya ang weekly task nila na beaded bracelets?

Movie watching sa bahay ni KuyaMay 22, '08 3:47 AM


Matapos ang karaoke session, nood naman ang mga mommies ng movie! This is the life talaga para sa mga mommies. Relax kung relax at nood kung nood sila. Affected ang ibang mommies sa pinapanood pero si Mommy Minda, tulog na! Siguradong solve at sulit talaga sila sa impromptung bakasyon. Hanggang kailan kaya sila sa bahay ni Kuya? Maabutan kaya nila ang teens? '

Karaoke time with the mommies!May 22, '08 1:20 AM


Bonggang bongga ang mga mommies na nagpasikat ng kanilang mala anghel na boses! Todo kanta si Mommy Rose na mukhang ayaw nang bitawan ang microphone. Birit Queen talaga tulad ng daughter na si Rona. Nagpasikat rin si Mommy My Love at bumirit sa kantang "Crazy For You". Ayan naman ang saya saya ng bakasyon nila diba? Yung teens kaya masaya rin sa bakasyon nila?


For more updates logon to pinoybigbrither.multiply.com



blog comments powered by Disqus