Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, May 16, 2008

More Robi and Mikan trivia!
May 16, '08 4:48 AM



Karagdagang trivia kay Robi: special flight leader siya nung high school at sumali siya sa PBB for experience. Nung PBB Teen 1 sumali na rin siya pero 'di siya sumipot.

Trivia naman kay Mikan: Sumali siya para maging proud ang Olongapo sa kaniya. Isang kayamanan nila - may spa hotel ang Dad niya sa Olongapo. Sa katunayan nga iniimbita niya ang mga housemates na dumalaw sa kanila para makalibre sila. Sosyal!

Special mission for the kids!
May 16, '08 4:29 AM



Tulong-tulong ang teens at guardians sa paglalagay ng school supplies sa 100 bags. Sa bawat isang bag kinakailangan ang laman ay 2 notebook, 2 writing pad, 2 memo pad, 2 paste at bonggang bonggang converse shoes. Isang oras lang ang tinakda ni Kuya para sa task na ito. Sino kaya ang mga suwerteng tatanggap ng school supplies na inimpake ng housemates? Nagawa kaya nila ang task na ito sa loob ng isang oras?

Sacrifice or task?
May 16, '08 2:36 AM



Pagkalabas ni Nicole sa confession room, kung sinong matapat sa kaniya ginagaya niya! Ang tanong, sacrifice kaya ito o task ni Kuya sa kaniya? Dagdag pa sa punishment na ito ang props na wooden frame to stand as mirror. Sa bawat galaw ni Alex, ginagaya ng In-Chick from Cebu. Lunch time na at para makakain si Nicole, kumain ang katapat niyang si Alex. Si Priscilla ang sumunod na tumapat kay Nicole at para pakiligin si Nan, sinabi niyang "I love You Nan" para gayahin ni Nikki. Kinilig ka ba Nan o kinilig ka? Yihee!

Time to Eat!
May 15, '08 3:42 AM



Kainan na ang teens! Matapos ibitag at manok at lutuin ito, ready to eat na ang tinolang manok. Pero siyempre bago yun, presentation muna. Nauna ang group nila Mikan at kareer ang house player sa pagbuild up ng tinolang manok. Ang group naman ni Priscilla, imbis na manok ang ibenta, binenta ang bamboo na ginamit sa paggawa nito. Hmm.. Sinong team kaya ang nakagawa ng tinolang manok na panalo sa panlasa ng officers?



Teens learn the map
May 14, '08 10:42 PM



Kung rappelling ang activity kahapon, ngayon naman map reading at land navigation. Kakaiba talaga si Ejay sa nakalipas na araw dahil todo volunteer talaga siya. Ngayon siya naman ang naunang magvolunteer para basahin ang mga nakasulat sa projector. Simple lang daw magbasa ng mapa at kailangan lang tandaan ang ibig sabihin ng mga kulay. Kung green lines, mapuno, kung blue lines, matubig. Ayun naman pala! Madali lang daw housemates go guys!


For more updates log on to: pinoybigbrother.multiply.com

blog comments powered by Disqus