Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, May 2, 2008

Wanted: Special Housemate!
May 2, '08 3:27 PM




Gusto mo ba maging housemate sa bahay ni Kuya?

Ikaw ba ay 16-19 years old?
Ang nationality mo ba ay Chinese, Japanese o Korean?
Marunong ka ba mag-Tagalog?

Kung oo ang sagot mo sa lahat ng ito, pumunta sa Lunes, May 5, mula 1-6 pm sa bahay ni Kuya! Dalhin lang ang passport or birth certificate. Malay mo, ikaw na ang next PLUS at special teen housemate!



Pati guardians, bagsak!
May 2, '08 3:23 PM





Ano nga bang sakit ang dumadapo sa bahay ni Kuya? Ilang teens na ang nagkasakit at na-injure this week, at ang iba ay nao-ospital pa. Ngayon naman, mga guardians ang nagrereklamo sa body pains. Si Mommy My Love ay tinamaan ng allergy, si Mommy Minda ay may high blood, Si Tita Anna ay hindfi maka-happy pupu, si Daddy Erning ay may sakit ng ulo at ang iba pang guardians ay may iba't ibang sakit ng katawan.


Tsk..ano ba naman yan? Dahil ba sa kakaibang weather ito? Kayo ba nakikiisa at may sakit na rin? Ingat kayo, Kuyanatics, at baka kayo na ang sumunod!



Healthy adobo
May 2, '08 3:19 PM





Busy na ang iba sa mga tasks pero si Josef ay nasa kusina pa rin. Masama ang pakiramdam ng Lethal Lasallite, pero dahil siya na nga ang designated cook, kinarir na niya ang pagluluto ng ulam nila. Grateful naman ang mga housemates sa kanya, at si Nan ay very vocal tungkol dito. Habang nagluluto si Josef at ine-explain ang kakaibang adobo niya, nagsabi si Nan ng thank you. No oil adobo ang niluto ni Josef, pero malasa pa rin daw ito, ayon sa kanya. Tubig lang ang ginamit niya dito at tamang-tama naman daw itong recipe nya lalo na kay Alex na sensitive pa rin ang tiyan.



Nicole--Robi--Josef
May 2, '08 4:00 AM



Simula pa kagabi binabantayan na ng True Blue Atenean si Josef at Nicole. At hanggang ngayon todo bantay talaga siya sa dalawa to the point na halos hindi na sila makapag-usap. Gusto sanang hawakan ni Nicole si Josef ngunit pinigilan siya ni Robi at sinalo ang kamay niya. At nung kailangan umalis saglit si Robi pinaupo niya si Alex sa pagitan ni Nicosef para daw may SPACE sa kanilang dalawa. Makulit sila Nicosef at pinipilit pa rin nilang maging touchy sa isa't-isa. Magwagi kaya si Robi sa task na ito?


Coke cheer take 3!
May 2, '08 2:50 AM





Nagensayo ang teens ng Coke cheer nila! Konting oras lang ang ibibigay ni Kuya at ipinaalala niya sa teens na malaki ang nakasalalay sa cheer na ito. Mapapansin na bad mood si Jolas dahil gusto niyang sumayaw ngunit hindi siya makakasama.

Si Priscilla at Nicole, very confident sa cheer nila! Sharp ang moves at kitang-kita na kabisado nila ang dance steps. Si Rona naman marami pa ring nakakalimutan na steps kaya napapakamot ulo na lang. Si Val naman hindi makasunod sa ibang girls. Major adjustment rin ang teens dahil hanggang ngayon wala pa si Beauty. Makabalik kaya siya para makasama ang teens sa final presentation mamaya?


blog comments powered by Disqus