Google
 

Pinoy Big Brother

Wednesday, April 2, 2008

2 more in sa secret task
Apr 2, '08 3:29 PM



True enough, noong nasiguro na ni Beauty na tulog ang mga girls, ginising niya si Jieriel at kinuha ang slippers bago lumabas. Sa sala, nakasalubong naman nila sina Josef at Kevin. Parang mala-Mission Impossible spies ang apat, at dahan-dahang nagtungo sa Confession Room. Kabado sina Jieriel at Kevin, pero halatang excited. This is it. May dalawa nang dagdag na accomplices ang mga akyat-bahay na sina Josef at Beauty. How effective naman ang powers nitong mga ito sa secrecy at ninja-like sleuthing?




Sleep tight, girls
Apr 2, '08 3:28 PM



Pilit na pinatutulog ni Beauty ang girls. Mother hen talaga ang porma nito habang pinapaalalahanan ang mga kasama na kailangan na pumikit at managinip. Kahit siya ay pumikit na rin. Pero after a while, napaupo ulit si Beauty, sinilip silip pa ang ibang girls. Lumabas siya. To get a drink. Back to bed, until tumayo si Linda. Agad naming sinamahan ni Beauty si Linda sa kitchen at in-escort back to bed. Mommy Beauty even tucked Linda in, may tapik-tapik pa para mapabilis ang tulog. Jing, may kutob ka bang something’s fishy dito sa set-up na ito?



Sleep tight, boys
Apr 2, '08 3:27 PM



Lights out na at maririnig pa ang pahabol na tunog ng gitara at konting kwentuhan. Tapos na maligo ang iba, pero no bathtime for Alex, dahil nga bagong binyag. Punas lang daw siya. Hmm.. any idea bakit early to bed ang housemates ngayon? Paalala ni Josef, maaga pa silang gigising to practice. May kinalaman kaya dito ang secret task nila ni Beauty?



Hot seat si Nan
Apr 2, '08 3:26 PM




Gaya ng tipikal na reaction ni Nan sa lahat ng bagay, puro joke at change topic ito. Kay Valerie na lang sya nagbuhos ng atensyon at parang deadma sa lahat ng iba. Nakikipagkulitan siya at nagtatanong-tanong. May nalalaman pang angle sa posisyon ng pakikipag-usap. Tinanong ni Rona si Nan: “Do you like Nicole?” Hindi sana sasagot si Nan na naglalakad-lakad na back and forth sa kitchen at that time, pero pursigido si Rona to get an answer. Tinanong ni Nan kung anong reaction ni Rona kung nag-yes siya o mag-no. Paikot-ikot ang sagot ng binata. “Yes or no? Or.” “Yes no? Yes-no!” Agad naman na sagot ng ating debater: “As long as it’s (yes) is still there, no matter how small it is, it’s still a yes.” Ang tanging rebuttal ni Nan ay, “You’re so malicious!” Naku, mahirap talagang humanap ng lusot dyan… kung si Robi nga, natameme! Ang final say ni Nan, “Secret!”




Love Triangle?
Apr 2, '08 3:25 PM




Asar-talo si Nan nag magpair-up ang mga teens para sa dishwashing duty. Ang mga pairs: Jing-Beauty, Nan-Josef, Robi-Nikki, Ejay-Valerie, Kevin-Alex, Jolas-Rona at Priscilla-Linda. Todo lokohan ang boys na paulit-ulit na pinagdidiinan ang Robi-Nikki partnership. Ayan, hindi lang pala ang mga Kuyanatics ang nagpapaka-Cupid sa dalawang ito. Tawa lang si Nikki sa usapang ito at parang walang naririnig itong si Nan kahit pa nilalaglag na siya ng mga boys. Ilang minuto ding piaikot-ikot ang diskusyon ng pair-ups, pero hindi nasira ang Robi-Nikki team. Biro pa ni Josef, “Ha? Sino third? Si Robi at Nikki? Si Robi at Nikki na ba? Sila na? As in official? Tsk, ayan. Sila na nga.” Ang girls na pinagtritripan ang iba’t ibang songs ay nag-isip pa ng matching theme song sa “triangle” na Nan-Nikki-Robi: “I Like You, But I Love Him”. Si Josef ay hindi naman nakatakas dahil binigyan din sila ni Linda ng theme song na “Crazy Love” dahil maya’t maya ang bangayan ng dalawa.



Mag-exercise tayo tuwing.. gabi?
Apr 2, '08 2:55 PM



Naku talaga naman ang girls, so conscious! Nagtimbang ng sarili si Rona at nakitang bumigat ang timbang niya. Ayun, count the calories palagi sa bawat kagat. Lumalabas ang girly vanity nitong conservative ate ng bahay dahil amya’t maya ay pinoproblema nya ang katawang feeling niya ay lumolobo. Gaya na lang ng arms niya na feeling niya malaki na masyado, so ang goal: trim down! Echo naman sina Linda at Beauty. Si Linda, aminado na mataba na daw siya, kaya nga natatawa siya sa nickname na “Bikini Babe” para sa sarili. Si Beauty, nag-proclaim na diet is a must, starting tomorrow na! Naku, ewan ko lang ha. Ok lang yan, sa tasks ninyo, tanggal bilbil sigurado.




Alex, sit!
Apr 2, '08 2:54 PM



Strict orders kay Alex ‘yan. Paano ba naman, gusto pa rin niyang mag-practice ng dance steps at sumisingit-singit pa sa sidelines itong Italian Valentino natin. Kaso protective housemates ang mga kasama, kaya no, Alex, sit in the corner ka tuloy. Nakakatuwa naman na sineryoso ng lahat ang pag-suporta dito kay Alex, kahit pa hindi siya makaka-join as much sa mga tasks dahil nga two weeks recovery ang post-op nya. Ayan naman ang pagiging One Team!




Sayaw, housemates!
Apr 2, '08 2:52 PM



Today is the day na ipre-present ng housemates kay Kuya ang batch dance nila. Choreography care of Jolas, kaya naman right smack front and center ang position ng Gentle Giant. Nakakatuwa naman kasi todo bigay ang lahat ng housemates na obvious talagang pinaghirapan na makuha ang sequence ng steps. Si Valerie nga, nakikikanta pa habang sumasayaw. Last minute reminder ni Josef, ang facial expression, important! Dapat daw kasi mag-uumpisa silang sad, tapos pag dating sa step ala-Macarena, tsaka sila all smiles and energy. With these, performance level ang housemates and, true enough, natuwa naman si Kuya at isang energetic “Congratulations!” ang bati sa kanila after. Good job naman kayo, housemates!



Uso pa ba ang harana?
Apr 2, '08 2:51 PM







O, akala niyo girls lang ang may musicality? Eto at nagpakitang-gilas naman si Robi sa gitara. For sure, laglag ang mga girls lalo dito! Heartthrob na nga ng marami sa loob (at surely pati sa labas) ng bahay ni Kuya dahil sa face, wit at charm, dagdag cutie points pa dahil sa guitar skills. Hindi naman patatalo si Alex na marunong din pala mag-gitara. In fact, gumawa pa ito ng song for a special someone. Nahirapan nga daw siya dahil ang gusto niya, perfect ang lahat for that person. Nothing but the best, sabi nga. Siguradong ok yan. Ikaw ba naman kantahan ni Alex ng original song made just for you, papalag ka pa? Talagang Valentino nga ito. Parinig naman nyan, Alex!

blog comments powered by Disqus