Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, April 13, 2008

WWJD
Apr 13, '08 8:11 AM



Magpapa-tattoo ulit si Beauty. But this time, hindi na dahil trip nyang mag-rebelde, but for a better reason. If ever daw ma-evict sya, ang unang-una nyang gagawin paglabas ay magpa-tattoo ng WWJD (What Would Jesus Do?) sa wrist nya. Reminder daw ito every time may maisip siyang gawing masama, para pag nakita nya, hindi na nya gagawin. Mukhang serious na talaga itong si Beauty in taking steps para magbago ah.



Nominations are easier the second time around
Apr 13, '08 8:01 AM



Dahil siguro hindi na new experience para sa housemates ang nomibation night, hindi na sila kasing-stressed out as before. Actually, puro tawanan pa nga sila at kung ano-ano ang naphkkwentuhan. Napagsabihan pa nga sila ni Kuya to behave dahil tuloy ang kulitan ng mga teens. Nagbabalak ang boys na mag-Katsupoy hairstyle next week. Makuha pa nila mag-worry sa outfits nila, hairstyles at piercings. Ewan ko lang kung maka-relax pa sila pag simula na ang pagbibigay ng nominations.




Mas gwapo BF ko...
Apr 13, '08 5:35 AM




Tinanong ng mga girls si Nicole tungkol sa bf niya. Mas gwapo daw ba ito ke Josef? Umoo si Nikki na mas gwapo nga ang boyfriend niya sa labas. Close din daw ito sa mom niya. Pero aalis na papuntang London ang bf niya for college.

Dahil ba dun kaya napapabaling sa iba ang atensyon ni Nikki?




I love Kuya talaga!
Apr 13, '08 5:15 AM



Yan ang sabi ni Beauty paglabas niya sa confession room. Nahalikan niya ang mga housemates na nagpapabeauty sa may kitchen sa saya. Sabi rin niya "I love Jing Jing talaga!"

Bakit kaya natuwa si Beauty?



Sabihin mo ng 10x...
Apr 12, '08 11:02 AM






Sinigundahan ni Jolas ang jokes ni Josef. "Sabihin mo ng 10x ang corned beef!" sabi niya ke Rona. Sabay tanong ano ang english ng cow? Muntik na sabihin ni Rona na beef!

Mukhang mabili mga jokes ng 2 to ha...




Joke time...
Apr 12, '08 10:59 AM



Joke time nanaman habang nagpapahinga ang mga teens. Si Josef may naisip na game na dapat ay ituro ng housemates ang body part na sasabihin niya ng paulit ulit. Kelangan ay mailipat nila ang kamay nila sa tamang body part kung ibahin man ni Josef ang sasabihin niya. After a few rounds mukhang kulelat at alaskado si Robi.




Bye Jie!
Apr 12, '08 9:37 AM



Baha ng luha sa loob ng bahay dahil si Jieriel ang nahatulang ng eviction. Napayakap na lamang si Jie sa lahat ng housemates.

Tally of votes:

Josef - 47.49%

Pris-19.98%

Val - 18.66%

Linda - 9.28%

Jie-4.59%

Good luck Jieriel!





Val and Linda in na in
Apr 12, '08 9:30 AM




Dalawa pa sa nominado ang safe -- Valerie and Linda. Kitang kita naman ang kasiyahan sa mukha nung 2 teens. Sino nga kaya ang magpapaalam ngayong gabi?




Priscilla, safe!
Apr 12, '08 9:22 AM






Nakahinga na nang maluwag si Pris. Your votes have saved her! Sino kaya ang susunod na safe?




Ro-ro?
Apr 12, '08 7:56 AM



Nakapwesto na ang mga teens sa living room para sa Eviction Night na magaganap in a few minutes. Bigla na lang nakarining ng "yihee" mula kina Nicole, kasunod ng pagsabi ng "Ro-Ro" sa magkatabing sina Robi at Rona?

Hmm...what's up with that guys?




My Mini-me
Apr 12, '08 7:21 AM



Sarap na sarap sa pagkain ng ice cream ang mga housemates. Magkatabi si Jieriel and si Beauty na sabay na sabay sa pagsubo. Natawa na lang sina Robi nang sabihin ni Beauty na si Jieriel ang kanyang "Mini-me". Pinapose pa niya si Jieriel tulad ng sa movie na Austin Powers.

After maubos ang ice cream sa kanyang bowl sabi ni Beauty na ayaw niya ng nuts sa ice cream. Natawa nanaman si Robi sabay sabi "Ayaw na raw ni Beauty kumain ng ice cream" na kinontra naman ng girl housemate.

Inaaliw na lang nila malamang andg mga sarili nila dahil ilang minuto na lang mababawasan na sila ng isa.

blog comments powered by Disqus