Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, April 11, 2008

Happenings!

Sino ang adik sa ABSCBN shows?
Apr 11, '08 5:08 AM





Well, habang lock down sa loob ng girls bedroom, palipas oras ang mga girls at si Jolas sa pagreminisce sa mga favorite ABS-CBN shows. Lahat ng shows na yata na enumerate na nila, pati ang cartoons na Remy, na kinanta pa ni Jolas ang theme song. Nakakabilib din itong si Jolas na nagiisang guy na nakikipagtagisan ng galing sa trivia ng Kapamilya shows sa mga girls. Pati triplets ng Saan Ka Man Naroroon kilala niya... mukhang babad sa harap ng TV itong si Jolas ah!




Bili na sa Teen-dahan ni Kuya!
Apr 11, '08 1:56 AM


Mga Kuyanatics, sugod na sa harap ng PBB House para mabili ng mga limited edition PBB Notebooks. Bukas ang Teen-dahan ni Kuya para sa Kapamilya from 4 PM to 10 PM daily kung saan mabibili ang mga notebooks na ginawa ang na-autograph ng mga teen housemates! Ang proceeds ay mapupunta sa mga piling indegenous public school children.

Samantala, malapit na ring mabili ang mga tin-dyed shirts na kasalukuyang tinatapos ng mga teens. Hindi mo lang mapapasaya ang mga housemates, makakatulong ka rin sa LOL - Libreng Operasyon sa Laoag kung saan maraming Kapamilyang may karamdaman ang mabibigyang lunas. Kaya ano pa ang hinihintay niyo, bili na sa Teen-dahan ni Kuya!




Gabundok ng damit
Apr 11, '08 12:50 AM


Puspusan na nga ang pagtatahi ng mga teens sa mga nagawa nilang tin-dyed shirts dahil palapit na rin ang deadline na ibinigay sa kanila ni Kuya. Ito na ang third weekly task ng mga housemates, at so far, wala pa silang naipapanalo. Mukhang madami nang damit ang natatapos ng mga housemates, pero syempre, si Big Brother pa rin ang magde-decide kung pasado ba o bagsak na naman ang mga teens sa kanilang task. Tutukan ang magiging resulta ng third weekly task sa PBB Official Website.




How to make Kuya's quilt?
Apr 11, '08 12:42 AM




Balak yata ni Big Brother na magtayo ng kanyang patahian dahil habang tinatahi ng mga teens ang kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay abala naman ang mga guardians sa paggawa ng isang malaking quilt. Kasama nina Daddy Jerry at Daddy Erning sina Mommy Ningning, Mommy Sandy, at Tita Anna sa pagtahi ng iba't ibang kulay ng swatches sa isang malaking tela. Pero mukhang pressured na ang mga guardians dahil palapit na yata ang deadline na ibinigay ni Kuya sa kanila? E para kanino ba kasi ang tinatahi niyo?

blog comments powered by Disqus