Google
 

Pinoy Big Brother

Wednesday, April 23, 2008

Josef prepares the birthday lunchApr 24, '08 12:28 AM


Lulutuan ni Josef ng sinigang si Kuya Jolas! Dali-dali siyang kumuha ng mga ingredients sa loob ng ref at may mga nakita itong mga gulay na bulok na. Nako teens ah mamaya puro amag na pala ang nasa ref ninyo. Seasoned talaga si Josef pagdating sa pagluluto at ang unang gulay na niluto niya ay talong. Dahil gustong tumulong ni Rona sa paghahanda, tinuruan siya ni Josef hiwain ang mga gulay. Maya-maya lang ay ididiriwang ang birthday ni Jolas. Ano-ano kaya ang mga hinandang surprise ng mga teens?


Nicole seeks Josef's opinionApr 23, '08 11:54 PM


Sa sobrang close ni Nicole at Josef, open na sila sa kung anong gusto nila makita sa isa't-isa. Hindi type ni Nicole ang outfit ni Josef kaya pinipilit niya na palitan ito. Dahil busy ang girls sa pagkukulot ng mga buhok, napaisip si Nicole at natanong niya kay Josef kung ano ang mas gusto nito, straight hair ba o curly? Sagot naman ni Josef na straight daw ang mas gusto niya kay Nicole pero mukhang gustong magpakulot ng In-Chick from Cebu. Ito talagang si Nicole, nagtanong pa!


Girls all dressed up!Apr 23, '08 11:25 PM


Pinagbihis ni Kuya ang mga girls ng best outfits nila! Kaya nagkalat ang mga damit at make-up sa loob ng girls' room at tulong-tulong ang mga girls sa pagdadamit. Bakit kaya sila pinagbihis nito? May lalabas kaya ng bahay ni Kuya ngayon? O para lang kaya ito sa birthday ni Kuya Jolas?




Ejay, kareer sa exercise!Apr 23, '08 10:33 PM


Sa lahat ng housemates, ang makikitang pursigido sa pagpapaganda ng katawan ay si Ejay. Noong unang linggo pa lang sit-ups to the max itong si Ejay! Solo flight pa siya noon pero ngayon, partner na sila ni Jolas. A la Manny Pacquiao ang bilis at effort ng pagsit-ups ni Ejay pero sana ganito rin siya kabilis sa pagkuha ng dance steps sa weekly task na ballroom dancing!




Teens exerciseApr 23, '08 10:17 PM


Ginising ang teens ng maaga ngayon at imbis na ituloy ang tulog sa sofa, aba'y nag-exercise sila! Si Priscilla at Rona ang mga naunang magexercise at inaya nila si Beauty para sumama na rin. Tamad na tamad talaga ang Rebellious Beauty at pumayag lang siya sa pagkumbinsi ng best girl bud na si Nicole. Nako Beauty hindi ka talaga papayat niyan kung hindi ka mag-exercise! Kinailangan pa siyang i-encourage ni Josef at Nicole para ipagpatuloy ang sit-ups. Sumunod rin ang boys na si Josef, Robi at Jolas na todo exercise rin sa mga machines. Tuloy-tuloy na kaya ang pagsisipag na ito?




Voting is closed!Apr 23, '08 3:11 AM

Voting for this week's nominees is now officially closed. Ano kaya ang dahilan nito? Ano ang bagong pasabog sa bahay ni Kuya? Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!






Kevin at Beauty, friends na ulit!Apr 23, '08 3:02 AM


Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa?

blog comments powered by Disqus