Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 7, 2008

The story behind Priscilla's jersey
Apr 8, '08 12:39 AM



Pagpasok ng mga housemates sa kuwarto ng girls, napansin ni Josef na nakajersey si Priscilla. At ang numero pa nito ay five. Tanong tuloy ng imbestigador na si Josef kung ano ang kuwento ng numerong ito. Dahil hindi sinagot ni Priscilla, ang Lethal Lasallite na ang gumawa ng kuwento. Aba at hindi rin nakaligtas si Priscilla sa pang-aalaska ni Josef - Ang number five daw ay numero din ng basketball player na housemate na si Jolas! Kaya naman si Beauty at si Nikki panay YIHEEEE kay Priscilla! Sino nga ba talaga ang gusto ni Priscilla, si *INO ba na nakatattoo sa likod niya, si Ejay o si Jolas?





Preparing for the weekly task!
Apr 8, '08 12:23 AM



Naghahanda na ang mga boys sa task nila. Dalawang tables ang nakalagay at naglapat sila ng mga gloves dito. Sa isang table kulay pink, sa isa naman kulay blue ang gloves. Mayroon rin mga batsa at puting t-shirts.

Ano kaya ang weekly task ng mga housemates?





Jieriel interrogates Ejay
Apr 7, '08 11:44 PM



Habang naghuhugas ng pinggan si Jieriel, tinanong niya si Ejay tungkol sa totoong tatay niya na Italiano. French daw hindi Italiano sabi ni Ejay. Natawa si Jieriel at nagtanong kung paano kung nagpakita ang French Father ng Promdie Hottie? At paano kung inaya siya na sumama sa France?

Hindi pa man tapos magtanong si Jieriel, Hinding-hindi talaga si Ejay. Mahal na mahal niya si Daddy Erning at hindi niya ipagpapalit ito. Kung magbibigay ng bahay, lupa, at trabaho ang French father, ok lang daw pero kung ang kapalit ay ang pagsama sa France, aba'y hindi na lang.

Mahaba pa ang season at marami pang puwedeng mangyari. Pagkitain kaya ni Kuya si Ejay at ang French father tulad ng nangyari kay Matt Evans sa first season ng PBB Teens?




Nicole and Jieriel calls Josef for help!
Apr 7, '08 11:24 PM



Nagising na lang si Jieriel na mayroon siyang stiff neck! Kaya naman si Josef tinulungan ang Bubbly Girl ng Davao at pinahiran ng gamot ang stiff neck niya. Mukha atang may naipit na ugat sa leeg si Jieriel.

Si Nicole naman mayroong task na binigay si Kuya at nagpatulong siya kay Josef na i-explain ito. Willing naman ang Lethal Lasallite na turuan ang shy In-Chick from Cebu. Very close ang dalawa lately, hindi kaya magselos si Nan na lantarang naghahayag na crush niya si Nicole? Ahem.





Josef the Spy!
Apr 7, '08 10:46 PM



Nahuli ni Josef na nagescapade si Robi at Alex kagabi! Kinuwento ng Lethal Lasallite kay Kevin at Jolas na puyat na puyat ang dalawa dahil may pinuntahan pa kagabi. Hindi nakasama si Nan dahil may injury siya. Hindi pa natigil dun ang pagka-sneaky ni Josef, nahuli rin niya ang mga naglagay ng mga new Jag outfits nila sa loob ng bahay ni Kuya. Papikit-pikit lang daw siya pero huling-huli niya. Mukhang may katapat na si Jieriel sa pagiging imbestigador sa bahay ni Kuya!

blog comments powered by Disqus