Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 28, 2008

Reporting to Beauty
Apr 27, '08 1:53 PM



Matapos makausap si Nikki, diretso naman si josef sa girls room para makipag-usap kay Beauty. Kwento ni Josef, sinabi daw sa kanya ni Nikki na he's worth everything. Sino nga naman daw ang hindi kikiligin dun? Sinabi nya kay Nikki na tutulungan niya ito kausapin si Mommy Sandy, hindi lang tungkol sa kanila kundi pati na rin sa family problems. Sa tanong daw ni Kuya kung ano ang nararamdaman nito kay Nikki, ang sagot ni Josef ay may gusto siya kay Nikki, na lalo pang tumitindi.

Mahirap nga naman pagbawalan... Sabi nga, "Ang pag-ibig, pag nasok sa puso ninoman, hahamakin ang lahat, makamit ka lamang!"

Or sadyang matigas lang ulo nyo. Alam mo Josef... naku, pag-isipan nyo nga yan ng matindi.



Usapang Josef at Nikki, Part 2
Apr 27, '08 1:48 PM






Kung kanina ay sobrang serious ang dalawa, ngayon naman e nakukuha na nilang tumawa at ngumiti. Nagkukulitan na ulit sila at binalikan ang mga dating asaran. Pero hindi pa rin tuluyang nawala ang isip nila sa issue at hand. Sabi daw ni Mommy Sandy, wait. Wag sa loob ng bahay gawin. “What are you doing? You have 2 boyfriends!” Tinanong nito kung nanliligaw si Josef, at no naman talaga ang sagot ng In-Chick.

Sumubo nalang ang nakikinig na si Josef ng tinapay.




Dazzling Doll aspires to dazzle in the fashion world
Apr 27, '08 1:45 PM







Napunta naman sa college plans ang usapan sa loob ng kwarto. Pangarap ni Valerie na amg-aral ng fashion, pero dito niya sa Pinas gusto. Mas marami daw kasing opportunities dito. Pwedeng-pwede sa modeling itong si Val, pero mas interesado siya sa paggawa ng sariling fashion. Idol pa nga niya si Angel Locsin. Gusto din daw niyang mag-aral ng Filipino. Aba, mukhang serious talaga si Val sa pag-stay dito ah!



Alex talks about his girl
Apr 27, '08 1:45 PM






Kamusta naman ang Beauty-Alex tandem? Mukhang no chance na ito dahil usapang gf na ni Alex ang topic nina Beauty, Alex at Val. Purong Pinay ang gf ni Alex at sa dami ng magagandang girls sa bahay, picture pa din ng girlfriend niya ang hinihingi ni Alex kay Kuya, kahit pa may kapalit na task. Kinikilig naman si Val sa love story at gusto nang makita ang nobya nito. Naku, Val, asikasuhin mo na kaya yang love story mo sa bahay?


Stop the sweetness or else… VE!
Apr 27, '08 1:43 PM





Nag-uusap sina Beauty at Valerie sa girls’ room, parehong concerned sa issue ni Nikki. Kanina pa umiiyak ang In-Chick at worried na ang mga girls. Si Beauty ang may inside scoop sa mga thoughts ni Nikki at shi-nare naman niya ito sa Dazzling Doll. Napagsabihan nga daw si Nikki ni Mommy Sandy at winarningan na dapat itigil na ang sweet moments kay Josef o isipin na ang posibilidad ng voluntary exit. Advice ni Beauty ay itigil na nga and retain the friendship. At least, makakapag-usap pa din sila. Agree naman si Val, dahil nga mahirap na rin na sumama ang image ng dalaga sa labas. Yun nga lang, mahirap din baguhin ang relasyon ng dalawa dahil nga nasanay na sila sa ganoong closeness.

Hmm… buti nalang taking it slow kayo ni Ejay no? Or…too slow naman kaya ang problema nyo?


Josef prays for guidance
Apr 27, '08 1:42 PM







Kanina pa tahimik si Josef. Matapos ang nominations (at yes, nasa listahan pa din sya), nakipag-swimming sya sandali sa ibang teens pero mamaya’y umupo sa isang tabi, deep in thought. Nilapitan siya ni Beauty at nag-usap sila sandali (kung tungkol saan, check it out sa PBB official website). Maya-maya, si Alex naman ang lumapit para magpa-translate sa Filipino, at tinulungan naman niya ito. Pero nang si Nikki na ang lumapit at nag-share ng sinabi sa kanya ni Mommy Sandy, tahimik lang ito. Mamaya, tumayo na rin siya at sumama sa ibang teens na nagrorosayo sa sala. Natapos na ang pagdadasal ng iba at nakayuko pa rin si Josef. Parang hindi niya naririnig ang bulungan at kwentuhan ng housemates sa lalim ng pagdarasal nya.

Bukod sa pagpapasalamat, ano pa kaya ang mga ipinagdasal ng Lasallite?'



Beauty is not skin-deep
Apr 27, '08 1:41 PM






Si Beauty na nga ang confidante nina Josef at Nikki, kaya naman first in line ito sa pag-iyak o pagsesenti ng sinoman sa dalawa. Siya lang din ang nakaka-convince sa kanila na mag-share ng mga naiisip. Minsan nagmumukha na siyang bridge kasi nagrerelay din sya ng sentimyento ng isa’t isa. Hindi naman sa pagiging tsismosa, pero dahil gusto nga nya na magkaintindihan ang dalawa by knowing the other side of the story. Gaano man ka-drama itong si Beauty, she puts it aside para sa pakikinig sa iba. At least ang ganda ni Beauty, inside-out.



Mommy Sandy enforces Maria Clara discipline
Apr 27, '08 1:38 PM






Matapos mabalitaan ang kakaibang closeness na nagpapatuloy sa pagitan ng dalaga at ni Josef, obvious na na-bother ito. Comservative daw ang pamilya nila, at hindi siya natutuwa sa nangyayari, kaya naman 2 points agad ang kay Josef sa guardian nomination. Kahit tahimik si Mommy Sandy most of the time, this time ay hindi niya na pinalagpas ang sitwasyon. Kinausap niya si Nikki at sinabing kung gusto nitong respetuhin siya, dapat ay karespe-respeto ang mga actions niya. Pinaalala nito na pareho silang may mga previous commitments sa labas ng bahay. Dahil dito, dapat magtino siya ng kilos.

Buhay pa rin ang konsepto ng pagiging dalagang Pilipina sa disiplina ni Mommy Sandy. Agree ba kayo sa pag-step in ni Mommy Sandy o naniniwala kayong destiny ang pagtatagpo nina Nikki at Josef at dapat hayaan na lang sa panahon?



Usapang GF ni Josef at Alex
Apr 27, '08 4:08 AM



Nagkuwento ang dalawa tungkol sa mga girlfriend nila! Namimiss ng Italian Valentino ang gf niya at humihingi siya ng litrato kay Kuya. Sabi nga lang ni Kuya may kailangan siyang gawin bago makuha ito. Tinanong naman niya kay Josef kung saan niya nakilala ang girlfriend niya. Sagot ni Josef na nakilala niya ang gf sa isang gay friend. Ayon pa kay Josef maraming kilalang magaganda ang gays at friendly siya sa kanila. Tinext niya ang kaniyang gay friend at sinabing ipakilala siya sa isang hot friend at iyon na nga ang naging gf niya. Kung may girlfriend pala ang LaSallite, ano ang namamagitan sa kanila ni Nicole?


Bonding ni Josef at Alex
Apr 27, '08 4:01 AM



Pinag-usapan ng dalawa kung anong gagawin nila paglabas sa bahay ni Kuya. Sagot ng Italian Valentino na pupuntahan niya family niya, lola niya at mag-shopping siya sa Lucena. Kuwento pa ni Alex na sa Pilipinas na siya titira at bibili si Mommy Minda ng bahay dito. Nagkasundo tuloy sila at sinabing sabay sila mag-shopping paglabas. Si Josef na kaya ang kapalit ni Kevin sa pagiging best bud ni Alex?


Valerie's worries
Apr 27, '08 3:28 AM



Nomination night na at alala si Valerie dito. Bukod pa dito, alala rin siya sa nalalapit na Big Night. Ang alam niya 3 linggo na lang ang natitira para sa teens. Ang problema ay marami pa sila na nandoon sa loob ng bahay. Iniisip niya kung magkakaroon ba ng twist si Kuya at 2 ang palalabasin sa isang linggo. Paano nga kaya gagawin ito ni Kuya? Malapit nanaman ang nomination night, sino sa tingin niyo ang manonominate mamayang gabi?


Beauty learns household chores
Apr 27, '08 2:22 AM



Like mother like daughter talaga si Mommy Carina at Beauty! Kung mabusisi si Mommy Carina sa banyo, ganun rin si Beauty. Magkapartner sila ni Alex na naglinis ng toilet habang si Rona naman ang in charge sa shower room. Kwentuhan si Alex at Beauty at nabanggit ng Italian Valentino na miss na niya mom niya. Pero kahit kwentuhan sila, go pa rin si Beauty sa pagkuskos ng toilet! Go Beauty kaya naman pala eh!


Playing the immunity game
Apr 27, '08 12:18 AM



Naglaro na ang mga guardians at teens ng immunity game! Ang mga girls ay may chains na nakapalibot sa ankles nila at kinakailangan sumisid ang boys para buksan ang lock nito. Ang gagawin naman ng mga guardians, kailangang mabasag nila ang mga palayok na naglalaman ng susi ng kandado. Unang team ay si Beauty, Valerie at Mommy Carina at ang isa pang team ay si Daddy Ike, Jolas at Priscilla. Sino kaya ang nagwagi sa game na ito at maliligtas sa nomination mamaya?

Josef, binigyan ng rose si Nicole!
Apr 26, '08 5:21 AM



Kumatok si Josef sa girls' room at binigyan si Nicole ng rose! Naku hindi pala si Kevin ang makakakuha ng mga rose ng girls. Excuse ni Josef na inutusan lang daw siya ni Beauty para ibigay ang rose kay Nicole. Josef ah, if i know. Gulat na gulat si Nicole at natameme ng sandali. Na-touch ang In-Chick from Cebu at napaluha pa dito. Pinatugtugan sila ni Kuya ng kantang "Last Chance" at nag-sweet dance ang dalawa. Taking it to the next level of "friendship" na ba ito?



Kevin tutors Alex
Apr 26, '08 3:37 AM



Very determined si Alex na maaccomplish ang 2,000 Tagalog words at nagpatutor pa ito kay Kevin! Habang binabasa ni Kevin ang Italian word, sinasabi naman ni Alex ang Tagalog counterpart nito.

Hanggang ngayon walang kaalam-alam ang teens sa paglabas ni Kevin mamaya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Alex kung malaman niya na ang kabiruan niya at best friend niya ay aalis na?



Surprise for the teens and guardians
Apr 26, '08 1:49 AM



Pinapunta ni Kuya ang teens sa activity area at sinalubong sila ni Daddy John at ni Kevin! Hug na hug ang mga teens kay Daddy John na tuwang tuwa rin makita sila. Pinaghandaan sila ng mag-ama ng all Filipino lunch. Sila pa pala ang nagsurprise sa teens? Makikitang bakas ang lungkot sa mukha ni Kevin at hindi na siya palabiro tulad ng mga nakaraang araw. Ano kaya ang magiging reaksyon ng teens kapag malaman na aalis na ang fellow housemate?

blog comments powered by Disqus