Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, April 10, 2008

HHWR
Apr 10, '08 3:07 PM



Panay naman yata ang abutan ng kamay nitong dalawang ito at parang wala nang napapnsin sa paligid nila. Pagod na raw ang drama kaya nakatambay sa sofa. In fairness, todo tahi nga naman sila magdamag. Patulog na itong si Josef pero nag-claim ng hand massage itong si Nikki. Konting pilit pa at ianbot na ni Josef ang kamay ng dalaga. Dumaan lang si Robi kaya medyo nagka-break ang HHWR (holding hands while resting) ng dalawa. Mamaya, turn naman ni Nikki na masahihin ni Josef. Aba naman, relax na realx na siguro kayo ano? Hindi akya kalyuhin na kayo sa kaka-masahe?





Sinong type mo doon? Siyempre ikaw lang!
Apr 10, '08 3:03 PM



Kwentuhan sina Beauty at ang Twin Towers habang nagtatahi. Nagkakalokohan kung sinong gusto nila sa bahay. Sabi ni Beauty, wala daw siyang gusto, pero humirit ang nagdadaang Linda na may sinabi daw sya the night before. Kevin claimed na siya yun at simula na ang asarang Pig at Horse. Pinansin naman ni Rona na iba ng tawa ni Jieriel pag si Kevin na ang salita, na binalewala naman ni Jieriel at sabi lang an wag siyang idamay sa mga vibes sa bahay. Sabi ni Kevin, wala daw siyang type sa house. Ang say naman ni Alex, "I have only one type, my girlfriend!" Aww.. talaga namang loyalista ito at halatang miss na miss an ang girlfriend dahil laging napapasok niya ang tungkol dito sa usapan.




The real story of Robi and Rona
Apr 10, '08 2:57 PM




Tanong ni Rona sa Twin Towers, "how did you come up with the Robi thing?" dahil nga palagi na lang siyang tinutukso sa debate opponent nya. Nakita daw siya ni Alex noong may challenge sila sa pool cheering for Robi, na leader ng kbilang group. Si Kevin naman e galing lang sa mga chika ng iba. Ang kwento ni Rona, amazed sila ni Nikki sa bilis ni Robi kaya naman pag-cheer ni Nikki ng "Go Josef!", ang nasigaw niya e "Go Robi!" kasi nga last topic nila sya. Ayun naman pala, very safe ang explanation! Pero... talaga bang yun alng yun, Ate Rona?





Hala, pinaiyak niyo si Ate!
Apr 10, '08 2:51 PM



Pag labas ni Rona sa Confession Room ,narinig niya na nabanggit ang pangalan niya. Pero nang tinanong niya kung anong piang-uusapan about her, sabi naman ng boys, wala yun. Sa sobrang sama ng loob ni Rona, naiyak siya. Nag-worry naman si Priscilla who asked why, pero sabi ni Rona practice daw sa task. Hindi naman naloko si Priscilla. Maya-maya, hinatak na ni Rona si Nikki para tanungin, pero wala namang nasabi ito. napansin ni Alex na hindi matanggal ang inis at lungkot sa mukha ni Rona kaya naman sinundan niya ito sa room, explaining an hindi naman tungkol sa kanya per se, at hindi lang din masabi dahil si Kuya ang kausap ng boys about it. OK lang naman daw kay Rona na pag-usapan siya, pero sana maging sensitive enough sila. Pati si Josef ay nasali sa pagpapaalala ng na-hurt na Ate Rona, na ni-remind silang ok ang jokes, basta ilugar nila. Tsk, lagooot! Ayan kasi!





Manalo, matalo, friends pa din kayo!
Apr 10, '08 2:46 PM



Habang nakatambay sina Ejay at Jolas sa mga guardians, sinulit naman nila ang pakikipag-bonding sa mga ito. Sabi ni Mommy Minda, ayaw daw ng friends ni Alex sa Italy na manalo si Alex, kasi baka matagalan siyang bumalik doon. Agree naman ang boys, dahil mukha nga daw may future sa acting ang Italian Valentino, magaling sa comedy at drama e. Ang advice naman ni Mommy minda, manalo na ang manalo, basta dapat maayos ang samahan. Mas important ang friendship. Agree? Agree!




Teens go Low, Low, Low
Apr 10, '08 3:50 AM



Sa kalagitnaan ng pagiging busy sa pagtatahi ng kanilang mga nagawang tin-dyed shirts ay nagising ang mga teen housemates nang biglang magpatugtog si Big Brother ng Low. Ang lahat ay agad na nag-party mode at itong sina Valerie at Jieriel ay biglang humataw na parang nasa Wowowee lang. Ang iba naman ay mas ginanahan pa sa pagtahi ng shirts dahil nagising na rin sila sa upbeat music ni Kuya.





Baking 101 with Daddy Ike
Apr 10, '08 3:44 AM



Kasama na nga ng mga guardians sina Daddy Hans at Mommy Ningning, pero sina Jolas at Ejay ay nage-enjoy pa rin sa secret place. For this afternoon, naatasan si Daddy Ike na mag-bake ng pandesal. May alam naman pala ang tatay ni Jolas sa basic baking kaya itinuro din niya ito sa ibang guardians. Si Mommy Minda naman ay super willing na matutunan ang paggawa ng tinapay, at nagbiro pang dadalhin niya sa Italy si Daddy Ike dahil mabenta nga ang cakes at pastries doon.





The boys and the men
Apr 10, '08 2:56 AM



Napapasarap na sina Jolas at Ejay sa kanilang stay kasama ang mga guardians. Dahil na rin siguro sa init ng panahon, naisipan ng Promdi Hottie at Gentle Giant na magbabad sa jacuzzi, at sumama na rin si Daddy Ike sa pagpapalamig habang si Daddy Erning ay nasa tabi na nakikipagkwentuhan. Napag-usapan nina Daddy Ike at Jolas ang mga usual boys' stuff tulad ng armpit hairs, shaving, basketball, at syempre, mga girls. Itong si Ejay naman ang kanilang napag-tripan dahil sa kanyang lihim na pagkagusto kay Valerie.

Sige nga mga daddies, pagtulungan niyo ang natotorpeng si Ejay.





Ejay at Jolas sa piling ng mga guardians
Apr 10, '08 12:39 AM




Habang ang mga teen housemates ay kasama ang parents ni Linda, sina Ejay at Jolas naman ay nakasalo sa breakfast ang ibang guardians. Sa wakas ay nadiskubre na rin ng Promdi Hottie at ng Gentle Giant ang "secret place." Super saya naman ni Ejay na makita ang kanyang Daddy Erning at si Jolas naman ang kanyang Daddy Ike. Ang dalawang teens naman ay nagkwento sa kalagayan ng ibang teens sa kabilang bakod.

Sino na lang ba ang hindi nakakaalam tungkol sa secret place na ito?




Reunited ang parents ni Linda!
Apr 10, '08 12:29 AM



Super happy ng umaga ni Linda dahil nagising siya na hindi lang kasama ang kanyang Daddy Hans kundi kapiling din nila ang kanyang Mommy Ningning. Matapos nga ang lampas tatlong taon ay muling nakasama ng Bikini Babe ang kanyang ama, at pakiramdam ni Linda na kulang na lang ang kanyang nakababatang kapatid ay pwede na silang makumpleto bilang isang pamilya sa loob ng bahay ni Kuya. Habang gumagawa ng house chores sina Daddy Hans at Mommy Ningning ay tinulungan na sila ni Nan.

blog comments powered by Disqus