Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, April 25, 2008

Nikki at Josef, nagkatampuhan nanaman!Apr 25, '08 2:31 AM


Nagkatampuhan nanaman ang dalawang magkaibigan! Hindi daw pinapansin ni Nicole si Josef kaya humingi tuloy ang LaSallite ng advice kay Beauty. Paliwanag ni Beauty na naglilinis sila kanina ni Nicole kaya siguro hindi siya inasikaso nito. Intriga pa ni Beauty kung gusto ba ni Josef ang In-Chick from Cebu at sinagot niya naman ito ng Oo! Maya-maya lang si Nicole naman ang kinausap ni Beauty at nag-Bisaya na ang dalawa na pinag-usapan si Josef. Nung pumasok si Josef sa girls' room, kinausap na siya ni Nicole kaya naman laking tuwa rin niya at balik kulitan ulit ang dalawa. Naku naman kayong dalawa! Away-bati away-bati, parang kayo ha?


Teens claim their gold bar!Apr 25, '08 3:19 AM


Magkakaroon ng film viewing sa bahay ni Kuya! Noong isang araw nanalo ang teens sa human slot machine game at ang prize nila ay movie watching. Pumaligid ang teens sa isang clear folder at namili ng papanoorin nilang sine. Choice daw ni Josef, "Tanging Yaman". Josef, ikaw ba yan? Nung nakita nila ang Pacquiao the movie, naghiyawan naman ang mga boys. Ang gusto naman panoorin ni Valerie ay "Wag kang Lilingon". Pinagbigyan ng teens si Valerie at ito na nga ang papanoorin nila. Horror movie sa hapon? Hmm.. Why not?


Beauty, hinalikan si Alex!Apr 25, '08 4:16 AM


Mukhang nainggit ata si Beauty sa love life ng best girl bud na si Nicole kaya biglang hinanap si Alex. Habang nagkukulitan si Nicole at Josef, niyakap ni Beauty si Alex at hinalikan pa ito sa pisngi! No reaction si Alex pagkatapos pero nung naghiwalay na sila ni Beauty mukhang napa-skip siya sa saya! Nako iba na talaga yan ah!


Jolas and Ejay, new best buds?Apr 26, '08 12:13 AM


Bonding kung bonding ang dalawa ng buong umaga! Todo kwento itong si Ejay tungkol sa barkada niya. Kinig naman si Kuya Jolas at tawanan to the max ang dalawa. Nung wala na silang mapag-usapan, napakanta si Ejay ng "How Did You Know" at nag-duet ang new best buds. Pinatugtugan tuloy sila ni Kuya at nagtaka ang mga housemates kung para kanino daw ba ang kanta at sabi nila, dedicated sa kanila ni Kuya. Sosyal kayo boys ah, special attention kay Kuya!


When she cries...Apr 26, '08 12:21 AM


Nang patugtugin ni Kuya ang kantang "How Did You Know", hindi napigilan ni Valerie na ma-touch at maiyak. Nagsolo siya sa pool at umiyak ng mag-isa. Nilapitan siya ni Ejay at tinanong kung bakit siya umiiyak. Sabi naman ng Dazzling Doll, naalala lang daw niya at namimiss niya ang parents niya. Nagpaka-gentleman naman itong si Ejay at inabutan siya ng maraming tissue at tinahan siya. Ilang beses na rin naiyak si Valerie dahil sa mga magulang niya, magplano kaya si Kuya na pagkitain si Valerie at nanay niya?


Flowers for Kevin?Apr 26, '08 12:35 AM


Mapapansin na lahat ng girls ay may dala-dalang red roses. Mapaiyak man sila o ano, hindi talaga nila binibitawan ito. Ano kaya ang binabalak na surprise at tribute ng teens para kay Kevin na aalis na mamaya? Gaano kaya maaapektuhan si Alex at Beauty sa pag-alis ng best friend nila? Kayo, nanghihinayang ba kayo na aalis na ang Spanish Stallion?


Puna ni Jolas at Robi kay BeautyApr 26, '08 12:41 AM


Napansin ng dalawang boys na tumataba na si Beauty. Sabi pa ni Jolas na nung unang pumasok si Beauty sa bahay, wow ang sexy daw pero ngayon ang taba na niya. Payong kaibigan naman ni Robi kay Beauty na magpapayat na siya. Tahimik lang si Beauty at mukhang problemado sa bumibigat na timbang. Nako boys mamaya maging anorexic iyan si Beauty dahil sa inyo!

blog comments powered by Disqus