Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 14, 2008

Mga Kuyanatics, lilipat na tayo ng bahay!
Apr 15, '08 2:26 AM


Mga avid followers of pbigb! Maraming salamat sa inyong pagtangkilik dito sa ating munting lugar sa multiply. At dahil sa dami na ng Kapamilya natin dito, di na tayo kasya sa ating maliit na bahay! Kaya lipat bahay na tayo Kuyanatics!

Move na Here: http://pinoybigbrother.multiply.com



Teens Blind Mice
Apr 15, '08 4:18 AM


Kamusta naman ang outfit ng teens ng Three Blind Mice? Ang unang batch na sumabak sa maze ay si Linda, Kevin at Beauty. Bawal hawakan ang mga lubid dito at kailangan lang nila gamitin ang mga baston na hawak nila. Senior citizens tuloy ang feeling ng teens sa mga black bastons nila at sa pangangapa sa buhol-buhol na maze! Mahanap nga kaya nila ang exit sa maze na ito? Abangan mamaya ang Uber para malaman kung wagi ang first batch of teens!



The search for the missing blindfold
Apr 15, '08 3:45 AM



Nawawala ang isang blindfold na gagamitin ng housemates sa task! Kailangang magpractice ang housemates para sa weekly task nila na Three Blind Maze pero hindi sila makasimula. Kailangan nilang mahanap ito at si Ate Rona ang pursigido sa pagtingin sa mga sulok ng kuwarto. Ganoon na kaya ka-kalat sa loob ng bahay ni Kuya at maraming bagay ang nawawala? At hindi kaya ang nagtago ng noodles ang siya ring nagtago ng blindfold? Hmm.




Priscilla at Valerie inakusahang kumuha ng noodles!
Apr 15, '08 12:12 AM



Nagtipon ang housemates sa living room para pag-usapan ulit ang dating nawawalang noodles. Pero ang bago sa usapang ito, mayroon nang tinukoy na posibleng salarin! Si Priscilla at si Valerie ang mga tinanong ng housemates kung sila nga ba ang kumuha ng noodles. Pakiramdam tuloy nila na inaakusahan sila dahil pinapaamin sila ni Kevin. Isa lang naman ang tanong ni Kevin: Ano ang ginagawa ng noodles sa jar?

Ang orihinal na lalagyan ng noodles ay sa loob ng cabinet kaya kataka-taka ang mga noodles sa loob ng jar. Sabi ni Kevin nakita niya si Valerie na kumukuha ng noodles dito. Paliwanag naman ng Dazzling Doll na binuksan lang niya yung jar para ilipat yung noodles. Pumasok na lang ang dalawang girls sa Confession Room para magpaliwanag kay Kuya na wala sa teen housemates ang kumuha ng noodles.

Mahanap na kaya ng teen housemates kung sino ang nagnakaw ng noodles? At tuluyan kayang mahiwalay ang loob ng teen housemates sa isa't-isa dahil dito?




Nicole at Josef, nagmomoment!
Apr 14, '08 10:57 PM




Panay kulitan ang dalawang teen housemates sa living room! Hindi pa man gising na gising ang dalawa pero nagkukulitan na. Kinakagat ni Josef sa braso si Nicole at inaasar naman siya ng In-Chick from Cebu na gagantihan niya ang makulit na Lasallite. Hindi naman niya matuloy ito dahil umaaray na agad si Josef. Kayong dalawa ah iba na ito! At paano naman kayo makakatulog ng maayos niyan kung panay ang kulitan?





Sa magkaibang mundo
Apr 14, '08 2:38 PM





"Plus-minus" ang description ni Valerie sa kanilang dalawa ni Ejay. City girl sya samantalang , kahit hottie, promdi ang binata. Foreigner sya at native na si Ejay. Type nya yung hindi masyadong seryoso, 'yung kaya syang patawanin... e ito namang si Ejay ay on the quiet side at may pagkaseryoso. Kung magpatawa naman sya, hindi ma-gets ni Val dahil nga sa language barrier. Naku, may pag-asa pa bang maka step-up man lang itong si Promdi Hottie Ejay?



Dora and Boots
Apr 14, '08 2:32 PM






Chikahan ng chikahan ang magkaibigang Pris at Val. Kahit pa trapped sila sa secret place (check nyo nalang ang PBB official website for details) ay tuloy ang chika nila about boys. Si Val nag-share na about Ejay. Si Pris naman ay naalala ang ex na si Dino. Nung pina-kumpara ni Val si Dino sa in-house crush ni Pris na si Jolas, sabi nito ay di hamak na mas lamang ang ex niya. Macho at gwapo daw talaga ito. Ang description ni Val kay JOlas, teddy bear. Kinontra naman ito Pris at sinabing monkey daw ito. Kasi sya daw si Dora, with her best buddy: Boots the monkey! Alam mo, Pris, hindi ko lang sure kung matutuwa si Jolas na ginawa mo syang unggoy e..




Kevin's extra "hair"
Apr 14, '08 2:24 PM





Nagkukwentuhan sina Beauty (aka "the pig" --- term of endearment na talaga yata sa kanya ito ng Twin Towers, kasi hindi naman na-ooffend si Beauty. In fact, tawag na din niya sa sarili nya to! Good sport naman kasi itong si Beauty) at and Twin Towers nanag mapansin ni Beauty na puro libag yata ang batok ni Kevin! Pagpasok ni Robi, kinumpirma pa nya na dati pa niya nakita yun, pero akala nya part lang ng hairstyle ni Kevin. Bigla naman na-conscious ang Spanish Stallion kaya nagmadaling kumuha ng mirror para tignan kung totoo nga. Tsk... try mo kaya ang traditional batong panghilod, Kevin?





Ang tamang daan ayon kina Robi, Rona, at Kevin
Apr 14, '08 3:50 AM



Matapos pagtiyagaan nina Robi, Rona, at Kevin na pag-aralan ang malawak na maze sa activity area ay bumalik sila sa pool para ituro sa ibang housemates ang tamang daan para makalabas sa maze. Idinitalye ng tatlo ang mga point kung saan dapat ay mag turn sa left o sa right, at mayroon ding zigzag na daan. Nakadalawang matagal na subok sina Robi, Rona, at Kevin sa maze, at mukhang delikado pang makalimutan nila ang tamang daan. Ang ibang teens naman ay parang hindi naa-absorb ang mga instructions ng tatlo dahil wala silang mental picture ng actual maze.




Big Brother Bikini Open
Apr 14, '08 3:35 AM



Sa kalagitnaang ng masayang pagsi-swimming ay napagkatuwaang ng mga teen housemates na gumawa ng ala Bikini Open show sa paligid ng pool. Syempre naman ay nanguna dito si Linda na expert na sa mga bikini fashion shows, at hindi rin nagpahuli ang beauty titlist na si Priscilla. Ang mga boys naman ay feeling mga Bench underwear models especially ang dalawang matangkad na sina Ejay at Jolas. Pero ang palabirong si Josef ay muli namang hinaluan ng kalokohan ang kanilang show kuno. In fairness naman ay confident ang Lasallite sa kanyang skimpy swimming trunks.





Weekly Task: Three Blind Maze
Apr 14, '08 3:21 AM



Sa pagsisimula ng week four sa loob ng bahay ni Kuya ang ibinigay na ang bagong weekly task sa mga teen housemates. Sa Three Blind Maze, may hanggang Friday ang mga teens para pag-aralan ang isang mga malaking maze habang naka-blind fold. Kailangan nilang kabisaduhin ang pasikot sikot sa maze at sa Friday ay pipili sila ng tatlong housemates na papasok sa maze na nakapiring ang mata. Kapag isa sa tatlong representatives ang hindi makatapos ng maze sa nakatakdang oras ay talo sila sa weekly task.

Hindi kaya magkaligaw ligaw ang mga teens sa task na ito ni Kuya?

blog comments powered by Disqus