Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, April 22, 2008

Happy na si Daddy John!Apr 23, '08 2:20 AM


Masayang masaya si Daddy John na lumabas sa confession room! Sinabi niya kay Mommy Minda na nakausap na raw niya si Kuya at masaya na siya. Minasahe pa niya tuloy si Mommy Minda sa hindi maikubling tuwa. Comment naman ni Mommy Minda: "Kailan ka ba naging malungkot? Kung wala lang pagkain, dun ka lang naman malungkot." In fairness, panalo talaga sa hirit si Mommy Minda!




Problema ni BeautyApr 23, '08 12:47 AM


Kaya pala hindi jolly at perky si Beauty ngayon ay dahil hindi siya maka-happy pupu. Tanong ni Robi kung ilang Dulcolax na daw ba ininom niya at baka raw kasi isang linggo na iniipon ng Rebellious Beauty ang mga pagkain. Asar talo tuloy si Beauty kay Robi at Nan na gumagawa ng mga theories kung bakit hindi siya maka-happy pupu. Kesyo acid na raw ang laman ng tiyan niya at kung ano-ano pa. Naaliw naman si Beauty sandali kaya pansamantalang nakalimutan ang problema. Gayahin dapat ng guardians ang teens, tamang biruan lang!




Issue ni Tita Anna kay Daddy JohnApr 23, '08 12:00 AM


Matapos kausapin si Mommy Minda, si Daddy Ike naman ang kinausap ni Tita Anna. Iba pa niyang issue kay Daddy John ay tungkol sa kultura. Inusisa ito ni Daddy Ike at ang binigay ni Tita Anna na halimbawa ang sinasabi ni Daddy John na hindi niya maintindihan ang kultura dito: konting ulam, maraming kanin. Naku naman guardians, pati pagkain? Bukod pa dito ay madumi daw maglaro si Daddy John at napansin rin daw ito ni Mommy Carina. Ang kay Daddy Ike lang naman, sayang ang araw nila doon sa bahay kung parati silang nag-aaway. Oo nga naman guardians, listen to Daddy Ike!




Priscilla cooks for JolasApr 22, '08 11:16 PM


Birthday na ni Jolas bukas! Kaya naman nag-extra effort si Priscilla para lutuan si Jolas ng paboritong ulam na adobo at lechong kawali. Habang ang mga boys tuloy ang usap sa labas at ang ibang girls wala pa sa mood, tuloy si Priscilla sa paghihiwa ng mga kasangkapan para sa putahe. Mukhang special attention ito ah! 'Di kaya magselos ang Lino at Dino ni Priscilla niyan?




Depensa ni Tita AnnaApr 22, '08 10:26 PM


Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don't treat me like **** because your mother treated you like that." Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na!




Teens, dapat bigyan ng mahirap na task?Apr 22, '08 10:12 PM


Pinag-uusapan ng guardians ang mga teens nila at ang tatamad raw ng mga ito. Makalat at madumi ang napag-iwanan nilang bahay. Nagkasundo tuloy si Mommy Sandy at Mommy My Love na kailangan pahirapan ni Kuya ang mga teens pagdating sa household chores. Agree rin ba kayo dito?

blog comments powered by Disqus