Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 7, 2008

Choreography ni Jieriel
Apr 7, '08 2:03 AM



Pinagbigyan ni Kuya ang girls na ipasok ang dance steps nila sa choreo ni Jolas ng Bunot Dance. Si Jieriel naman ang namahala dito. Gustong ipasok ni Linda ang ideya niya ngunit mukhang hindi siya pinagbibigyan ni Jieriel. Kaya naman napaupo na lang ito sa sofa. Dagdag ni Nicole na mahirap ang itinuturong steps ni Jieriel. Ilang minuto na lang bago isayaw ang buong Bunot Dance kay Kuya. Magets kaya ng boys ang steps sa pamumuno ni Jieriel?




The Bunot Dance!
Apr 7, '08 1:11 AM



Imbis na mabugnot sa pagbubunot, ginawan na lang ito ng sayaw ng housemates! Si Kuya Jolas ulit ang namuno dito at tinuruan sila ng mga steps. Game naman ang iba at sumayaw rin sila. Ang creative at sipag naman ng teen housemates! Pati ba naman ang bunot, napag-isipan pa nila? At hindi kaya may hidden desire si Jolas na maging dancer at hindi basketball player? Hmmm...




Nicole stains Rona's sheet!
Apr 7, '08 1:00 AM



Aksidenteng namantsahan ng In-Chick from Cebu ang kama ni Rona! Nung naglinis sila ng girls' room, nalagyan ni Nicole ng liquid floorwax ang kama. Hindi nila ito sinabi kay Rona at ang unang tinakbuhan ni Nicole ay si Jieriel. Tinulungan naman ni Jieriel si Nicole na labhan ang bedsheet at maya-maya nagpaka-independent na ang shy In-Chick. Kaya na raw niyang labhan ito. Naku kailangan pa naman nilang alagaan ang mga gamit sa loob ng bahay. Ano kaya ang magiging punishment ni Nicole dito?





Operation Bunot!
Apr 7, '08 12:26 AM



Pinatawag ni Kuya si Robi, Ejay, Jieriel, Kevin, Jolas, Nicole at Linda sa confession room. Paglabas nila ay may dala-dala silang mga bunot! Si Jieriel sanay na sanay na dahil general cleaning every Friday sa kanila. Aba at sinamahan pa ng pagkanta at pagsayaw ang pagbubunot ha? Kamusta naman kaya ang iba? Alam kaya nila kung paano gamitin ito lalo ang sheltered In-Chick from Cebu na si Nicole? Paano naman kaya si Kevin na ngayon lang siguro nakakita ng bunot?




Just another manic monday!
Apr 7, '08 12:14 AM



Matapos ang pagpupuyat kagabi, hirap na hirap gumising ang mga housemates! Ang hirap nga naman gumising kapag Monday diba? 11 na ng umaga at tulog na tulog pa ang teens. Para magising sila, nagpatugtog ng malakas si Kuya. Una ay ang "Kabataang Pinoy" na kahit antok pa ang mga boys tumayo na rin sila at sumayaw. Pagkatapos nito ay natulog ulit. Ang girls gising na gising na at sayaw na sayaw pa! Si Rona, Valerie at Priscilla a la clubbing na sayaw sa "Manic Monday" na 80's song. Kamusta naman ang oldies song na pampagising ni Kuya?




Rebelasyon ni Beauty
Apr 6, '08 11:43 PM



Aminado si Beauty na iba ang love sa dad niya kaysa mom niya. Ginagawan niya ito ng sandwich, ginugupitan ng kuko at minamasahe. Kaya nung nagkatampuhan ang parents, hindi itinuloy ng daddy ang pag-alis ng Pilipinas dahil sa anak.

Very busy ang dad ni Beauty at parating nasa farm. Paliwanag naman ni Robi na ganoon talaga ang businessmen - parating iniisip kung paano palalakihin ang business. Sagot naman ni Beauty na hindi lang daw pera ang gusto niya kundi attention. Kung mabuti ang gawin niya, very good lang ang comment ni daddy. Kaya naman parati siyang pasaway para pansinin siya. Pero ngayon I'm sure pansin na pansin ka na ng sambayanang Pilipino!





5 Nominees - Sino ang dapat manatili?
Apr 6, '08 9:18 AM




Lima nga ang unang nominees ng PBB Teen Edition Plus, sina Jieriel, Linda, Josef at sina Priscilla and Valerie na naautomatic nomination dahil sa paglabag nila sa batas ni Kuya. Hay ang lungkot diba parang ang bilis ng panahon me mahihiwalay na sa kanila in a few days...

Well, it's time to vote for your favorites friends!

BB Jie
BB Linda
BB Josef
BB Pris
BB Val

To vote for your favorite housemate just text BB (name of housemate) and send it to 2331 (globe, sun, tm) and 231 (smart and talk n text)

Voting is now also available for our Kababayans in UAE! Text BB (name of housemate) and send to 4200 for Etisalat subscribers

blog comments powered by Disqus