Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, April 29, 2008

Nicole and Josef, together still?
Apr 30, '08 1:27 AM


Bagaman nakausap na ni Mommy Sandy si Nicole, tuloy pa rin ang closeness nila ng best boy bud. Affectionate pa rin ang dalawa sa isa't-isa at sa katunayan ay nagpamasahe pa si Nikki sa LaSallite. Ano kaya ang susunod na sasabihin ni Mommy Sandy kapag nakita ito?


Let's do the chicken dance!
Apr 30, '08 1:12 AM



Sayaw na sayaw si Val at Ejay sa kantang Boomtarat-tarat! Spontaneous dance ito pero in fairness sa kanila, sabay sila. Mabilis na nakuha ng Promdie Hottie ang steps at napantayan agad ang Dazzling Doll. Habang abala ang ibang teens sa bigas task, enjoy naman ang dalawa sa labas. Isa rin kaya itong punishment ni Kuya?


Teens struggle with the task
Apr 29, '08 10:49 PM



Nahulog ng teens ang bigas! Bawal pa naman dahil hindi puwedeng aksayahin ito. Kailangan nilang pulutin ang kalat-kalat na bigas gamit pa rin ang chopsticks. Mukhang nakalimutan ito ni Rona at kumuha siya ng tissue para pulutin ito. Pinaalala sa kaniya ni Kuya na gamitin ang kaniyang chopsticks at ikalat ulit ang bigas sa sahig. Good luck housemates! Teamwork talaga ito!

Rona goes "Tiktilaoook!"
Apr 29, '08 10:32 PM



Kapansin-pansin na habang naglilipat ang teens ng bigas sa mga supot, tilaok ng tilaok si Rona. Bawat salita niya ay tinutuldukan ng isang malakas na "Tiktilaok". Kahit na tinatawag lang niya si Ejay, sinasabi pa rin niya ito. Hindi kaya dapat siya ang magsuot ng costume ni Ejay?

Another punishment for the teens
Apr 29, '08 10:18 PM



Bukod pa sa bigas task ng teens, pinagbawalan silang uminom ng C2, Coke at kumain ng favorite Nissin noodles. Si Robi ang inatasan na magsabi sa teens at magtanggal ng pagkain sa ref para ilagay sa storage room. Kung nung isang linggo, gulay diet sila, ngayon, water therapy na! Mukhang si Beauty lang ang matutuwa sa punishment na ito.


Bigas task ng teens
Apr 29, '08 10:13 PM



Punishment ni Kuya sa teens na ilagay ang isang sakong bigas sa loob ng 50 brown paper bags na gamit lang ang chopsticks. Bawal rin nila gamitin ang dining table ngayon at paglalagyan lang nila ito ng mga paper bags. Unang batch na naglipat ng bigas ay si Rona, Nicole at Jolas. Ano kaya ang nagawa ng teens at binigyan sila ng ganitong kahirap na punishment? At magawa kaya ito ng teens bago sumikat ang araw bukas?


Tinkering with their new toy
Apr 29, '08 3:22 AM



May bagong laruan ang housemates at guardians! Binigyan sila ni Kuya ng mga remote control cars at enjoy ang lahat dito. Pati si Mommy Minda patawa-tawa na sinasabing hindi niya alam kung paano gamitin iyon pero tuloy pa rin naman ang laro. Sa teens place naman nag-racing si Jolas, Nan at Alex sa RC cars. Enjoy it while it lasts housemates!

The two chickens get a special harana
Apr 29, '08 1:07 AM



Nagsolo si Val at Ejay sa girls' room at mukhang may hang over pa si Ejay sa date kagabi. Habang nagkakaseryosong usapan na ang dalawa, biglang pumasok si Robi, Nan at Alex! Kinantahan ng tatlong boys ng "Harana" ang dalawang teens kaya natawa tuloy sila. In fairness to Alex, alam niya ang lyrics ng Tagalog song. Tuwang tuwa si Valerie sa surprise ng boys at pagkatapos nila nagcompliment siya ng "Mahusay!". After 5 minutes daw babalik ulit ang boys para kantahan sila ng bagong song. Ano nanaman kaya ang pakulong ito ng boys?


Beauty gives Josef advice
Apr 29, '08 12:56 AM



Tinanong ni Beauty si Josef kung ano ang mga plano niya kay Nicole sa susunod na araw. Sagot ni Josef na wala pa daw. Kinausap ng masinsinan ni Beauty ang Lethal LaSallite at kinuwento ang side ni Nicole. Ayon kay Nicole, gusto na lang niya maging best friend si Josef at wala na daw affection na kasama. Para kay Josef naman gusto na lang niya muna iwasan si Nikki. Todo insist naman si Beauty na kausapin ni Josef si Nicole na parang kausap niya si Rona at Valerie. Kailangan magkausap ang dalawa dahil hindi mapakali si Nikki kung hindi. Sa katunayan ay naiiyak siya kapag hindi siya pinapansin ni Josef. Malabo na ang "friendship" ng dalawa ngunit halata pa rin ang malalim na pagtitinginan sa isa't-isa. Saan kaya hahantong ang relasyong ito?

blog comments powered by Disqus