Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, April 20, 2008

Luis, where art thou?
Apr 20, '08 2:31 PM



Matapos ang konting bonding at midnight dinner with the teens, ipinatawag ni Kuya si Luis sa Confession room. Maya-maya, nagpaalam na ito at umalis, tangaya ng mga gamit nya (plus ang unan na sininghot-singhot muna ng girls bago tuluyang ibalik sa kanya). Iniisip pa ng teens kung nakitulog lang ito sa kabilang bahay o umalis na talaga. Baka kasi tinakot lang ito ni Kuya na magiging houseguest. HIndi pa rin mawala ang kilig factor na dala ng appeal ni Luis, kaya naman nagchikahan ang girls ng info about Luis hanggang umaga: mula sa pagiging Cosmo guy nya hanggang sa sinong kukuha ng twalya niya pag-alis ng PBB. Naku naman, Luis, grabe ang apppeal mo ha! I'm sure, kiniklig ka naman dyan!


Happy Birthday, Luis!
Apr 20, '08 2:23 PM



In honor of Luis' birthday, pinaghandaan siya ng cake ng housemates. PInapasok sya ni Kuya sa loob ng bahay para magf-blow ng candles, at dun pa lang e mejo kabado na yung itsura nitong si Luis at hesitant pumasok. True enough, instant houseguest sya sa mismong birthday nya! Good sport naman si Luis at go lang sya. Naghintay pa ng gabi ang houseamtes at binati sya ng happy birthday. Hahayaan ba ni Kuya na walang handa itong si Luis? E di ayun at pasta at pizza party ang lahat, with matching dessert pa!




Valerie, can you be my textmate?



Magkatabi lang ng kama sina Ejay at Valerie, at once again, nagkakakwentuhana ng dalawa. Umabot na sa point na wala nang masabi si Ejay
Ejay: Wala na kong masabi.
Valerie: Meron pa.
Nan: Oo nga..diba, Val, meron pa?

Ejay, nag-isip for a bit.

Ejay:Valerie, can you be my textmate?
Nan: Wala kang cellphone.
Ejay: Ah, ganon ba? E di.. Valerie, can you be my...
Nan: Girlfriend?
Ejay: Ayy... asawa? ina ng mga anak ko?

Naku ha..may ganon?! Ano nga ba ang gusto mong angyari kay Valerie ha, Ejay?





Josef bonds with the guardians
Apr 20, '08 4:29 AM




Kung nagluluto ang housemates sa kabila, nakikipagbonding naman si Josef sa mga guardians. Naku kung alam lang ng teens na enjoy naman pala si Josef kasama ang mga guardians. Habang kumakain si Tita Anna at si Josef, binibigyan sila ni Mommy Carina ng kaniyang recipe ng calamares. Kailangan daw marami ang oil. Ayan na nga ba sinasabi ko, kaya nagkakahigh blood ang mga guardians dahil mahilig sa mamantikaing pagkain!

Pinag-usapan rin nila ang nominations mamayang gabi. Kailangan ng maraming text votes para mapanatili ang nominadong housemate sa bahay. Ilang oras na lang bago ang pinakaaantay na nominations. Sino sa tingin niyo ang mga karapat-dapat na ma-nominate?




Alex goes Abakada
Apr 20, '08 2:45 AM



Pursigido si Rona na turuan si Alex kaya naman back to basics ang dalawa. Tinuruan ni Rona ang Italian Valentino ng Abakada. Hindi kaya magselos nanaman nito si Beauty? In fairness, mukhang gusto ngang maging totoong Pinoy ni Alex kaya attentive siya sa pakikinig sa Tagalog enunciations ni Rona. Mapasa kaya ni Alex ang test ni Kuya na 2,000 Tagalog words? Good luck Alex!





Food delivery!
Apr 20, '08 2:11 AM



Kakaiba rin ang paghatid ng pagkain sa teens ngayon. Imbis na iwan ni Kuya sa storage room, inilambitin pa niya ito para kunin ng teen housemates. Si Kevin, Nan at Robi ang mga nanguna sa pagkuha ng nakalambitin ng pagkain. Makaraan ang ilang minuto, success ang tatlo at napacheer ang ibang housemates. Talaga nga namang ipinapakita ni Kuya sa teens ang value ng pagkain sa ganitong paraan. Sa mga nakaraang linggo, nakita na medyo sinasayang nila ang pagkain, ngayong pinaghirapan nila kunin ito, pahalagahan na kaya nila ito?





Daddy John, sinimulan na ang secret sacrifice!
Apr 20, '08 1:03 AM



Nakumbinsi na ni Daddy John ang daddy ni Jolas na si Daddy Ike para gupitan ang kaniyang buhok. Si Daddy Ike, naka-mohawk style! Kamusta naman iyon. Natawa tuloy si Mommy Minda at Daddy Erning sa kakaibang hairstyle na ito. Hindi makita ni Daddy Ike ang itsura sa salamin kaya pinagbasehan na lang ang itsura ni Mommy My Love na masama raw ang mukha nung nakita ang new haircut. Si Daddy Erning patawa-tawa pa, naku daddy kung alam mo lang na ikaw na ang susunod diyan!




Kevin, sinita si Rona
Apr 20, '08 12:27 AM



Mahilig kumanta si Rona at ngayon she's in one of those moods. Todo kanta siya ng mga worship songs nang bigla siyang sinutsutan ni Kevin. Huwag daw siya kumanta dahil may mga taong gustong makatulog. Natahimik si Rona sandali pero maya-maya lang ay kumanta ulit. Bagaman alam ni Kevin na maraming housemate ang naiinis sa kaniyang pagiging offensive, tuloy pa rin siya sa mga ganitong klaseng gawain. Maging rason kaya ito para i-nominate ng housemates ang Spanish Stallion mamaya?




Nakakatawa na ulit si Josef
Apr 19, '08 9:52 AM



Makikita talaga sa mukha ni

Josef ang relief nang malaman ang desisyon ng kanyang tita. Nga lang di niya pwede ishare sa HMs ang good news dahil kelangan muna niya lumagi sa side ng mga guardians...

Ano kayang iisipin ng mga teens sa di pagbalik ni Josef? Hanggang kelan si Josef sa kabilang bahay?





Tita Anna asks for a second chance
Apr 19, '08 9:35 AM





Tita Anna finally confessed that one of the reasons she wants to leave is because of her conflict with Kevin's father. She explained that his issue with her is adding to the burdens she is feeling; missing her family, her mother's death anniversary and having someone she can really talk to. She asks Kuya to give her a second chance and Big Bro agrees with a condition. If she asks to exit again, he will not ask questions or give choices but will just let her go together with Josef.




Poor Josef
Apr 19, '08 9:13 AM



Nakausap pala ni Josef ang kanyang Daddy para tanungin kung bakit si Tita Anna niya ang kasama niya sa loob ng bahay. Nalungkot ito kasi last resort lang pala si Tita Anna dahil walang pwedeng sumama sa kanya. Nanghihinayang kasi si Josef sa hirap na pinagdaanan niya para makasali sa PBB at parang walang pakialam dito ang kanyang tita. Naicompare tuloy niya ang parents niya sa daddy ni Jolas na iniwanan ang trabaho para lamang matuloy ito at me makasama sa PBB.

Paano na nga ba si Josef?




I don't wanna miss a thing...
Apr 19, '08 7:21 AM



Lumipat ng kwarto ang nagpapoging si Alex with Josef para kumuha pa ng ilang styling aids. Pumasok si Rona sa room at natawa na lang sa eksena ng dalawa na nagaayusan ng buhok. Kapansin pansin na nakasunod nanaman si Nicole kay Josef, pero wala itong imik.

Biglang napakanta si Rona ng "I Don't Want to Miss A Thing"...parinig ba ito or nataon lamang?





Apple cut?
Apr 19, '08 7:11 AM



Yan ang natanong ni Robi kay Alex habang inaayusan siya ni Josef ng buhok. Mukhang bagong gupit ang housemate kaya nagpatulong ito sa fashion/beauty guru ng mga boys na si Josef. Plinaplantsa ni Josef ang "bangs" ni Alex and Robi asked him kung siya rin ay nagplaplantsa araw araw. "Di no," sagot ni Josef, "pagumaalis lang. Sobrang tamad ko kasi eh."

Aba natamad ka pa ng lagay na yan Josef ha!




Josef, nagiimpake na!
Apr 19, '08 5:24 AM



Pinag-impake na ni Kuya si Josef! Nagulat si Robi dahil akala niya bukas pa ang alis ni Josef. Iyon din ang akala ng Lethal Lasallite kaya naman nabigla rin siya nang sabihin ni Kuya na magbihis siya at mag-impake na. Very hopeful naman si Jolas na nagsabing "porket pinag-impake lang, aalis na ba yun?" Malungkot ang mga teens na nakapalibot sa Lethal Lasallite at si Rona napaiyak na lang. Si Beauty at Priscilla naman tameme na nakatingin sa nagaalsabalutan na si Josef. Tuluyan na nga bang aalis ng bahay si Josef?




Valerie and Ejay get close and comfy
Apr 19, '08 2:42 AM



Very open ang dalawa at napag-usapan pa ang ex-girlfriend ni Ejay! Hindi nahiya si Ejay na sabihin na ang dating tawagan pa nila ay "asawa ko". Gusto sana makita ng Dazzling Doll ang ex-gf kaso nga lang walang dalang picture si Ejay. Nagdescribe na lang tuloy ang Promdie Hottie kung ano ang itsura ng dating girlfriend: black beauty, long hair, chubby at mas matangkad pa kay Valerie, mga 5'10 ang height. Tanong ni Valerie kung mahilig ba sa sports ang girl at todo OO naman si Ejay. Sa katunayan ay MVP pa ng volleyball ang girl. Halatang-halata na sobrang curious ang Dazzling Doll, 'di kaya nagseselos siya sa ex-gf?





Tsismis ni Beauty
Apr 19, '08 1:40 AM




Si Beauty na ang bagong tutor ni Alex sa Tagalog! Kaya naman more bonding moments para sa dalawa. Sa pag-uusap nila kanina nabanggit ni Beauty na mayroon daw na may masamang amoy sa teens. Naku naman dahil ba ito sa maikling shower time para sa kanila? Tanong ni Alex kung siya daw iyon at sagot naman ni Beauty na hindi. Basta meron daw pero secret lang niya iyon. Hmm kayo talaga housemates, dapat maximize niyo rin ang shower time!




Si Priscilla naka-hair extensions pala?
Apr 19, '08 1:31 AM



Hindi mapakali si Priscilla simula nung tanggalin ni Rona ang hair extensions niya. Nadagdagan pa ito nung nagcomment ang "Boots the Monkey" ni Priscilla na si Jolas na mas maganda daw nung long hair pa siya. Walang pasubali na sinabi ni Priscilla na ibabalik naman daw niya ang hair extensions dahil yun ang gusto ng love interest niyang si Lino. Kayo, ano sa palagay niyo ang mas bagay kay Priscilla?





Josef, aalis na bukas?
Apr 19, '08 1:20 AM



Nag-uusap si Rona, Priscilla at Nicole tungkol kay Tita Anna na malubha na ang sakit na UTI. Tanong ni Rona kay Nicole kung aalis na daw ba si Josef bukas dahil gabi-gabi ay umiiyak ang Lethal Lasallite. Inusisa rin ng Top Debater ang katanungan ng lahat: paano na si Nicole kung umalis na si Josef? No comment naman dito ang In-Chick from Cebu. Totoo nga kaya na aalis na si Josef bukas? Abangan.





Teens groove to "Kabataang Pinoy"
Apr 19, '08 1:09 AM



Bagaman mabagal ang hapon at mukhang pagod ang mga teens, nagsitayuan pa rin ang lahat nung pinatugtog ang theme song nila. Tumigil si Priscilla at Rona sa pag-aayos ng buhok nila para lang maki-join sa iba. Lumabas rin lahat ng teens sa mga kuwarto para sama-samang isayaw ito sa dining area ng guardians. Mayroon pang comedy na step si Robi at Alex na talaga namang nagpatawa sa mga teen housemates. Panoorin ang sayaw na ito mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!




Problems on budgeting
Apr 18, '08 11:50 PM



Inatasan si Nan, Alex at Nicole para asikasuhin ang pagbudget ng mga kakainin nila sa susunod na linggo. Bawal daw makialam ang ibang housemates kaya naman tiningnan lang nila ang tatlo. Hirap ang tatlo na isipin kung ano-anong mga ulam ang kakasya sa weekly budget na Php 3,000. Pero para kay Nan, basta may "in can" eh solve na siya. Yung iba naman nagpapahapyaw na maglagay ng sardinas. Maipanalo na kaya nila ang weekly task sa susunod na linggo para hindi na sila mamroblema sa budget?

blog comments powered by Disqus