Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 7, 2008

Teamwork ng mga boys
Apr 6, '08 3:37 AM



Nagdoorbell si Kuya at inannounce na kailangan pumasok ang lahat sa girls' room. Paano naman kaya si Josef na tulog na tulog sa kaniyang maliit na upuan?

Teamwork ang mga boys na literal na nagbuhat ng bangko ni Josef! In fairness nabuhat ng mga boys ito. Pero hanggang kailan naman kaya sila magbubuhat at hanggang kailan sasaluhin ni Josef ang punishment na ito?





Sino ang nagtatago ng noodles?
pr 6, '08 2:02 AM
A


Nag-usap ang mga housemates kung sino ang nagtatago ng mga noodles. Madalas kapag may hinahanap silang noodles, parating wala. Tapos maya-maya may nakikita sila na kumakain ng noodles. Sila-sila na lang at nagnanakawan pa sabi ng ibang housemates.

Si Rona ang nagfacilitate ng open forum na ito at lahat sila ay nagsabi ng mga experience nila sa mga nawawalang noodles. Pero hindi pa rin nila malaman kung sino ang nagtatago. Mahirap naman siyempre mamintang diba? Makonsensya na daw kung sino ang nagnakaw dahil sigurado nakuhaan sila ng camera. Sino nga kaya ang nagtatago ng noodles? At sino kaya sa kanila ang hindi nagsasabi ng totoo? Abangan sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!




Nikki nanalo sa sili eating contest!
Apr 6, '08 1:52 AM




Naglaro si Nicole, Kevin at Valerie ng paramihan sa pagkain ng sili! Si Nicole naka apat, si Valerie naman naka dalawa at si Kevin.... hindi nakayanan! Yung dalawang girls hindi halata na naaanghangan sila. Pero si Kevin namula nang todo at nailuwa pa ang sili! Napalagok tuloy siya ng maraming C2. Nawala nga kaya ang anghang nun sa C2?

Ano pa kayang mga nakakatuwang games ang mga lalaruin ng mga housemates? Hmmm...





Secret task ni Josef
Apr 6, '08 12:49 AM



Gulat na gulat ang teen housemates nung nakita si Josef na may ribbon sa ulo. Mukha siyang gift sabi ni Nikki! Bakit daw siya meron nito sa ulo? Sagot lang niya may kailangang isolve ang housemates na problema sa bahay.

Hindi makakaalis si Josef sa inuupuan niya kaya lahat kailangang iutos sa housemates. Paano ka kaya makakahappy-pupu niyan?

Ano rin kaya ang problema na kailangan nilang isolve? At bakit siya naparusahan na maglagay ng ribbon sa ulo? Basahin ang buong kuwento sa PBB Official Website.




Alex baby ng mga girls!
Apr 6, '08 12:38 AM


Nagseselos si Alex dahil nag special treatment ang girls kay Kevin kahapon! Si Linda at Beauty naman ay dali-daling binaby ang nagpapaawang si Alex. Hinihimas-himas siya ni Beauty sa buhok habang si Linda naman ay nagmasahe ng kamay niya.

Aba? Ang swerte mo naman Alex! Kung ganito pala ang treatment sa lahat ng nacircumcise, marami sigurong magvovolunteer. At hindi pa natapos doon, nagbaby talk pa ang Italian Valentino. Gusto niya ng 2 moms para ipungpong galapong siya. Hmm.. hindi kaya magselos niyan si Mommy Minda?




Do you think tama ba ang naging decision ng Teen Council this week na binubuo nina Jieriel, Kevin, Josef and Beauty?

And mukhang me naka sunod na na Teen Council sa kanila na sina Robi, Nan and Alex. Magawa kaya nila ng matagumpay ang task lalo pa na nagawa na ito before nina Beauty?

At totoo ba ang chismis na meroong automatically nominated? Gosh...abangan natin bukas sa first nomination night?




Mommy Jinky says bye bye too
Apr 5, '08 9:29 AM





Pinaka madrama ang paalaman nina Mommy Jinky and Priscilla. Panay ang paalala nito na alagaan ang health ng anak. Ano kaya ang rason ng Teen Council bakit si Mommy Jinky ay dapat na rin magpaalam?





Si Mommy Rose ay nahatulan
Apr 5, '08 9:21 AM



Naku eh out na rin si Mommy Rose na mom ni Rona. Super dooper excited siya na makita ang kanyang anak at inubos nila ang 100 seconds sa confession room sa pag-hug sa isa't isa.




Bye Tita Violy
Apr 5, '08 9:16 AM




Ay so sad, di pa man nakakapagkita si Val and ng kanyang Tita Violy ay nagpaalam na ito. Bakit kaya siya ang napili?


blog comments powered by Disqus