Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, April 15, 2008

Swimming lessons for Jolas!
Apr 16, '08 12:44 AM



Binigyan ng swimming lessons ni Daddy John ang Gentle Giant na si Jolas! Swak na swak sa summer ang lessons na ito at mukhang ok pa na instructor si Daddy John. Kailangan dumapa si Jolas sa pool, humawak sa dulo ng pool at ipadyak ang legs. Gets? Mabilis na natuto si Jolas at nagpaunahan na sila ni Kevin. Ano pa kayang mga susunod na gimik ni Daddy John sa loob ng bahay ni Kuya?




Cooking with Daddy John and Beauty
Apr 15, '08 11:20 PM



All gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John.

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!





Captain Boom is in the house!
Apr 15, '08 10:38 PM



Wake-up call ng teens ngayon ay walang iba kundi si Jon Avila a.k.a. Captain Boom! Napasigaw sa tuwa si Beauty at napatakbo pa sa labas para magtoothbrush dahil gusto niyang halikan ang crush. Pagkaalis ni Captain Boom, si Beauty, may hangover pa! Sabi niya kay Robi na sana bumalik si Jon at sana ibang costume naman daw - Topless. Aba naman. Panalo talaga sa hirit ang Rebellious Beauty kaya shock at sabay tawa na lang ang Atenistang si Robi.




25 cents for luck
Apr 15, '08 3:15 PM



Sa paglipat ni Daddy John sa bahay ng mga teens, doon sya natulog sa girls' room with Kevin, Alex and Beauty. At home na at home namana ng mga ito sa kanya. Si Beauty ay hindi na iba sa Twin Towers (na dahil siguro sa European background ay naging super close, sa simula pa lang) kaya naman kasali na sya sa mga jokes at kwentuhan nila. Pinakita ni Daddy John ang kanyang 25-cent coin na dala-dala nya lagi. Mukahng good na magkasama sina Daddy John at Kevin dahil nababawasan ang pagka-bossy nito.





No guardian for Pris
Apr 15, '08 3:10 PM


Dahil nga isa sa mga unang evicted guardians ang mommy ni Pris, hindi man lang sila nagkaroon ng moment gaya ng ibang housemate at kanilang kapwa guardian. Lalo pa ngayong pwede na sila magkita-kita ng mga guardians, at alam na ni Pris ang tungkol sa secret place nila, luging-lugi naman itong si Pris. Dagdagan pa na kinakaharap nya ang noodle-napping issue with the other housemates. Kaya pa kaya ni Pris?





Guardians play ball!
Apr 15, '08 5:02 AM



Pinatunayan ng guardians na hindi sila senior citizens at kaya pa rin nila ang mga ginagawa ng mga kabataan! Habang uugod-ugod ang teens sa kabila, enjoy naman ang guardians sa paglalaro ng volleyball at basketball! Si Mommy NingNing at Daddy Ike ang naglaro ng volleyball at si Daddy John ang kanilang dakilang referee. Nagpakitang gilas pa si Daddy Ike at nagshoot ng bola na nakatalikod sa ring! O diba? Kaya ninyo yun? Go guardians!

blog comments powered by Disqus