Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, April 1, 2008

Pungpung Galapong!
Apr 1, '08 3:31 PM





Maagang pinatulog ni Kuya ang mga housmates. This time, wala silang takas dahil magssleep-over ang mga mommies. Strict pa naman si Mommy Minda!

Mommy Minda: "Boys, tulog na ng maaga at pupungpungin ko pa kayo."
Alex: "Mom, it's too early for pungpung."

Kung iniwasan ng boys ang lambing ni Mommy Minda, hinanap naman ito ni Linda. Hindi nito alam ang larong pungpung galapong, kaya naman ginawa ito sa kanya nina Mommy Minda at Beauty. Tawang-tawa ito dahil feeling baby daw siya, pero napa-clap pa rin naman siya sa tuwa.
O, who's next for pungpung galapong? Come on.. you know you want it!



Pyramid daw?
Apr 1, '08 3:27 PM





Naglaro ng chess sina Daddy Ike at Ejay sa garden. Tuwang-tuwa naman si Ejay dahil may worthy opponent na siya. Bilib na bilib ito dahil naharang ni Daddy Ike ang mga secret moves niya. Dating naman si Jolas at biniro pa ito na hindi nagmana sa daddy niya pagdating sa chess. Kwentuhan lang ang tatlo at pinagsabihan sila ni Daddy Ike tungkol sa paglilinis. Mukhang nangangati na itong si Daddy na ikwento ang tungkol sa secret house. Tinanong nya kung natatanaw daw ba ng housemates ang kabila ng bakod nila, to which the boys answered no. "Buti hindi kayo nagpi-pyramid para makita ano?" tanong ni Daddy. Aba, don't give them ideas na po! Baka makita nalang namin 'yang nagkapatong-patong sa bakod. Akala ko ho ba basketball player ang gusto ninyo kay Jolas..baka naman cheerleader!




A little bit on Alex
Apr 1, '08 3:19 PM



Ilang beses na umiyak si Alex about missing his family and his girlfriend. True enough, pag dating ni Mommy Minda ay kinamusta niya ang naiwang girlfriend. Sabi naman ni Mommy Minda, wag itong mag-worry dahil super proud ang kaniyang love sa kanya, kaya nga dapat itigil na ang pa-cry cry at mag-concentrate nalang on making them prouder! Nang mapunta naman ang topic sa careers, ang plano daw nila para kay Alex at brother nito (who are both taking up courses related to being electricians) ay magbukas ng business sa Pinas at sila ang magmamanage. Mukhang all set ang future ng batang ito ah!



Kwentong Jolas
Apr 1, '08 3:14 PM






Ang daming kwento ni Daddy Ike tungkol sa Gentle Giant. Noong bata raw si Jolas, tinanong nito ang daddy niya kung may anak ito sa labas. Ok lang daw, hindi siya magagalit. Dito na-feel ni Daddy Ike na lonely ang unico hijo niya. Buti nalang at may naging close itong kaibigan, si Patrick, na mula sa malapit na hospicio. Nang overage na ito ay kailangan na umalis na si Patrick sa hospicio, at agad namang pinatuloy ito nila Jolas at, kahit hindi naman well-off, tinanggap bilang bahagi ng pamilya. Dagdag pang kwento ni Daddy Ike, nami-miss ni Jolas ang girlfriend niya at in-assure naman siya ng daddy niya na ganon din ang feeling ng love niya. Text nga daw ng text sa parents ni Jolas, saying hindi siya makatulog. Proud na proud si Daddy Ike sa bawat accomplishment ng anak at obvious na suportado nito si Jolas. Kahit pa ang top dream nito sa anak ay ang pagiging magaling na basketball player sa PBA, pinagbigyan nito ang kagustuhan ni Jolas na sumali sa PBB. Once in a lifetime opportunity nga naman ito. Kaya naman pala si Jolas ang laging leader at choreographer ay hilig din nito sumali sa iba't ibang pageant. Aba, model-model ha! Kaya naman ayun at ayaw tantanan ni jolas ang pagturo ng dance steps sa housemates!




Hugas pinggan ang mga Atenista
Apr 1, '08 3:05 PM




Finally, face-to-face na ang ilang guardians with the teen housemates. Sina Mommy Minda, Mommy Sandy at Daddy Ike ay nangapitbahay muna, to the surprise of the housemates. Guests sila sa bahay, kaya naman nang magsimulang maglinis si Mommy Minda ng mga kalat sa kitchen, pinagsabihan siya na mas makakbuti kung turuan niya na lang ang mga housemates ng gawain-bahay. Sabi nga, teach a man to fish and you will feed him for a lifetime. Ayan na nga, dishwashing duty sina Nikki at Robi. Tips ni Mommy Minda: unahin ang mga baso at tignan lagi kung malinis pa ang tubig na ginagamit panghugas.

Trivia sa mga fans nina Nikki at Robi: Robi will be taking up Health Sciences at the Ateneo. Itong si Nikki ay ready to be an Atenista din. Since magiging schoolmates sila, malaki din kaya ang possibility na maging partners din sila elsewhere?




Mommies visit the teens!
Apr 1, '08 4:36 AM



Nagulat ang mga teen housemates nang pumasok sa loob ng bahay si Mommy Minda ni Alex! Sabi niya ay siya daw ang tatayong ina para sa mga mommies ng teens. May bonus pa ito! (Beauty take note of this) Matuturuan ang mga housemates ng household chores. Maya-maya lang bumukas ulit ang pinto ng housemates and in comes Nicole's mom! Sinalubong ng In-Chick ng Cebu ang namimiss na niyang mommy. At home na agad ang mommies at komportableng nakipagkwentuhan sa mga teen housemates. Pero hindi ba April Fools' day ito? Ano kaya ang joke ni Kuya dito?

blog comments powered by Disqus