Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, April 17, 2008

Twin towers + Robi prepare for their weekly task!
Apr 17, '08 11:44 PM



Lumabas ng confession room si Alex, Kevin at Robi na suot-suot na ang kanilang costumes! Handang handa na sila sumabak sa weekly task nila ngunit si Robi may konting kaba. "Walang sisihan" daw kung hindi man niya mahanap ang dulo ng maze. Pero mukhang nawala rin ang kaba nito nung nagchoreograph sila ni Kevin sa nursery rhyme na "Three Blind Mice". Wagi kaya ang tandem ng tatlong ito sa weekly task nila?




Kuya Jolas to the rescue
Apr 17, '08 11:03 PM




Nagkaproblema ang dalawang girls nang hindi nila mahiwa ang manok! Natigil tuloy sila sandali sa pagluluto ng gulay of the day na kangkong at napa "Kuya Jolas!" na lang si Priscilla para tulungan sila hiwain ito. Hindi kaya tactic ito Differently-Abled teen para mapalapit kay Kuya Jolas? Hmm..





Priscilla and Nikki are partners for the day!
Apr 17, '08 9:58 PM



Umagang-umaga pero ang dalawa naghahanda na ng pananghalian nila! Partners sila sa "Oh My Gulay" daily task at kailangan nilang lutuin ang kangkong. Si Priscilla mukha namang sanay na sanay na maghiwa ng kangkong. Si Nikki mukhang nahihirapan sa paghiwa ng sibuyas. Makayanan kaya ng sheltered In-Chick from Cebu ang paglulutong ito?





I'm just here...
Apr 17, '08 4:09 PM





Kung sa iba, magiging ilang ang maging friends matapos ang declaration of mutual like, ibahin niya itong si Dazzling Doll at Promdi Hottie. Ang dating "opposites", mukhang nagkakasundo na. Naiyak itong si Val, na usual naman sa kanya kapag nakakita ng complete family. Dahil nga namatay na ang daddy nya (at Daddy's girl pa naman sya), wala na talagang chance na mangyari pa ito. Kelan lang din nawala ang daddy nya kaya hindi naman maaalis sa knaya na masaktan pa rin. Nagtaklob pa ito sa kumot at umiyak, at agad namang pinuntahan ni Ejay. This time, wala na ang kaba ni Ejay para makiramay sa umiiyak na housemate. HIndi ko lang sure kung na-gets ni Ejay lahat ng sinabi ni Val, pero mukha namang it doesn't matter. Ano ba namang mahirap intindihin sa kalungkutan? And like a perfect gentleman, tumabi lang itong si Ejay at nakinig. Siguradong na-appreciate naman ito ng dalaga, na talaga namang masama ang loob. Don't worry, Val, Ejay's there with you.





Big card from big-hearted friends
Apr 17, '08 8:33 AM





Talaga namang todo prepare ang housemates para sa special presentation for Linda. Habang nagppractice kumata ang iba at nag-aayos ng sarili, take turns sila sa pagsulat sa isang giant homemade card. May colorful designs pa ang bawat message! Mga aspiring artists yata ang mga teens dahil partikular sila sa mga color combinations nila at paiba-iba pa ng lettering. Josef, wag nang mag-worry sa lettering mo, ok? Maganda na yan. At hindi naman sinasadyang ma-smudge yan. Teens, sige pa, pagandahin nyo ang card. Kung ako si Linda, itatago ko talaga yan foreveeeer!





Duet ni Linda at Ejay
Apr 17, '08 4:55 AM



Habang inaantay ng housemates ang "takdang panahon" ng paglabas ni Linda sa bahay, todo practice at kantahan muna sila. Nakipagduet si Linda kay Ejay ng kantang "Paint My Love" at in fairness, perfect timing at perfect blending ang dalawa. Ang ibang housemates naman naghahanda na rin para sa presentation nila at para sa activity mamaya sa Uber. Ano nanaman kaya ang activity na ito na magkalaban ulit ang dalawang mag BBF? Sino nanaman kaya ang magwawagi ngayon, ang Team Robi kaya o ang Team Josef? Abangan maya-maya lamang!





Housemates prepare for the surprise
Apr 17, '08 2:30 AM



Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!

blog comments powered by Disqus