Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, April 3, 2008

Valerie issue between Nan and Ejay
Apr 3, '08 2:22 AM



Galit daw si Ejay kay Nan! Nagtatampo ang Junior Kengkoy dahil base sa obserbasyon niya hindi na siya gaano kinakausap ng best friend Ejay. Tingin pa niya nagseselos sa kaniya si Ejay dahil parati niyang kausap at kasama si Valerie. Dahil torpe ang promdie hottie Ejay akala tuloy niya pinangungunahan at inaagawan siya ni best bud Nan. Hindi mapakali si Nan dahil dito at napapasmile smile na lang ang binata from mindoro. Love Triangle in the making ba ito sa bahay ni Kuya? Paano kaya nila mareresolba ang isyu na ito?




Alex likes Beauty... in his dream!
Apr 3, '08 12:29 AM



Crush ni Alex si Beauty sa panaginip niya! Natawa ang trophy kid na si Robi nang marinig ang kuwento ni Alex. Kaya naman pagdating ng gentle giant na si Jolas, gusto rin niyang ibahagi dito. Ipinapakuwento ulit ni Robi kay Alex at sabi ng bagong binata ay napaginipan niyang gusto niya si Beauty. Hindi mapigilang tumawa si Jolas! Bumanat tuloy si Robi kung gusto nga ba talaga ni Alex si Beauty? Kaya sabi naman ng Italian Valentino, oo sa dream gusto niya pero in real life, hindi! hindi talaga! at hindi pala dream iyon kundi nightmare daw ito. Pero sabi nga nila ang ang panaginip ay subconsciousness ng tao. Baka naman Alex gusto mo talaga si Beauty ah? Aminin!




Before Teen Edition Plus
Apr 3, '08 12:05 AM



Bago pumasok ang housemates sa bahay nakita na nila ang iba sa 30 finalists! Pinag-usapan nila ang leakage ng PBB teens. Si Robi may nakita sa internet na finalist pero unfortunately hindi nakasama ang girl na iyon sa bahay. Sino kaya iyon at nasaan na kaya siya? Ganoon rin naman ang girls na nakita yung future housemates. Nang mapag-usapan ang naganap na pictorial, enjoy ang mga girls dito.




Close call for the guardians!
Apr 2, '08 10:25 PM





Muntik nang mahuli ni Alex ang nagliliwaliw na guardians sa bahay ng teen housemates! Pinayagan ni Kuya na maglibot-libot ang mga guardians sa space ng teens. Si Daddy John at ang kakulitan niyang si Daddy Erning nagswimming pa! Ang mga mommies naman hindi mapigilang magtsisimisan sa bahay ni Kuya. "May anak pa raw ito kay ano..." Ano daw? Yung iba namang mommies very proud na ipinakita ang mga pictures ng mga anak nila na nakadisplay sa sala. Dahil hindi mapakali si Alex sa sakit ng operasyon, maaga siyang gumising at muntikan nang lumabas sa kuwarto. Pero nahiga na lang ulit ang binata at natulog ulit. Buti na lang dahil siguradong magtataka na sila kung bakit madalas may guardians na bumibisita sa kanila! Tingnan ang buong kuwento sa PBB Official Website.

  • For more Blog visit he official Teens Plus site: http://pbigb.multiply.com

blog comments powered by Disqus