Google
 

Pinoy Big Brother

Tuesday, April 8, 2008

Nagmomoment si Josef at Nicole!
Apr 8, '08 11:58 PM




Hindi mapaghiwalay si Josef at Nicole! Habang nagkukuwento si Daddy Hans, patuloy na minamasahe ni Josef ang kamay ni Nicole. Pagkatapos naman nito ay inaayos ang buhok ng pretty In-Chick from Cebu. At balik nanaman si Josef sa pagmamasahe. Niloko pa niya kunwari si Nicole at sinabing may charge daw ito per hour. Mapapansin na very close ang dalawa lately, maging more than just friends kaya ang dalawa? Kayo, agree ba kayo sa Josef-Nicole tandem?





Daddy Hans is radical!
Apr 8, '08 11:42 PM



Impressed ang housemates nang makita ang mga tattoo ni Daddy Hans! Sa likod ni Daddy Hans may mga design na mga butterfly at kung anu-ano pa. Lahat pa ito ay may meaning. Napa-wow na lang ang mga housemates at napa "ang ganda" na lang si Beauty. Dagdag ni Linda na gusto niya ang shape at kuwento niya sa mga housemates na nakaka-isang case ng beer si Daddy Hans dati. Todo bonding talaga ang teens with Daddy Hans at unti-unti namang nag-oopen si Linda sa ama. Maayos kaya nila ang lahat bago pa man palabasin ni Kuya si Daddy Hans?





Daddy Hans taps into Linda's memory
Apr 8, '08 11:12 PM



Sinubukang makipagbonding ni Daddy Hans kay Linda. Pinaalala niya noong January 16, 1999, nasa airport siya pabalik ng Norway, sinabi sa kaniya ni Linda, "Take it easy in Norway, you have only one life that you borrowed." Hindi ito makalimutan ni Daddy Hans at sinusubukan naman ni Linda na alalahanin ito. Noong medyo naalala na niya, sinabi niya na 8 years old pa lang siya noon. Pagkatapos nito natahimik na lang ang Bikini Babe ng Iriga. Tumibay kaya ang relasyon ng mag-ama sa pagtitira ni Daddy Hans sa bahay ni Kuya?






Bonding ang girls at si Daddy Hans
Apr 8, '08 11:02 PM



Kagabi pumasok si Daddy Hans, dad ni Linda para magcelebrate ng birthday niya sa loob. Bonding to the max sila ng girls especially si Rona. Sinimulan ni Beauty na nagtanong kung ilan taon na si Daddy Hans. Napa "hay nako" na lang si Daddy dahil ayaw niya maisip na tumatanda na siya.

Si Rona naman ang nakipagbonding kay Daddy. At may rebelasyon pa si Rona dito: gusto niya maging lawyer! Sabi ni Daddy Hans - lawyer parang liar. Sagot naman ni Rona ay lahat naman nagsisinungaling, ang pinagkaiba lang sa lawyer, may dedepensahan kang cliente. Hmm..




More, More, More!

Apr 8, '08 10:19 PM



Todo hakot ang mga housemates ng mga pagkain sa storage room nang pinayagan sila ni Kuya pumasok dito! Kaniya-kaniyang strategy ng pagkuha ng mga chichirya. Andiyan si Priscilla na pinuno ang jacket niya hanggang sa nag-uumapaw na ang pagkain. Si Nicole naman iilan lang ang kinuha. Marami ring nakuha si Beauty pero ang kumain ang close guy friends na si Kevin at Alex. Hmm mukhang iyan ang tamang strategy!




Let's do the Bunot Dance!

Apr 8, '08 4:54 AM



Ceasefire muna ang Team Robi at Team Josef at nagpractice muna ang 7 housemates sa bunot dance nila! Kasama sa pitong ito ay si Jieriel, Nicole, Linda, Kevin, Ejay, Robi at Jolas.Ibang-iba na ang steps mula sa original na choreography ni Jolas. Kitang-kita ang teamwork sa pagsabay-sabay nila ng bilang at pagmomotivate ng kapwa housemate. Mukhang winner ang housemates sa task na ito! Abangan ang Uber para sa buong Bunot Dance!




Panaginip ni Linda
Apr 8, '08 3:58 AM



Habang ginagawa nila Robi ang weekly nila, nakuwento ni Linda na nanaginip siya. Napanaginipan daw niya na lumabas na siya ng bahay ni Kuya!

Sabi nila ang kabaliktaran ng napapanaginipan ang nangyayari sa totoong buhay. Totoo kaya ito? O nagbabadya na ang panaginip ni Linda?





Team Robi vs. Team Josef
Apr 8, '08 2:44 AM




Go na go na ang housemates sa paggawa ng tie-dyed shirts na weekly task nila! Nahati ang grupo sa team ni Robi at team ni Josef. Marami nang t-shirts ang nagagawa nila Josef ngunit mas makulay ang nagagawa nila Robi. Napapalayo naman sila Robi sa quota number dahil mas binibigyang importansya ang design ng mga t-shirts. Sino kaya ang magwawagi sa dalawang grupong ito? Isa nanaman kaya itong Ateneo vs. La Salle na kompetisyon?

blog comments powered by Disqus