Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, April 24, 2008

Happy Birthday Kuya Jolas!
Apr 24, '08 2:41 AM




Matapos ang pagbubusisi ni Josef, Nicole at Beauty ng birthday lunch ni Jolas, oras na para ibahagi ito sa celebrant! Nagtipon ang housemates sa dining room at kinantahan si Kuya Jolas ng happy birthday. Ang Gentle Giant na rin ang nag-lead ng prayer at nagpasalamat siya sa Diyos na kahit wala ang mga importanteng tao sa buhay niya ay alam pa rin nila na nasa puso nila ang isa't-isa. Nagpasalamat rin siya sa fellow housemates na talaga namang bongga sa paghanda ng lunch niya! Akala ni Jolas ito na siguro ang selebrasyon niya. Ang hindi niya alam, may hinahandang sorpresa si Kuya para sa kaniya! Ano-ano kaya ito?


Daddy Ike is in the house!
Apr 24, '08 2:47 AM



Bongga talaga ang birthday ni Jolas at habang kumakain siya, biglang pumasok si Daddy Ike na may dala-dalang birthday cake! Ang sweet talaga ng mag-ama at niyakap agad ni Jolas ang much loved father niya. Birthday wish pa ni Daddy Ike na sana mag-aral ng mabuti si Jolas. Napaiyak tuloy si Kuya Jolas dahil unexpected ang bisita na ito! 1 down, ilang sorpresa pa kaya ang makukuha ni Jolas sa kaarawan niya?



Hindi mapigilan ni Jolas na maiyak nang marinig ang kantang "Nothing's Gonna Stop Us Now" at pati na rin ang "Never Gonna Let You Go" ni Faith Evans. Sobrang natouch si Priscilla nang makitang umiyak ang Kuya Jolas kay napaiyak rin siya. Todo comfort naman sina Rona at Valerie sa kaniya. Bakit naman kaya naiyak si Jolas? At ano kaya ang saloobin ng Gentle Giant?


Guardians plan the next food budget
Apr 24, '08 4:42 AM



Pagbalik sa guardians' house si Daddy Ike, nakitsismis agad si Daddy John. Kamusta daw si Jolas at ano-ano ang mga pagkain na hinanda para sa kaniya. Si Daddy Erning na ang sumagot at sabi niya ay may handang paa ng manok care of Mommy ni Jolas. Masarap ang pagkaluto daw nito dahil malambot pa. Sosyal! Gusto rin daw ito gayahin ni Daddy Erning at mukhang na-excite siya sa next food budgeting. Basta sa kaniya, isasama niya na ang paa ng manok sa budget nila. Para kay Daddy John naman, sampung lata ng pork and beans, solve na siya. Sana lang hindi sila magkaaway-away sa susunod na pag-food budget!



PBB SIKAT SA HAIRCUT
Apr 24, '08 5:55 AM





Kung gusto ninyong magbarkada (minimum of 5) na magkaroon ng sariling billboard sa harap ng bahay ni Kuya at manalo ng P 50,000.00, i-upload niyo lang ang inyong high-resolution barkada picture na may hair style na kasing astig, kasing cool at kasing extraordinary ng mga teen housemates sa http://pinoybigbrother.multiply.com.

  • Una, para maiupload ang inyong photos kelangan ay mag register muna sa http://multiply.com at mag-member ng Pinoy Big Brother multiply group.
  • I-click ang post at piliin ang groups kung saan nandoon ang Pinoy Big Brother icon.
  • I-click muli ito at pumunta sa photos section. I-upload ang inyong barkada photo at ilagay sa description ang inyong pangalan at edad.

Si Kuya at ang teen housemates ang pipili ng coolest at hippest barkada pix kaya join na! Deadline of Submission is next Saturday, May 3.


Tama na kasi
Apr 24, '08 3:34 PM



Tahimik na lang si Daddy John at mukhang pinaninindigan ang pangako kay Kuya na magtimpi sa nalalabing mga araw sa loob ng PBB house. Kahit pa may konting hirit at pasaring si Tita Anna, tuloy na lang ang hugas ng pinggan ni Daddy John.

Ayan..very good po ‘yan. Iwas wrinkles din! Tita Anna, tama na kasi. Nakakapagod na e.



Rona, hindi lang pang-acads, pang dance sport pa!
Apr 24, '08 3:36 PM



Si Rona talaga todo bigay sa ballroom dancing. Simula pa noong dance rehearsals kanina hanggang ngayon, performance level ang lola mo! Eto nga’t after dinner, nagpaka-DI ito at naging practice partners nina Kevin at Alex. Si Nikki nakisabay din. O Ejay, sana nakisama ka na rin, para tuluyan nang ma-practice ang salsa at chacha moves mo. Remember: use your ball! 1,2, chachacha!



Styles and moves ala-Josef and Nikki
Apr 24, '08 3:38 PM



Hmm…ano ‘yang mga kamay na ‘yan ha? Styyyyyle! Tulog ba talaga kayo o nagtutulog-tulugan? Naku Josef, super close friends naman ata kayo ni Nikki. At ikaw naman, Nikki, give chance to others naman. Parang si Josef lang ang trip mong kakwentuhan e.


Party mode sa bahay ni Kuya!
Apr 24, '08 9:36 PM




Mukhang may hangover pa ang teens sa ballroom dancing task nila at gumising sila ng maaga para sumayaw. Dapat ay exercise ito para sa teens ngunit hindi nila napigilan na haluan ng clubbing dance steps! Kung "Ever After" ba naman ni Bonnie Bailey ang patugtugin, hindi ka ba mapapasayaw? Ganadong ganado tuloy ang mga teens at todo exercise ang lahat. Sana lang ganitong level pa rin ang energy nila sa performance ng weekly task mamaya



Beauty and Robi's growing friendship
Apr 24, '08 11:02 PM



Lately nagiging close na si Beauty at Robi. Madalas sila magasaran at magbiruan. Favorite target pa nga ni Robi asarin ang weight ni Beauty. Kaninang umaga, sila rin ang magpartner sa ballroom dancing - match ang steps at sabay ang count. At ngayon naman very open na sila to the point na binubunutan ni Beauty ng kilay si Robi! Kamusta naman iyon. Kayo type niyo ba ang tandem ng dalawa?



Kareer si Daddy Erning!
Apr 24, '08 11:11 PM



Kung anong kina walang gana ni Ejay sa pagsasayaw, iyon naman ang pagka-kareer ni Daddy Erning sa hip-hop dance. 'Yung ibang guardians, nakapambahay lang, pero itong si Daddy Erning, bihis na bihis na kahit mamaya pang hapon ang performance nila! At take note, may nalalaman pa siya na paglagay ng bandanna. Game na game si Daddy Erning at todo bigay sa mga steps nila. Ano kaya kung magkashowdown itong mag-ama? Winner itong si Daddy Erning!


Ejay gets special attention


Pursigido talaga si Rona na mapanalo ang weekly task na ito kaya naman tinutukan niya si Ejay na hindi masyadong makahabol sa pagsasayaw. In fairness to Rona, nahahasa talaga si Ejay sa pagsayaw niya. Pati si Kuya Jolas naki-coach na rin at binigyan ng instructions ang Promdie Hottie. Go Ejay! Konting practice na lang at makukuha mo rin yan!


Tita Anna and Daddy John, nag-usap na!
Apr 25, '08 12:59 AM



Sa wakas nag-usap na rin ng matino ang dalawang guardians. Humingi rin ng paumanhin si Daddy John at inexplica niya na reality show ito at harsh ang mga show na ganito. Umalma naman si Tita Anna na hindi daw alam ni Daddy John kung kailan titigil. Sagot naman ng Spanish dad na tumitigil din naman siya minsan dahil alala siya sa health ni Tita Anna.

Feeling pa ng tita ni Josef na pinag-iisahan siya ng mga guardians, dapat daw sport maglaro at hindi madumi. Pero todo emphasize naman si Daddy John na reality show ito at malupit talaga sa mga ganun, dapat matibay ang loob mo. Sino sa palagay ninyo ang mali sa kanila? Kanino kayo papanig sa usapang ito?

blog comments powered by Disqus