Google
 

Pinoy Big Brother

Wednesday, April 2, 2008

Pilita Junior?
Apr 2, '08 2:50 PM



Diva-divahan si Ate Rona today ha! Kaninang nagdidiscuss ang ibang housemates tungkol sa binyagang naganap, deadma lang si Rona at pakanta-kanta lang while strumming the guitar. From church songs to pop songs, tuloy-tuloy lang ang pagmomoment nito, kaya naman mamaya ay nakisali na rin si Nikki. Aba, maganda naman pala ang voice mo, Nikki, wish ko lang magsalita ka naman more! Common hobby yata ng girls ang singing dahil matapos ang performance nila for Kuya, kahit a capella nalang ay kinakanta pa rin nila ang theme song nila. Maya-maya pa ay si Valerie naman ang ka-duet ni Rona, at ala-Pilita naman ang ate ng lahat na akala mo’y walang buto sa likod kung maka-lean back. With matching imaginary mic pa!




Seven Musketeers!
Apr 2, '08 2:49 PM



Inamin na ng boys sa girls ang secret ng cross-dressing nila. But first, in-explain muna ni Josef ang reasons behind it: na hindi uso sa Italy ang tuli, that it’s a culture thing lang talaga sa Pinas at hindi naman medical requirement, na kaya lahat sila ay nakapalda ay dahil nakikiisa sila sa pinagdadaanan ni Alex. ‘Ika nga ng Three Musketeers, “All for one and one for all!” Kahit nagtatawanan ang lahat dahil nag-joke ang boys na no briefs on sila, serious ang condition ng boys: dapat maging normal pa rin ang pag trato nila kay Alex, dahil nakakahiya nga naman ang pinagdadaanan ng bagong binata. No need to ask, boys, dahil love din naman ng girls si Alex at ayaw nilang ma-hurt ito.




Kutob powers win again!
Apr 2, '08 2:47 PM



Hindi mapakali ang girls sa boys in skirts, at feeling nila na talagang isa lang ang nagpatuli sa mga ito. To settle the issue, nagbotohan pa sila. They were choosing between Ejay, Jolas and Josef. But no, mali ang hula ng girls. Isa lang ang lucky winner. Gumana nanaman ang investigating skills at kutob powers ni Bubbly Girl! Kaya naman pala, super praktisado sa boyfriend niya, na lagi niyang nahuhuli kapag may nagawang bad. Dahil sa correct nanaman siya, lalong napatunayan ni Jieriel sa sarili na malakas talaga ang potential ng mga feelings niya sa mga bagay. Naku, para sa boy ni Jieriel: Be good! Alam na, may kutob powers ito!




Alex hides the pain!
Apr 2, '08 3:03 AM



Kahit na itinatago ni Alex ang nararamdaman, halata na hindi mapakali ang binata. Ang ibang boys nakikipagkuwentuhan na sa girls samantala ang bago nating binata, hindi makapagsalita! Nakadikit halos kay Mommy Minda at may malalim na pinaguusapan. Nagaalala na ata siya kung paano na kapag nawala ang anesthesia? Ang mga girls naman panay ang kulit sa boys kung naka underwear ba sila. Si Jolas nagdemo pa at tumalikod para ipakita na wala nga siyang underwear. Para matakasan ang pagdidiskubre ng girls, nagtago ang boys sa kwarto. Mahalata nga kaya ng mga girls ito? Good luck sa pagtatago boys!




The boy is now a man!
Apr 2, '08 1:21 AM

Tapos na ang masalimuot na proseso na pinakaaantay ni Alex! Ang Italian Valentino, binata na! Habang nagbibigay ng cooking lessons si Mommy Minda sa girls, lumabas ang boys na nakapila at nakapalda. Ang lakad pa nila ay parang sila lahat ay dumaan sa ilalim ng kutsilyo. Mukhang itinatago ng boys na si Alex ang totoong nagpatuli para hindi mapahiya ang bagong binata. Ang girls naman hindi mapigilang matawa at mag-usyoso. Si Jieriel nagkaroon ng ideya kung ano ito, kasi naman daw "tuli month" kaya baka sila lahat ay nagpatuli.

Tinanong nila si Mommy Minda kung si Alex daw ba ay tuli na. Pinagtakpan ang anak at ang sagot: hindi ko alam, bakit sa girls ba tinatanong kung may ano [period] na?

Napatahimik ang girls at nakalusot si Mommy Minda! Hinuhulaan nila kung sino ba sa nakapaldang lalaki ang nagpatuli. Hindi daw si Ejay kasi diretso maglakad. Si Robi naman nirereverse psychology ang mga housemates kaya nagpresentang ipakita. Baka ma MTRCB tayo niyan!

Abangan ang kakatwang episode na ito mamaya sa Uber at sa Primetime Bida!




Beauty admits to being the ultimate princess
Apr 2, '08 12:33 AM



Inamin ni Beauty na spoiled siya ng parents niya! Nahihiya man ang Rebellious Beauty ng Dumaguete, ikinuwento pa rin niya ito kay Mommy Minda. Ipinapakita niya kung gaano siya kamahal ng magulang niya. Gawa-gawa naman niya talaga ang mga ipinoproblema niya. Sa murang edad na 16, nagawa na niya ang lahat, pati na rin ang mga bagay na hindi niya naisip gawin. Ito na rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakamartsa nung graduation nila. Lumayas siya at nung umuwi siya, imbis na abot langit na sermon ang sumalubong sa kaniya, aba naman at may brand new cellphone pa siya! Ganoon talaga siya ka-spoiled sabi niya. Kaya sabi ng Mommy niya na kailangang makahanap siya ng lalaki na ibibigay lahat ng luho niya. Sabi naman ng dalaga, kung wala siyang mahanap na ganoong mapapangasawa, magboboyfriend na lang siya for inspiration.

Pero not all spice ang Rebellious Beauty. Sweet at malambing siya sa Daddy niya. Kaya naman hindi makaalis ang dad niya nang dahil sa kaniya. Ang gusto naman talaga ng mga magulang ay maging malambing ang anak at hindi matigas ang ulo. Pero dahil nagbabago na ang teen housemate na si Beauty, pride and joy na talaga siya ng magulang niya.




A motherly advice on enjoying life
Apr 2, '08 12:04 AM



Tuloy ang bonding ng housemates with Mommy Minda! Feel na feel nilang mommy rin nila siya. Mangulila ba naman sila ng isang linggo't kalahati, naghahanap tuloy ng mommy figure. Nagadvice si Mommy sa mga female housemates na dapat silang mag-enjoy ngayong kabataan nila para huwag sila magsisi sa huli. Kapag nagkaanak ka na, lahat ng pangarap mo ipapasa mo na lang sa anak mo.

Open naman ang mga housemates na ikinuwento ang mga life stories nila. Obvious naman na sobrang gaan ng loob nila kay Mommy. Si Jieriel ok ang buhay nung mag-isa pa lang siya pero nung tumagal, ipinaako sa kaniya ang responsibilidad na mag-alaga sa nakababatang kapatid. Si Beauty naman malaki-laki ang angkan. Minsan nga ay nagkasabay pang magbuntis ang tita at ang lola. Kamusta naman yun?

Si Mommy Minda kinig na kinig sa life story nila with matching advice pa. Panalo talaga si Mommy. Kaya guys and girls keep this advice in mind: enjoy your teenage life while it lasts!




Major housecleaning for the housemates!
Apr 1, '08 10:55 PM



Si Mommy Minda hindi talaga tinantanan ang pagbubusisi sa mga gawaing-bahay! Napakaworkaholic ni Mommy at umaasa siya na magrub off ito sa mga teens. Naghanap ng tuturuan si Mommy at ang first batch of students: ang malapit nang maging binata na si Alex, at ang Junior Kengkoy na si Nan. Ang unang lilinisin nila ay ang banyo. Hala si Mommy todo mop sa sahig at binibigyan pa ng tips ang dalawa. Wala tuloy takas ang dalawa sa pursigidong pagtuturo ni Mommy. Kaya Beauty humanda ka na mamaya! Hindi ka tatantanan ni Mommy Minda hanggang sa matuto ka!

blog comments powered by Disqus