Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, April 4, 2008

Jieriel, eexit na?
Apr 4, '08 2:23 PM





Malalim na ang gabi pero gising pa rin ang ilang housemates. Nasa pool area sina Beauty, Jieriel at Ejay dahil may nakasamaan ng loob si Jieriel, bagay na nagtulak sa kanya para isipin kung mas mabuti kaya ang lumabas na sa bahay ni Kuya. Na-miss niya ang barkada niya na tumatanggap sa kanya ng buo. Kinumbinsi naman ni Beauty at Ejay si Jieriel na wag ituloy ang balak. Reminder ni Beauty, "Itong PBB, it's about who you are." Agree naman si Ejay. Pinaalala ng Promdie Hottie na hindi niya kailangang magpaka-plastic para magustuhan ng iba. Kailangan tanggapin siya for who she is, lalo na dahil wala naman right na mag-judge ang iba agad-agad. Marami pa nga namang ibang tao, at in-assure ng dalawang housemates si Jieriel na kung ayaw sa kanya ng iba, sila ay nasa tabi niya. Inalog-alog pa ni Beauty si Jieriel at niyakap, paulit-ulit na pinasabing hindi siya lalabas ng bahay.





Black is the color of tomorrow
Apr 4, '08 1:30 PM





Mommy Sandy ay kasabay pa ng daughter Nikki niya sa pagiging madaldal. Hindi siya mapakali, kaya naman ang kinukulit niya ay si Daddy John. “I want to shave your head… I will shave your head.” Meanwhile, nag-aayos na ng clothes at mga iba pang gamit ang mga mommies. Pinagsusuot daw sila ng itim bukas (which, as we all know, is PBB Teens Plus live show on Primetime, where special and big things are bound to happen). Naku, black to be slimmer on TV ba yan o black as in pang-lamay? Scary naman! O, pag nagkulang kayo sa black outfits, borrow lang kay Daddy John, maraming baon ‘yan!





Labor of love
Apr 4, '08 1:28 PM





Suot-suot na ng housemates ang mga custom-made shirts (care of their guardians). Mukha naming feel na feel nila ang mga message at meaning behind their shirts. Itong si Robi, sa sobrang inspiration, biglang nag-practice ng choreography ng Ateneo cheers sa kitchen! Ready for the next UAAP season, Robi?






The loyal boyfriend, part 2
Apr 4, '08 1:26 PM





Si Beauty naman ang kasama ni Alex habang pinapanood ang ibang boys na sinusulit ang oras nilang nakababad sa swimming pool. Naiinggit na ito at gusto na ring lumusong, pero dahil sa operation, hindi pa pwede. Hindi naman siya nagrereklamo. In fact, thankful pa nga sya kasi walang complications ang pagkakatuli sa kanya. Galing naman ni Doc Boy and Mommy Jinky! Habang pinapanood ang ibang housemates, nag-comment si Beauty on the nice, shapely legs ng isa sa mga girls. Sagot naman ni Alex, “I don’t know. I didn’t see.” Aba, no touch na, no look pa? Good boy!




Italian Valentino, the loyal boyfriend
Apr 4, '08 1:25 PM





As they were winding down, nagkakwentuhan naman sina Alex, Rona at Nikki sa sala. Pinagtutulungan ng dalawang girls (yes, pati si soft-spoken Nikki ay nakikisabay na rin sa kulitan! Woohoo!) si Alex by mimicking his Italian accent. Napunta ang usapan sa girlfriend ng ating Italian Valentino. Sabi niya daw sa mahal niya, don’t cry. Worried daw kasi ito na makahanap ng ibang girl si Alex. Hindi naman mahihirapan ito dahil super cutie nga naman si Alex at nag-uumapaw sa pogi points. Ang bilin ni girlfriend, “Don’t do things that… uh…” Hindi na maituloy ni Alex ang message kasi hirap siyang i-explain ang sarili, na naging bagong simula ng paggamit ng Italian accent ni Rona, while trying to help him explain it better. Ang ending, sabi na lang ni Alex, “I want to ligo!” No worries, girlfriend, loyalista ang boy mo!





Valerie, ini-snob ni Kuya?
Apr 4, '08 1:22 PM





Worried ang ating Dazzling Doll dahil ilang araw na daw siyang hindi chini-chika ni Kuya. Bakit nga naman ‘yung iba, madalas magka-moment sa Confession Room at siya ay hindi? Agree naman ang kakwentuhang si Priscilla kasi siya din daw ay hindi pa ulit nakakausap ni Kuya. Aba, aba, aba… may FO (falling out) ba kayo ni Kuya? Tsktsk.

blog comments powered by Disqus