Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 21, 2008

Kevin at Josef, damay sa away ni Tita Anna at Daddy JohnApr 21, '08 10:11 PM


Umagang-umaga at nagbabangayan nanaman si Tita Anna at Daddy John! Nabanggit ni Daddy John na may pagka senyorito si Josef. Hindi ito natiis ni Tita Anna kaya pumasok na lang siya sa girls' room at kinausap si Mommy Carina. Pati si Kevin napagdiskitahan na rin! Sabi ni Tita Anna, "Tingnan lang natin kung magkaproject ang batang iyan with the kind of father that he has". Naku! Kelan kaya matatapos ang bangayang ito? Pati ang teens walang ligtas dito!





Josef styles his hairApr 21, '08 10:03 PM


Hindi mapakali ang Lethal Lasallite sa kaniyang new hairstyle! Siya pa naman ang tinaguriang pinaka-banidoso pagdating sa buhok, at ngayon ay minalas sa mala-skunk na gupit. Pinagbigyan siya ni Kuya at pinahiram siya ng mga pang-ayos sa buhok kaya todo spray siya nito. Nag a la rainbow tuloy ang itsura sa dami ng mga kulay na nilagay niya. Sa palagay niyo ba nabawasan ang kaniyang pogi points sa bagong hairstyle?





Valerie and Ejay, handcuffed together!Apr 21, '08 9:56 PM


Dahil sa patong patong na violation ni Ejay sa pagbabasag na kagamitan sa bahay ni Kuya, binigyan siya ng task buoin ang basag-basag na baso. At may bonus pa dito, kasama ng Promdie Hottie si Valerie! Kagabi pa nila sinimulan gawin ang task at ito rin ang una nilang ginawa paggising ngayong umaga. Wala namang magawa ang ibang housemates kundi tumitig at bigyan sila ng moral support. Mabuo pa kaya nila ang basag-basag na baso? At mas magkausap na kaya ang dalawa ngayong pinagdikit sila ni Kuya?





Paiwan ng buntot pleaseApr 21, '08 7:13 AM



Parehas ng hairstyle na nakuha si Jolas at si ejay. Isang matinding request lang niya ay maiwan ang kanyang "buntot" dahil itinuturing niya itong lucky charm. Okay naman si Beauty sa kanyang mga request. Pati na ang blonde color ng tail niya afterwards.





Half-halfApr 21, '08 6:53 AM


Si Robi ang malas na nakakuha ng half-half hairstyle --- meaning kalahati meron, kalahati wala! Ito ang pinaka ayaw na makuha ng mga boys pero syempre walang magagawa si Robi kundi ipaubaya ang buhok niya kay Nicole, na siyang na assign na hairdresser niya.

Di bale tipid din yan sa shampoo Robi...






Alex ang gwapo mo!Apr 21, '08 6:42 AM


Ito ang reaction ng mga housemates sa bagong hairdo ni Alex. mukahng pareho ng hairstyle si Alex at si Daddy Ike at natuwa naman ito dahil mukhang marami pa rin ang kanyang hair. Balak pa siya lagyan ng blue color ni Beauty to match his punk look.

Cute pa rin nga naman si Alex di ba?





Ejay's turnApr 21, '08 6:31 AM


Maswerte si Ejay dahil si beauty ang nagupit sa kanya. Simple lang ang nakuha niyang hairstyle na halos kalbo na at me konting bangs lang sa harapan. Mukhang masaya naman si Ejay sa bago niyang look.

Ano kaya reaction ni Valerie dito?






Pugo lookApr 21, '08 6:15 AM


Eto ang comment ng mga housemates sa hairstyle ni Nan. Pati si Daddy Erning mukha daw ibon si Nan sa itsura niya. Pero di pa tapos ang gupitan dahil me kamay na design pa ang likod ng ulo niya.

Wag kalimutan mag pulbo sa leeg Nan!



Paano aayusin ni Josef ang hairstyle na to? Apr 21, '08 6:06 AM


Mukhang skunk na ang buhok ni Josef ngayon...

Any suggestions sa magandang ayos nito Kuyanatics?





Oh no, my hair!Apr 21, '08 6:03 AM


Kahit si Mariel shock na shock sa hairstyle na natapatan ni Josef sa roleta. Parang dinaanan ng pison ang gitna ng ulo ng picture at mukhang mangiyak ngiyak na si Josef habang pinupwesto siya ni Daddy John sa barber's chair.

Ano na kayang itsura ni Josef ngayon?






Roleta ng hairstyleApr 21, '08 5:45 AM



Pinapasok na ang teens and guardians sa loob ng activity area kung saan me malaking roleta na may iba ibang klaseng hairstyle. Sa gitna nito ay may barber's chair na uupuan ng gugupitan na housemate o guardian. tawa ng tawa ang mga HM pagkakita sa mga weirdo na hairstyles. may isa pa silang sinasabi na malas ang makakakuha. Ano kaya iyon?



Pano na ang hairdo ko?Apr 21, '08 5:01 AM


Napapaisip ang boys kung paano nga ba sila makakatulong kay Kevin. Gusto man nila magpagupit pero paano naman ang looks nila? Si Jolas nga ang sabi pa lahat gupitin na wag lang ang buntot ng buhok niya na favorite hawakan ng girlfriend niya. Sabi naman ni Ejay pwede daw ba na siya na lang magupit ng hair niya...Excited pa silang tinanong kung kasali sa pagugupit si Beauty na tinawag sa confession room ni Kuya. Pero sabi ni Beauty hindi, me ibang task siya.

Hala, vain rin pala ang mga guys na to ha...sorry na lang boys at di kayo matutulungan ng in house Beauty-cian.

blog comments powered by Disqus