Google
 

Pinoy Big Brother

Monday, April 28, 2008

Ejay's dilemma
Apr 29, '08 12:00 AM



Very serious na nag-usap si Val at Ejay tungkol sa isang problema. Late na sila natulog kagabi kaya inaantok si Ejay at puyat siya. Ngunit hindi ito ang problema niya. Mas matimbang ang concern niya na nagkaka-eyebags siya! Payo ni Val sabihin daw ito kay Kuya para mabigyan ng gamot si Ejay. Nakikita ito sa buong mundo kaya kailangan na matanggal ito. Inisip ni Ejay ang posibilidad na magmake-up dahil mukhang nakakaalis ito ng eyebags. Hindi kaya nabawasan ang pogi points ni Ejay sa mga napiling ikuwento sa Dazzling Doll? Well isipin nalang natin na at least nagkuwento na siya.


Val and Pris' favorite pastime
Apr 28, '08 11:50 PM





Nagbonding nanaman ang best buds na si Val at Pris sa mga pictures ng kapwa housemates! Hiniram muna nila ang picture ni Josef na kasama ang girlfriend niya at todo comment sila dito. Mukha daw chinese ang girlfriend pero spanish daw ito. Comment pa nila na pretty ito at cute ito (compared to who?). Type rin ni Val ang style ng gf at mukhang fashionista ito. Very sweet ang dalawa sa picture kaya kinilig ang dalawang girls. Sunod naman nilang hiniram ang class picture ni Robi. Ayon kay Priscilla, halos lahat "pangit" at si Robi ang "most pogi". Hmm.. after Ejay, Jolas, Kevin, ngayon si Robi na ba ang bagong type ni Pris?



Mga nabiktima ni Ejay at Valerie
Apr 28, '08 10:56 PM



Tulog na tulog si Alex sa sofa kaya binugahan siya ng mag-partner na manok ng isang malakas na "KI-KI-RI-KI"! Nagulat tuloy ito bigla at napaupo sa sofa akala tuloy na may giyera. Sunod naman si Josef na kakatulog pa lang sa sofa. Dali-dali siyang nilapitan ng dalawang manok at sinigawan sa tenga. Biro ng LaSallite na naramdaman niya pumasok ang noodles sa tenga dahil kakakain pa lang ni Ejay ng noodles. Very alert talaga ang mga manok sa bahay ni Kuya at malakas ang radar nila sa aantok-antok at hihila-hilata. Tingnan lang natin kung may makakatulog pa sa nakakabinging sigaw nila!


Nicole at Josef, hanggang tingin na lang ba?
Apr 28, '08 10:48 PM





Si Nicole ang inatasang maglinis ng toilet ngayon at nung naghahanda siya, sinisilip-silip siya ng Lethal LaSallite. Napatigil na lang siya sandali at binigyan niya ito ng kaniyang trademark na tingin at smile. Tiningnan lang siya ni Josef at snob niya ang In-Chick from Cebu kaya naman napasimangot ito. Kaninang umaga lang nanggaling si Mommy Sandy sa bahay ng teens, sinunod na kaya siya ni Josef na distansyahan si Nicole



Ejay and Valerie are chickens for a day!
'Apr 28, '08 10:30 PM





Pinagbihis ni Kuya si Ejay at Valerie ng manok na costume! In fairness terno ito sa buhok ni Ejay. Tinulungan siya bihisan ni Jolas dahil medyo tight suit ito at mahirap suotin. Ano kaya ang task ng dalawa? At bakit kaya siya binigyan ng task na ganito?



Mommy Sandy and Tita Anna join forces
Apr 28, '08 12:41 PM





Nagkausap na sina Tita Anna at Mommy Sandy. Pareho nilang iniisip na may mali sa namamagitan kina Nikki at Josef. Ang takot nila, baka sa sobrang pagpigil, lalong manggigil. Kung sina Josef at Nikki ay may balak makipag-usap, ganon din ang kabila. Mauuna daw si Mommy Sandy, at kung hindi mag-work, si Tita Anna naman ang susunod.

Naku, handa na ba kayo, Nikkia nd Josef? Tapos na ba ang maliligayang araw nyo o nagsisimula pa lang? The guardians are coming!



Mini bull session. Topic: Josef
Apr 28, '08 12:35 PM





Dumarami na ang sama ng loob kay Josef sa loob ng bahay. May issue sa gulay, issue sa jokes, issue sa pagkaseryoso... Mala-bull session ang nangyari sa girls' room nang kinausap nina Beauty, Priscilla, Valerie at Rona si Josef. Buti naman at sport ito at tinanggap ang lahat ng hinaing nila. Matapos nila magsalita, sya naman ang nag-explain ng mga dahilan. Misunderstanding ang karamihan ditro at kailangan lang dagdagan at ilugar ang sensitivity ng bawat isa. Naintindihan ng mga girls na marami ding alalahanin si Josef kaya hindi na sya yung usual na palabiro at makulit. Gusto man nilang saluhan sa problema si Josef, ang mga issue ay sa aknila lang daw ni Kuya. Firtunately, natapos naman ang diskusyon sa friendly hugs from everyone.



blog comments powered by Disqus