Google
 

Pinoy Big Brother

Friday, April 4, 2008

Nang dahil lang sa toyo...
Apr 4, '08 8:28 AM




Hmm.. on Uber kanina, we saw that meron palang hidwaang namumuo between Priscilla and Jieriel. Malakas talaga ang personality nitong si Jieriel and naging malapit pa sila ni Beauty kaya naman they rubbed Priscilla pati na itong si Val the wrong way.

Pero paano yan napagusapan ni Priscilla and Valerie ang tungkol sa nomination. Ano kayang sasabihin ni Kuya sa kanila?




Kuya joins the gang
Apr 4, '08 3:49 AM




Pagkatapos ng activity, bumalik ulit ang housemates sa pag-aasar kay Ejay. Ang champion alaskador na si Josef ay hindi talaga tinantanan ang promdie hottie. Kumanta si Ejay ng mga love songs na dinugtungan naman ni Josef nang may pahapyaw kay Valerie. Nakisama na ang ibang housemates na si Nan, Robi at Jolas sa paghohot seat sa binata. Ang reaksyon lamang ni Ejay ay isang pigil na ngiti na mukhang nadidiyahe sa mga housemates. Nasisira ba ang diskarte mo Ejay? Pero teka, meron nga ba in the first place? Hmmmm..

Si Kuya nakisama sa mga housemates at nagpatugtog ng "Ayoko ng Torpe"! Napatakbo na lang si Ejay sa hiya! Maya-maya lang ay ipinatawag siya ni Kuya sa confession room at gulat na gulat si Ejay dito. Haka-haka ng mga housemates na nandoon rin si Valerie.

Nandoon nga kaya si Valerie? Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Naipagtapat na kaya ni Ejay ang nararamdaman sa dazzling doll?

What do you think?





Tattooed on my arm
Apr 4, '08 2:27 AM



Kanina pa lang ay may pinapatuyo na si Kevin na tattoo sa kaniyang braso. Nakapinta sa kaniyang kaliwang braso ang salitang "SI". Nahalata na rin ito ng ibang mga housemates lalo na si Josef.

Para saan naman kaya ang tattoo na ito? Kanino siya nag-"OO"? Abangan mamaya ang buong storya sa likod ng kaniyang misteryosong tattoo!




Take your pick!
Apr 4, '08 1:26 AM



Pinapili ni Kuya ang housemates ng mga hand made t-shirts! Hindi ito para idagdag sa wardrobe nila kundi para ipang show and tell. Pipili ang housemates ng pitong t-shirts out of 14, at ipapaliwanag kung bakit ito ang pinili at bakit ito ang maganda sa palagay nila. Exempted ang 4 na sina Beauty, Jieriel, Kevin at Josef sa task na ito dahil na rin may ginawa silang task kahapon. Gawa ito ng mga guardians nila at may ideya sila tungkol dito. Pasok kaya ang style ng guardians nila sa taste nila?





Josef urges Nan to step up
Apr 4, '08 1:21 AM



Alam na ni Nicole na gusto siya ni Nan! Kung panay ba naman ang asar ni Josef sa kanila, hindi pa kaya mahalata ito? Nung naghuhugas ang Lasallite at shy In-chick ng pinggan, kumakanta ang mga housemates ng mga OPM Love Songs. Dinadagdagan ito ni Josef ng lyrics na nagpapahiwatig na si Nan ay in love nga sa dalaga. Kawawang Nan hindi nakaalma sa pag-aalaska ni Josef kaya parang si best bud Ejay, tameme siya sa harap ng crush. Dagdag pa ni Josef na hindi niya inaagawan si Nan, sabay turo na magkalayo sila ni Nicole at may pagitan sa gitna bagaman magkatabi naguhugas. Patawa tawa na lang si Nicole sa mga hirit ng Lethal Lasallite. Kita na kung ano ang nakapagpapatawa kay Nicole, makayanan kaya ni Nan gayahin ang powers ni Josef?




I like him.. I like him not.
Apr 3, '08 11:07 PM



Type ng Bikini Babe na si Linda ang Lethal Lasallite na si Josef! Lethal ang powers ng binatang ito dahil naattract niya ang hard to please na si Linda. Gwapo, matalino at mabait si Josef ayon kay Linda pero may "something" kay Josef na hindi niya nagustuhan kaya naturn-off ang dalaga. Madali pa naman siya maturn-off pero ok daw si Josef. Cariño brutal pa siya dito sa pagkulit kay Josef na Ne-osef (Neozep) at pagsabi na pangit ang buhok ni Josef sa likod. In fairness napansin niya iyon. So what's the deal, gusto kaya ni Linda si Josef o hindi?

blog comments powered by Disqus