Google
 

Pinoy Big Brother

Thursday, April 3, 2008

The calm before the storm
Apr 3, '08 10:44 PM



Matapos magensayo ng housemates, naghiwa-hiwalay sila at nagkaniya-kaniyang gawa para magrelax. Si Alex, Linda at Nicole naglaro nanaman ng talaga namang favorite card game na UNO! Si Rona at si Robi naman patuloy pa rin ang pagpipirma ng notebooks. At si Kevin sabi ni Linda ay nagmomoment sa banyo. Trivia pa galing kay Linda: kapag kumakanta ang Spanish Stallion ng My Heart Will Go On, sure na na nag"happy pupu" ang binata. Wow. Kapansin-pansin rin ang mga shorts ng mga boys na may smiley face sa gitna. Ano naman kaya ang ibig sabihin ito? Ang pagrelax kaya na ito ay makatulong para ibigay ang best shot nila mamaya? Abangan...





One Two Step!
Apr 3, '08 9:46 PM



Maaga nagising ang teen housemates para lang magpractice sa kanilang algorithm dance! Palapit na ng palapit ang judgment night for the housemates kaya naman mukhang kinakareer na nila kumpara sa mga nakaraang araw. Marami na ring steps ang naidadagdag ni Josef sa original choreography ni Jolas. Mapanalo na kaya nila ito?

Samantala, kita rin na kumpleto na ang mga housemates. Nakabalik na sa bahay ang apat na natulog sa bahay ng guardians. Paano kaya nila naipaliwanag ang pagkawala nila ng ilang oras? Subaybayan ang mga kaganapan sa bahay ni Kuya!




Sinabawang gulay!
Apr 3, '08 11:48 AM




Bigla naman ang-crave ang housemates ng gulay, kaya naman off to the kawali si Jieriel at nagluto ng adobong kangkong. Masarap daw sana kung may karne, pero basta ok ang timpla ng toyo't suka, panalo na yan. Very helpful naman ang boys sa kitchen. Sila ang nagsasaing at nagka-diskusyon pa ng difference sa pagsasaing sa rice cooker at sa kalan. No problem ang pagkain ng gulay-gulay, na-excite pa nga ang teens natin. Aba, healthy living ha!




Ayoko ng torpe, part 2
Apr 3, '08 11:12 AM



According to Nan, feeling ni Valerie ay ayaw sa kanya ni Ejay. Paano ba naman, everytime maabutan ni Ejay sina Valerie ay umiiwas ito. Ayan tuloy, tangang-tanga ngayon si Ejay sa sarili. Kahit pa pilit depensahan ni Nan ang kaibigan, hirap maniwala si Valerie. Baka daw si Nan lang ang nagsasabi nun. Hindi tuloy mapakali si Ejay kung paano aayusin itong distance nila ni Valerie. One-man cheering squad namn itong si Nan at panay boost ng confidence ni Ejay. Eto, sasamahan ka pa anmin: Go Ejay! Woohoo!!!





VIT (Very Important Thing)
Apr 3, '08 10:14 AM



Jamming session lang ang mga teens at pinagpapasa-pasahan ang gitara. VIT (very important thing) at pinag-aagawan ang privilege to play around with it. Kantahan naman ang iba. Thanks to the boys na naka-impress kay Kuya dahil sa samahan at suporta nila kay Alex. Sulit na sulit ang prize guitar ng housemates ah!





Ayoko ng torpe!
Apr 3, '08 9:18 AM



Nagbibiruan ang mga housemates sa may pool area. Gina-guide nila ang Promdie Hottie para finally ay makausap naman niya si Valerie. Pautal-utal ang pakikipag-usap nitong si Ejay dahil daw sadyang tongue-tied siya pag may kaharap na magandang babae. Naku naman, Ejay, e ang tagal nyo na na magkasama sa bahay 24/7 no! Tama na ang hiya-hiya. Shy daw siya dahil sa buko incident, kung kelan inalayan niya ng buko itong si Valerie. OK lang naman daw, so no worries on Valerie's side. Maya-maya, pinatugtog ang kantang "Torpe".. naks, sapul ba Ejay? Bato-bato sa langit....





4 Teens and the Secret Place
Apr 3, '08 4:19 AM


Nakapasok na ang apat sa bahay ng mga guardians! Tuwang-tuwa si Daddy John nang makita ang anak na si Kevin kaya naman napalundag pa siya sa upuan nang makita ang pinakamamamahal na anak. Very emotional ang moment na ito at napaiyak pa ang mag-ama sa tuwa. Si Jieriel naman lumapit sa kaniyang ama at dahil kakakita pa lang nung graduation, hindi naman masyadong emosyonal ang pagtatagpo. Si Josef niyakap ang Tita at ganoon rin si Beauty sa kaniyang Mommy.

Si Beauty kinuha na ang trono ni Mommy Minda dahil pagpasok sa kuwarto ng mommies, tama ba naman na magligpit ng kama? Beauty masyado mo nang kinakareer ang gawaing-bahay ah. In fairness marami siyang natutunan kay Mommy Minda. Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Kailan kaya nila ipapaalam sa iba ang secret place? Abangan...




Beauty's cover-up on the secret task!
Apr 3, '08 3:13 AM



Nagdududa na ang bikini babe na si Linda sa mga kaganapan kagabi. Mukhang mali ang akala ni Beauty na tulog na ang mga girls! Tinanong ni Linda kung bakit gising pa si Beauty kagabi nung tulog na silang lahat. Mabilis na sinagot ni Beauty na naglinis siya ng bahay. Pinatunayan pa niya ito sa pagpapakita ng lamesa, "dati madumi, ngayon malinis na!". Dagdag pa niya na exam ito ni Kuya dahil hindi siya sanay sa gawaing-bahay. Naghanap pa siya ng kakampi at cinonfirm naman ng guy teen housemate. Natahimik na lang si Linda sa kaniyang pagmumuni-muni. Ang tanong, naniwala kaya siya sa Rebellious Beauty?




Mysterious Beauty
Apr 3, '08 3:00 AM



Habang nageensayo ang teens ng kanilang algorithm dance, panay impake ng gamit ang Rebellious Beauty ng Dumaguete. Kailangan daw niya magimpake ng damit na good for one day sabi niya kay Jieriel. Pati si Kevin kasama sa gimik na ito kaya todo kuha siya ng gamit sa boys room para dalhin sa girls room. At may nalalaman pa silang patago-tago ng gamit sa ilalim ng kama ng girls! Saan naman kaya sila pupunta na good for one day lang ang dala? Sa kabilang bakod lang kaya?

blog comments powered by Disqus