Google
 

Pinoy Big Brother

Sunday, April 20, 2008

Pasabog sa bahay ni Kuya!
Apr 18, '08 11:30 PM



Habang naglalaro ng card game si Beauty, Ejay, Jolas at Josef, biglang may nagpasabog! Napatakip na lang ng unan si Beauty sa mukha at napatayo si Jolas. Wala naman silang tinuturong salarin pero si Josef mukhang guilty! Hindi daw siya iyon at hindi na daw siya umiinom ng C2 na sanhi ng pagbubuga niya ng lagim. Sige na nga Josef, sabi mo eh!





Josef, nagsesenti!
Apr 18, '08 4:33 AM



Habang nageenjoy ang kapwa housemates sa kabilang kuwarto, senti mode si Josef at mukhang kanina pa nagmumuni-muni. Mukhang problemado at minsan pa ay napapaluha. Ano kaya ang saloobin ng Lethal Lasallite? Iniisip niya kaya ang tungkol sa Tita Anna niya? O di kaya ang maiiwan sa bahay na si Nicole kung sakaling magvoluntary exit siya?




Waking up the boys
Apr 18, '08 4:21 AM



Talaga namang napakasarap magsiesta ng hapon kaya naman hindi magising ang ibang housemates kahit ano pang kulit ni Rona! Very determined ang teen debater na ito na malaman kung ano nga ba ang sikreto sa likod ng pagkawala ng mommy niya, mommy ni Priscilla at tita ni Valerie sa loob ng bahay ni Kuya. Hinagisan na niya ng unan ang mga housemates at pati si Nicole ay nakisali na rin sa paggising sa mga boys pero tulog na tulog pa rin sila! Naku, malaman kaya ng mga girls ang misteryong iyon bago pa man sila tawagin ulit ni Kuya?




BBF Together Again?
Apr 18, '08 3:14 AM



Damayan ang mag BBF na si Robi at Josef dahil sa problema ni Josef kay Tita Anna. Gusto nang lumabas ng Tita ng Lasallite dahil na rin sa pagiging insomniac niya lately plus yung pressure pa sa loob ng bahay. Nagsuggest naman si Robi kung puwede daw kaya ang Mommy na lang ni Josef ang pumalit. Ngunit hindi naman puwede dahil labag ito sa batas ni Kuya. Si Josef na kaya ang susunod na magvovoluntary exit sa bahay ni Kuya? Ano ang opinyon ninyo tungkol sa isyung ito? Payag ba kayo na magvoluntary exit si Josef?

blog comments powered by Disqus