Google
 

Pinoy Big Brother

Wednesday, April 9, 2008

BFF moment
Apr 9, '08 3:43 PM




Mukhang may task nanaman sa mga boys. Biglang nag-init ng milk itong si Robi, parang special concoction pa yata. Nang tinanong siya nina Priscilla at Jieriel kung para kanino ito, para daw sa mga boys kasi hindi makatulog. Nakatunog naman itong si Jieriel as always, dahil na din sa bagal sumagot ni Robi. Pero agad namang salo itong Atenista natin at in-offer pa na gawan din sila ng warm milk. Ano nga kayang balak ng dalawang ito at nagbubulungan nanaman sa gilid? Mag-work naman kaya yang plano ninyo this time?






Nikki and Josef again?
Apr 9, '08 3:38 PM


'

Kelan lang ay nagkatampuhan itong dalawang ito to the point na walang pansinan. Since nagkaayos sila, napapadalas naman yata ang pagbobonding ng dalawang ito. Warning ni Josef dito sa In-Chick an wag matulog. May utang pa daw itong masahe sa kanya. Kaya para nga naman hindi na makatulog, dun nalang sila nagkwentuhan sa may pool. Though safe topics naman ang discussion gaya ng surprise para kay Linda, bakit ba parang may honey-sweet lagkit ang tinginan ninyong dalawa, aber?





Ano ba talaga, Ate?
Apr 9, '08 3:34 PM



Nagkakwentuhan sina Rona about serious relationships. Hindi daw ma-imagine ng ate ng grupo na may boyfriend siya. Paano ba naman, kailangan talagang mature ito to handle her. Kita naman sa mukha ni Rona na hopeful pa rin ito at may romantic side. Pa-inosenteng hIrit ni Ejay, "Asan ba si Robi?" React naman si Rona, "Wag ganyan." Hmm... ano nga ba talaga ang story behind that, ate?





Gentle Giant, so in love
Apr 9, '08 3:31 PM




Habang nakikipagkwentuhan, hindi maiwasan na mapansina ng pahalik-halik ng Gentle Giant sa isang framed picture ng girlfriend nito. Super in love nga yata itong si Jolas at miss na ang girlfriend. Nung nagkakwentuhan sila nina Ejay at Rona at nabanggit ni Rona na madali ma-develop ang abbae sa isang persistent suitor, bigla itong nag-worry na baka ma-develop sa ibang guya ng mahal niya. Don't worry, Jolas, sa ganyang pagmamahal mo sa kanya, I doubt kung ipagpalit ka niya! Lucky girl ha!




Blog EntryMaging Sino Ka Man
Apr 9, '08 6:33 AM






Talaga namang pairing kung pairing na sa loob ng bahay. Isang makabagdamdaming Maging Sino Ka Man ang i-prinesent naman nina Josef, Nikki, Val at Ejay ke Daddy Hans. At di lang basta song number ha, me matching titigan at yakapan pa...hmm...Umuusbong na ba ang Big Brother Love?





What's with the headband Josef?
Apr 9, '08 6:29





Naku mukhang nawili si Josef sa pagsuot ng headband ni Nicole na pansin na pansin naman ni Kuya. Kahit sa task, loob ng bahay, sa kusina, aba di na niya ito ibinalik pa sa may-ari... kaya ayun tuksong umaatikabo ang inabot niya ke Big Bro sa loob ng confession room. Yihee..si Nicole pala ha...





All for Daddy Hans
Apr 9, '08 6:25 AM



Nagpresent si Alex, Kevin at si Beauty ng isang nakakatawang number to the tune of "Sofa" na gawa ng isang aspiring PDA scholar. Tawang tawa ang mga housemates sa girly na itsura nina Alex at Kevin samantalang si Beauty naman ay nagmukhang siga?

Mukhang bagay na bagay sa 2 boys ang skirts nila ah...






Pagkakaibigang nasira...
Apr 9, '08 6:20 AM





After pala ng nomination night at di na masyadong nagusap ang best friends na sina Val at Priscilla. Mukhang nagkaroon na ng gap ang dalawa dahil sa kanilang automatic nomination. Sinubukan ng mga girls na pagbatiin ang dalawa at mukhang ok na si Val at Pris. Pero sa tingin niyo me lamat na ba ang friendship nila?






Kevin in make-up!
Apr 9, '08 2:20 AM




Pinagtripan ng girl housemates ang Spanish Stallion na si Kevin! Nilagyan siya ng make-up at para daw ito sa presentation. Mukhang natapos rin ang pagtatampo ni Nicole kay Kevin dahil siya ang nangunguna sa pagmmake-up dito. Tawang tawa ang mga girls habang si Kevin naman tahimik na nakapikit. Very willing naman siya at game dito. Ikaw na kaya Kevin ang papalapit kay Josef na make-up King?





Girls ready their presentation!
Apr 9, '08 12:46 AM



Bago umalis si Daddy Hans, maghahandog ng performance ang teen housemates para sa kaniya. Si Beauty ang inatasan para mamahala dito at strict ang instruction sa girls: IMPERSONATE LINDA! Keri niyo ba yun girls? Kailangan nilang makipagpartner sa boys para gawin itong task. Kani-kanino kaya mapapartner ang girls? Paano nila gagayahin si Linda? Ito na kaya ang first time nilang makikitang umiyak ang Bikini Babe?

blog comments powered by Disqus